Tila nagtagumpay si Jason Hernandez sa kanyang promo strategy para sa music video para sa kanta niyang “Ikaw Pa Rin.”
Lumabas kasing ang pinagkaguluhan ng netizens na mystery woman sa kanyang mga post nitong nakaraan sa Instagram ay isa palang aspiring actress.
Unang nasilayan ang mystery woman sa post ni Jason sa kanyang Instagram Story noong May 11, 2023.
Nakasuot ang babae ng sumbrero at itim na sleeveless at nakayakap sa likuran ng singer, habang siya'y nakangiti.
Tila kuha ang larawan sa isang disyerto na kahalintulad ng makikita sa Grand Canyon, sa Arizona, USA.
Hindi maaninag ang mukha ng babae dahil natatakpan ito ng suot niyang sumbrero.
Sa music video ni Jason, makikita ang bahagi ng nasabing lugar na parte ng location ng kanyang video.
Read: Moira dela Torre reacts to Jason Hernandez's sweet photo with a mystery girl
Noong May 19 naman, nag-share siya ng sweet moment niya kasama ang mystery woman na kuha sa Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.
Kalaunan, napag-alamang kasama pala ang eksenang ito sa music video ni Jason.
Read: Jason Hernandez teases followers anew with sweet moment with mystery woman
Ang huling post ni Jason kasama ang nasabing mystery woman ay noong May 22. Kuha ang larawan sa Horseshoe Bend Canyon sa Page, Arizona.
Nakita rin ang eksenang ito sa music video ng “Ikaw Pa Rin.”
Read: SOFT LAUNCHING: Jason Hernandez posts “harana” photos with mystery woman
At may face reveal na rin ang mystery woman:
Siya ay si Sumaya McEvoy na gumanap na love interest ni Jason sa music video.
At lumabas ding wala pang bagong karelasyon si Jason.
Dahil sa music video, nalaman ng publiko na matapos silang maghiwalay ng estranged wife na si Moira dela Torre ay muli niya itong sinuyo.
Pero si Moira na raw talaga ang umayaw na magkabalikan sila.
Binanatan din si Jason ng kapatid ni Moira na si J’mee dela Torre dahil ginamit ni Jason ang video ng kasal nila ni Mora sa music video.
Read: Moira dela Torre’s sister takes a swipe at Jason Hernandez; Jason reacts
At mukhang tagumpay talaga si Jason sa kanyang pakay, dahil ang kanyang music video ay meron ng 5.4 million views, 119,000 reactions, at lagpas 2,000 comments sa Facebook sa loob lamang ng 21 hours.
Inanunsiyo nina Jason at Moira ang kanilang hiwalayan noong May 31, 2022.
Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”