PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jason Hernandez’s snaps with mystery woman spark online buzz

Netizen to Jason Hernandez: "So happy for you Jason."
by Arniel C. Serato
Published Nov 3, 2025
Jason Hernandez with a new mystery woman again
Singer-songwriter Jason Hernandez hints at a mystery woman in his latest Instagram posts, sparking online speculation about their relationship.
PHOTO/S: Instagram

Pinag-uusapan ng netizens ang bagong post ng singer-songwriter na si Jason Hernandez na mga larawan habang siya ay nasa Australia.

Ilan sa mga litratong ibinahagi ni Jason ay may kasama siyang babae na hindi niya pinangalanan.

Pero naka-tag ito sa isang may account name na @sharineleah.

Kabilang dito ang larawan ng babae na nakatalikod at katabi ni Jason. Mayroon ding isang kuha mula sa malayo na kita ang suot nitong sexy sportswear.

Jason Hernandez with a mystery woman
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Jason sa post, "Land down under [Australian flag emoji]"

Read: Miss Universe says online voting, special event “not authorized”

NETIZENS REACT TO JASON HERNANDEZ'S POST

Sa comments section ay maraming netizens ang natuwa para kay Jason.

May nagsabi pang parang kamukha raw ng babae ang ex-wife ni Jason na si Moira dela Torre.

Netizens reactions on Jason Hernandez post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero karamihan sa mga nagkomento ay masaya para kay Jason kaya naman nag-iwan sila ng heart emojis.

Netizens reactions on Jason Hernandez post

Ayon sa isa, baka isang pakulo na naman ito para sa isang bagong kanta niya. Pero masaya pa rin daw siya para kay Jason.

Netizens reactions on Jason Hernandez post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kim Atienza reveals last conversation with daughter Emman

JASON HERNANDEZ 2023 MYSTERY WOMAN POST

Matatandaang umani ng sangkaterbang reaksiyon ang pag-post ni Jason sa social media ng isang misteryosong babae noong May 11, 2023.

Makikita sa unang post ang sweet na larawan nila ng mystery girl na tila nasa isang disyerto.

Nakasuot ng sumbrero at itim na sleeveless top ang babae at nakayakap sa likuran ng singer, habang siya'y nakangiti.

Naulit pa ang pagpo-post ni Jason kasama ang naturang babae noong May 22, 2023.

Sa pagkakataong ito, full body na ng babae ang makikita pero hindi pa rin maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod pa rin ito.

Pareho silang nakatalikod sa camera habang pinagmamasdan ang sunset sa nakamamanghang view ng Horseshoe Bend Canyon sa Page, Arizona.

Jason Hernandez and a mystery girl in 2023.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SOFT LAUNCHING: Jason Hernandez posts “harana” photos with mystery woman

May 25, 2023, ginulat ni Jason ang kanyang mga tagahanga nang maglabas siya ng music video para sa kanta niyang “Ikaw Pa Rin.”

Dito na napagtanto ng ilang netizens na ang pinagkakaguluhang mystery girl sa kanyang mga post sa Instagram ay isa palang aspiring actress.

Lumabas ding wala pang bagong karelasyon si Jason matapos ang kontrobersiyal nilang hiwalayan ni Moira noon.

Bagamat may ilan nang may alam na wala siyang bagong kasintahan, minabuti pa rin ni Jason na siya mismo ang magklaro sa publiko.

Sa kanyang Instagram Story noong June 3, 2023, muli niyang ipinost ang larawan nila ng babaeng pinaghihinalaan noong bago niyang karelasyon.

Ayon sa kanya, mas mabuting sa kanya manggaling na walang katotohanan ang mga naunang espekulasyon na bago niyang nobya ang babae sa music video.

Mababasa sa kanyang post (published as is): "Hi, for some people this has been clarified already but I want it to also come from me: the girl in the music video is not my girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Her name is Sumaya McEvoy, a friend from El Nido who was game enough to shoot the vid."

Diin pa ni Jason: "I don't have a girlfriend because I am technically still married and of course I won't have one while my annulment has not been finalized yet."

Read: Jason Hernandez clarifies issues regarding alleged girlfriend

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-songwriter Jason Hernandez hints at a mystery woman in his latest Instagram posts, sparking online speculation about their relationship.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results