PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bulusan mayor clears Heart in Vice Ganda “bulok” school issue

"....wala pong kinalaman si Ms. Heart Evangelista-Escudero sa isyung ito."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 29, 2025
Bulusan mayor issues statement after Vice Ganda’s "bulok" school remark in Heart Evangelista’s hometown
Bulusan, Sorsogon mayor Wennie Rafallo-Romano (not in the photo) releases a statement addressing Vice Ganda’s (left) “bulok” school remark made on It’s Showtime, clarifying details about his donation and denying Heart Evangelista’s (right) involvement in the issue.
PHOTO/S: Vice Ganda/Heart Evangelista on Instagram

Bilang tugon sa naging pahayag ni Vice Ganda sa pagtulong niya sa isang "bulok" na paaralan sa "probinsiya" ni Heart Evangelista, naglabas ng opisyal na pahayag si Bulusan, Sorsogon Mayor Wennie Rafallo-Romano.

Sa isang episode ng It's Showtime noong October 24, 2025, ibinahagi ni Vice ang kanyang naging karanasan nang bisitahin niya ang isang eskuwelahan sa Sorsogon.

Ang Sorsogon ay balwarte ng mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero, na umupo bilang congressman (1998-2007) at governor (2019-2022) sa probinsiya.

Sa kuwento ni Vice, mayroong isang paaralan sa Sorsogon, ang Bagacay Elementary School, na natapos maipatayo dahil sa tulong niyang pinansiyal.

Pinaayos at bumili raw siya ng reading materials para sa eskuwelahang ito matapos makita ang kalagayan ng mga mag-aaral.

Sabi ni Vice sa co-host na si Anne Curtis sa "Laro Laro Pick" segment ng It's Showtime: "Di ba nga, kinukuwento ko sa yo, may pinuntahan na akong lugar doon sa probinsiya nila Heart Evangelista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na isang paaralan na walang reading materials. Pinagawa ko yung eskuwelahan at nagpadala ako ng tulong doon kasi walang reading materials.

"Bulok yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista. I cried so much when I saw that school."

Dahil sa kanyang naging pahayag, umusbong ang haka-hakang maaaring pinapasaringan ni Vice si Heart.

Napansin kasi ng netizens ang pagbanggit at diin ng komedyante sa pangalan ni Kapuso actress na dalawang beses pa raw nitong inulit.

Read: Netizens ask: Is Vice Ganda throwing shade at Heart Evangelista?

Dito na rin napagtuunan ng pansin ng netizens ang anila'y marangyang pamumuhay ni Heart.

Giit nila, sa mahal daw ng mga kagamitan ng actress-fashion content creator, na ibinibida nito sa kanyang vlogs, ay maaari raw sana iyong makatulong sa pagpapatayo ng mga paaralan sa Sorsogon.

Read: Heart Evangelista totes PHP21.1-M Hermès Birkin in Japan

BULUSAN, SORSOGON MAYOR RELEASES STATEMENT

Nitong Lunes, October 28, naglabas ng opisyal na pahayag ang LGU (local government unit) ng Bulusan, Sorsogon, sa pangunguna ng kanilang mayor na si Wennie Rafallo-Romano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw nila ang anila'y maling paratang ni Vice nang sabihin nitong "bulok" ang paaralang kanyang tinulungan sa kanilang bayan.

Hindi itinanggi ni Romano na minsan ngang nagawi si Vice sa Bagacay Elementary School sa Sorsogon, na binigyan niya ng donasyong nagkakahalaga ng mahigit PHP67,000 para sa pagsasaayos ng ilang classroom at pambili ng ilang reading materials.

Ang ginawang pagkakawanggawa ni Vice ay labis daw na ipinagpapasalamat ng paaralan at lokal na pamahalaan ng Bulusan, Sorsogon.

Ang hindi lang daw nila matanggap ay nang ipamukha ni Vice sa publiko na "bulok" at walang maayos na gamit at pasilidad ang naturang paaralan.

Nagbigay raw ito ng kahihiyan hindi lang sa Bagacay Elementary School kundi sa buong DepEd (Department of Education) Sorsogon.

Dagdag pa rito ang pagkakadawit daw sa pangalan ni Heart, na wala naman umanong ginawang masama sa kanilang bayan.

Tahasang inabsuwelto ng alkalde ang misis ng dating governor at congressman ng kanilang lalawigan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Heart Evangelista’s personal assistant rants against Vice Ganda

Mababasa sa inilabas na pahayag ng alkalde (published as is): "Bilang ina ng Bayan ng Bulusan, nais ko pong magbigay-linaw sa naging pahayag ni Vice Ganda sa It's Showtime Episode ng ABS-CBN noong October 24, 2025, patungkol sa kanyang donasyon sa Bagacay Elementary School na kumalat sa social media.

"Tahasan niyang sinabi na bulok ang eskwelahan sa probinsya ni Heart Evangelista at walang mga reading materials.

"Nais ko pong bigyang-diin na wala pong kinalaman si Ms. Heart Evangelista-Escudero sa isyung ito.

"Dumalaw po sa Bagacay Elementary School si Vice Ganda noon September 26, 2023, at nag pledge po siya na na magbibigay ng donasyon sa paaralan.

"Ang unang donasyon na P50,000.00 ay pinadala sa School Head noong December 22, 2023, sinundan ito ng karagdagang donasyon noong January 7, 2024, January 24 at January 30 na nagkahalaga ng P17,360.00.

"Ang kabuuan niyang donasyon ay P67,360.00 at ang naging proyekto ay ang pagsasaayos ng bintana at pinto at pag-plaster ng dingding ng makeshift classroom, paglalagay ng tiles sa isang comfort room at pagkabit ng internet at bayad ng internet bill sa loob ng tatlong buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Taos-puso pong nagpapasalamat ang LGU Bulusan sa donasyon na naibigay at sa kanyang kagandahan-loob, naayos po ang makeshift classroom na inumpisahan ng Parents Teachers Association (PTA) at may pondo din galing sa school MOOE at Special Education Fund ng LGU."

Diin ni Romano, bago pa man magpunta si Vice sa Bagacay Elementary School ay mayroon na raw itong permanenteng pasilidad at kumpletong mga aklat galing sa DepEd Sorsogon.

Saad niya (published as is): "Gusto po naming ipabatid na bago pa man dumalaw ang team ni Vice Ganda sa naturang paaralan, meron na pong permanenteng classroom na galing sa DeEd, at kumpletong mga aklat at supplementary reading materials na required pong kagawaran.

"Sa katunayan, noong Mayo 11, 2023, inilunsad dito ng DepEd Sorsogon ang Reading Program na 'Project Target' kaya mayroon ng mga supplementary reading materials na ginagamit ang mga mag-aaral.

"Ang Reading Kiosk na nahandugan ni Vice Ganda ng karagdagang reading materials ay initiative po ng mga magulang para may pook pahingahan din ang mga bata at makapagbasa sa kanilang bakanteng oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpapasalamat po ang LGU Bulusan sa ipinakitang malasakit ni Vice Ganda, ngunit ang paraan ng pagsasamadla ng kanyang donasyon na may komentong 'bulok na paaralan at walang reading materials' ay nagdulot ng kahihiyan sa Bagacay Elementary School, sa bayan ng Bulusan at sa Department of Education.

"Nabalewala ang lahat ng pagsusumikap ng mga guro at pamunuan, mga magulang at mag-aaral, lokal na liders at ng Kagawaran ng Edukasyon at iba pang stakeholders para mabigyan ng kaaya-ayang paaralan ang mga kabataan na angkop sa kakayahan ng komunidad."

Dagdag pa ni Romano (published as is): "Patuloy ang koordinasyon ng LGU Bulusan sa DepEd Sorsogon at sa Provincial Government para masigurong kasama sa mga plano ng lalawigan ang mga pangangailangan ng ating mga paaralan."

Kapansin-pansin naman ang pag-angat ng alkalde sa pangalan ng mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero, na naging "prayoridad" daw ang edukasyon noong panahon ng pandemic nang gobernador pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mula pa noon, si Senador Chiz Escudero ay naging aktibong taga suporta ng edukasyon sa Bulusan, lalo na noong siya pa ay gobernador — prayoridad niya ang edukasyon sa panahon ng COVID-19 Pandemic."

Read: Escudero, Binay deny involvement in flood control corruption

Sa huli, sinabi ni Romano na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para matulungan ang bawat paaralan sa kanilang bayan na mabigyan ng sapat na kagamitan at maayos na pasilidad.

Sniya, "Makakaasa po ang publiko na mabibigyan ng tamang intervention ang mga kakulangang nabanggit ng walang propaganda, kundi purong intensyon na matulungan ang ating mga mag-aaral."

Bulusan Mayor clarifies Vice Ganda’s remarks on
Photo/s: Bulusan LGU on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon si Vice sa naging pahayag ng alkalde ng Bulusan, Sorsogon.

HEART EVANGELISTA'S PA DEFENDS ACTRESS-INFLUENCER

Wala pa ring direktang pahayag si Heart kaugnay ng sinasabing patutsada sa kanya ni Vice, ngunit binanatan ng longtime personal assistant ng aktres na si Resty Rosell ang comedian-TV host sa sunud-sunod nitong Instagram posts.

Ipinagtanggol ni Resty si Heart sa pagbanggit ni Vice sa pangalan ng aktres.

Naglabas din siya ng mga "resibo" ng charity works umano ni Heart sa lalawigan ng Sorsogon.

Kinalampag din ni Resty ang Department of Education, sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, at ang mga nakaupong politiko ngayon sa Sorsogon dahil sa panawagan ni Vice.

Read more:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bulusan, Sorsogon mayor Wennie Rafallo-Romano (not in the photo) releases a statement addressing Vice Ganda’s (left) “bulok” school remark made on It’s Showtime, clarifying details about his donation and denying Heart Evangelista’s (right) involvement in the issue.
PHOTO/S: Vice Ganda/Heart Evangelista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results