PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion reveals reason for seven-year break from showbiz

KC Concepcion, magbabalik na ba sa showbiz?
by Jojo Gabinete
Published Oct 29, 2025
kc concepcion fast talk
KC Concepcion reflects on her seven-year break from showbiz, the pain of losing her grandmother Elaine Cuneta, and the healing that came with reconciling with her mom, Sharon Cuneta.
PHOTO/S: GMA Network

Makalipas ang matagal na panahon, muling nasilayan sa telebisyon si KC Concepcion.

Siya ang espesyal na panauhin ni Boy Abunda sa birthday celebration ng TV host sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Miyerkules, Oktubre 29, 2025.

Inaasahan na ang paglabas ni KC sa programa ni Boy sa GMA-7 ang hudyat ng muling pagiging aktibo niya sa showbiz.

Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates

KC ON LOSING HER GRANDMOTHER ELAINE CUNETA

Ayon kay KC, malaki ang kinalaman ng pagkamatay ng kanyang maternal grandmother na si Elaine Cuneta sa pagkawala niya sa showbiz sa loob ng pitong taon.

Pumanaw si Elaine noong November 5, 2014.

Lahad ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion: “May nabasa po akong libro, Secrets of The Millionaire Mind. And it says there, 'Your thoughts turn into feelings and your feelings turn into actions and your actions turn into results.’

“So, kung ang thoughts mo ay nagiging negative na, ganoon na rin ang magiging feelings mo, ganoon na rin ang magiging action mo, ganoon na rin ang magiging resulta ng choices mo sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So there was a time na parang wala na akong ligaya na nakukuha. Kasi siguro nung time na yon, nawala din yung lola ko, si Mita Elaine.

“And then, nag-cope talaga yung buong family.

"Saka siya yung number one na nasa audience and pinaka-last na umaalis ng auditorium, ng studio.

“So, may time talagang nag-grieve po ako sa lola ko. Yun po ang totoo dun. Nagluksa po ako dahil kay Mita Elaine."

Pagpapatuloy niya: “Ang next ko po noon na hosting was Binibining Pilipinas. Nung after po ng year [2016] na nanalo si Pia Wurtzbach, yun po yung nag-host ako.

“Sobrang naapektuhan po ako nung nakita ko yung audience and wala na po si Mita Elaine.

"Doon kasi siya yung unang-unang pinaka-excited manood lalo kapag mga beauty queen, mga beauty contest, at ako po yung host.

“So when I saw na wala siya doon, grabe ang pakiramdam. Iba po, hindi ko in-expect.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And then, after po noon, humihina po yung katawan ko nung time na yon.

"And nalaman ko na you can actually feel that way pala kapag medyo malungkot talaga kayo, so nag-rest po ako because of that.”

Read: Heart Evangelista’s PA rants against Vice Ganda for mentioning Heart in the same breath as a rundown school

kc concepcion grandmother eelaine cuneta
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KC CONCEPCION ON RECONCILIATION WITH MOM SHARON CUNETA

Ayon kay KC, masayang-masaya siya dahil maayos na uli ang relasyon nila ng kanyang inang si Sharon Cuneta.

Saad niya: “Masayang-masaya dahil after a while, sobrang okay na kami ni Mama.

"Sobrang nagmamahalan kaming pamilya. Napakasaya ko po. Iba talaga yung feeling pag okay.”

Nagdiwang si KC na ika-40 kaarawan sa Amanpulo noong Abril 7, 2025 at isang malaking sorpresa para sa kanya ang pagdating ni Sharon.

Pero binanggit niyang maayos na uli ang kanilang relasyon mula pa noong Disyembre 2024.

“Na-surprise ako, sobra. May mga butler kasi sa mga villa.

"Sabi nila, ‘Nandito na po yung cake ninyo. Kailangan na po natin mag-blow ng kandila.’

“Ah, okay, lakad ako. 'Asan yung cake?'

"Hanggang ngayon wala po akong cake nung birthday ko, pero ang nandun po si Mama. Sabi [nila], 'Ito na yung cake mo.’

“Dumating si Mom, buti na lang may room talaga. Pero nag-share kami and first time kong tumabi kay Mama after one hundred million years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And dun ko po na-feel na, naku, nagmamahalan talaga kaming magnanay.”

Read: Raymart Santiago breaks silence on Inday Barretto's allegations

KC Concepcion bonds with mom Sharon Cuneta
KC Concepcion and mother Sharon Cuneta
Photo/s: Courtesy: Instagram

CHRISTMAS SURPRISE

Ikinuwento ni KC kung paano sila nagkaayos ng kanyang ina.

Lahad niya: "Actually nag-start po ulit yon, Christmas.

"Nagluluto po ako ng adobo. Amoy suka at bawang po yung bahay ko noon and biglang nag-ring yung doorbell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-panic yung PA ko, saka yung driver, 'Andiyan po si Ma’am Sharon sa harap.'

“Nakapayong yung bodyguard niya, nakatayo na siyang ganoon. 'Parang ang tagal mong buksan yung gate.'

“Gulat na gulat po ako. Sabi ko, ‘Mom, come in.’

“Sobrang excited ko po. Four hours or five hours po kaming nag-usap sa living room ko.

"And then, lahat napag-usapan po namin. Para kaming mag-best friends.

“Nag-thank you po ako sa kanya sa lahat ng itinuro niya sa akin.

"'Thank you for putting me through college. Thank you sa lahat ng itinuturo mo, Ma.'

"Like ngayon, kapag lost ako or meron akong gustong malaman, iniisip ko lang ano yung sinabi ni Mama dati.

“Dati wala pang mga Instagram, yung mga magazine, pinupunitan niya yon ng mga article. Inilalagay niya sa isang portfolio na clear folder, ibinibigay niya sa akin tuwing aalis ako.

“Aralin ko raw lahat yon. Lahat daw ng hindi niya maituro verbally, magbasa lang daw ako nung mga pinili niyang articles, matututunan ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, dun ako natuto magbasa lagi kapag meron akong hindi alam or gustong malaman, nagbabasa lang po ako."

Ayon pa kay KC: “Mas natural na po [kaming mag-usap ngayon], thank God. Kaya ko na pong sabihin, ‘Ma, I need girl talk. Call me.'

“Seven ng umaga, kapag magigising siya to go to work, natatawagan pa niya ako. 'Anong nangyari, Ma?' 'Kailangan ko ng advice mo, paano ito?' 'May na-meet ako, ganoon!’”

Ano ang pinakaimportanteng leksyon na natutunan niya mula sa kanyang ina pagdating sa pag-ibig?

“Hala… hmmm. Sabi niya sa akin, 'Huwag mong masyadong isipin yung sasabihin ng mga tao.'

“And may mga dumarating sa buhay ko na talagang sabi niya sa akin, 'Anak, when in doubt, don’t. Basta anak, kung meron kang doubt, kung nagdadalawang-isip ka, huwag na!’”

Nang sabihin ni Boy, “Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko that there were tough times between the two of you,” sumagot si KC: “Naku, normal lang po yon. Saka po artists pa kami pareho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Babalik na ba siya sa pagkanta?

“Abangan niyo na lang po. I don’t know kung puwede na [pag-usapan],” sabi ni KC.

Read: Richard Gomez, napaluha nang muling makasalamuha ang showbiz reporters

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion reflects on her seven-year break from showbiz, the pain of losing her grandmother Elaine Cuneta, and the healing that came with reconciling with her mom, Sharon Cuneta.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results