PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza shares how he deals with death of daughter Emman

Kim says he's not angry at Emman's bashers and her abusive yaya.
by Rachelle Siazon
Published Nov 4, 2025
Kim Atienza shares how he deals with daughter Emman's tragic death
Kim Atienza on not harboring anger towards Emman's bashers and even her abusive yaya: "If I'm a little kind today, Emman is alive in my heart. That gives me comfort."
PHOTO/S: Screengrab from KMJS / @kuyakim_atienza / @gracebalderas Instagram

Trigger Warning: suicide, self-harm

Inamin ni Kim Atienza na siya man ay maraming katanungan sa pagpanaw ng anak na si Emman Atienza..

Si Emman ay 19 taong gulang nang pumanaw sa U.S. noong October 22, 2025.

Eksklusibong nakapanayam si Kim ni Jessica Soho para sa November 2 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read: Kim Atienza reveals last conversation with daughter Emman

"Nagsimula ang stage ko ng questioning, questioning Lord. Ang dasal ko, 'Lord, ano 'to?' And then, nagkaroon ako ng kaunting resentment.

"Anger, oo. Sa sarili ko, sa sitwasyon. Nagreklamo ako kay Lord. He takes that naman, e.

"Ngayon, nasa acceptance ako. Tanggap ko ang nangyari. Alam kong wala na siya, " saad ni Kim.

Wala naman daw galit si Kim sa Diyos dahil naniniwala siyang may dahilan ang lahat.

Pero inamin din niyang pabugso-bugso ang kanyang pagdadalamhati ngayong wala na ang bunsong anak.

"Pag naalaala ko yung past memories namin, pag naglalakad ako sa mga lugar na alam kong... eto, pupunta kami sa isang hotel, pag-akyat ko sa lobby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naalaala ko doon ang GMA Ball, nandoon ang red carpet. Doon ko nilakad si Emman for the first time.

"Pag may naaalala ka, iiiyak mo, e. Okay ka, pero pag may dumadating na alaala, masakit.

"But I allow myself to cry kasi it's healthy, e. Ganun. It comes in waves."

Masakit para kay Kim ang sinapit ng anak na si Emman.

Hangga't maaari ay ayaw raw niyang isipin iyon.

"Yeah. That's why we decided to cremate. You know, when I think of these things, naaano ako.

"I want to think of just the beautiful things. I want to think of how beautiful my daughter was, how smart she was.

"Itong mga grim details, inaano ko yan. Binibigay ko kay Lord yan. Lord, ayaw ko na yan."

Noong nabubuhay pa si Emman, naging bukas ito sa pagkakaroon ng bipolar disorder kunsaan may episodes na ilang linggo siyang sobrang saya at may ilang linggong sobra namang depressed.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Na-diagnose din daw siyang may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), na ayon sa psychiatry.org ay isang "chronic and debilitating disorder." Ilan sa sintomas nito ay hindi makapag-focus, pagkakaroon ng excess movement na wala sa lugar, at pagsagawa ng "hasty acts" nang hindi iniisip.

Isinapubliko rin ni Emman sa kanyang TikTok account na dumanas siya ng bullying noong high school dahil ang tingin daw sa kanya ay "weird kid."

Sa salaysay ni Kim sa KMJS, kinumpirma ni Kim ang iba-ibang bullying na dinanas ng anak.

"Sa eskuwela, oo. 24/7 ang pagbu-bully ngayon. She was bullied that way in school and she suffered...

"Emman kasi is a digital native, e. She was born with it.

"Tayo kasi, alam natin kung ano ang tunay na buhay, alam natin kung ano ang social media. Nahihiwalay natin.

"Sa kanila, hindi nila naihihiwalay. Nung pinanganak sila, meron nang social media. Sa kanila, yan ang reality, kaya mahirap para sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Emman Atienza's cremated remains now at Atienza family home

ON HOW EMMAN HANDLED THE "GUESS THE BILL" CONTROVERSY

Nabanggit pa ni Kim ang pamba-bash kay Emman dahil sa nag-viral nitong video na "Guess the bill challenge" noong September 2024.

Base sa video, umabot ng PHP133,423.99 ang bill sa dinner niya at ilang mga kaibigan.

Binatikos si Emman at tinawag na "nepo baby."

Ang "nepo baby" ay slang para sa mga anak-mayaman na todo ang luho at sagana sa oportunidad dahil sa pagkakaroon ng mayaman at maimpluwensiyang pamilya.

Dumepensa noon si Emman at sinabing wala siyang ginastos, dahil ang tunay na nagbayad ng bill ay ang agency raw ng kanyang kaibigan.

Ayon kay Kim, inobserbahan daw niya ang anak noon.

Lahad ng Kapuso TV host: "Yung pagbu-bully online, I was watching her very closely. Basehan ko yan whether magre-relapse o hindi.

"Kasi yung guess the bill challenge niya, grabe yung bullying sa kanya nun, e. First of all, that was so unfair kasi that was a marketing ploy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So I wanna clarify again, it was a joke. We didn't pay that. It was my friend's birthday and her agency treated us to dinner.

"Kasi she was called out by a website, calling her out na, 'You're privileged.' E, it was a marketing gimmick.

"Pero di mo na maipaliwanag yan pag bina-bash siya. Bina-bash na siya, e."

Read: Mr. M kumpirmadong umalis na sa GMA, pipirma sa TV5

ON EMMAN'S BIPOLAR DISORDER

Nag-alala raw noon si Kim na baka maapektuhan ang mental health ni Emman.

Pagpapatuloy ni Kim: "And then pinapanood ko siya, sabi ko, 'It might trigger her pagiging bipolar. It might get her depressed.

"Nakita kong lumaban. I advised her not to talk. Sabi ko, 'Emman, just let it die.'

"Pero nagsalita, lumaban. Pinagtanggol niya sarili niya. She did it so well. Ang galing magsalita ni Emman, e.

"And sabi ko, 'Okay na siya, hindi na siya na-trigger, hindi siya na-depress, lumalaban."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Araw-araw raw tsini-check ni Kim si Emman kung ano ang kalagayan nito.

"That's why I engage with her in social media. Comment na ako nang comment diyan, e.

"And then every day I ask her, 'Are you okay? Are you good?'

"'I'm okay, Papa.' Yan din palagi. 'All good, Papa.'

"Yan ang code namin. 'Are you good?' 'All good, Papa.'"

Sabay dagdag ni Kim, "But she was not good."

Read: Emman Atienza’s past post on mental health resurfaces online

ON READING BIBLE VERSES TO EMMAN

Bilang ama, mababanaag ang pagsisisi ni Kim na wala siyang nagawa para sa anak.

Pero kahit papaano ay naibsan daw ang lungkot niya nang makatanggap ng liham mula sa American friend ni Emman na si Kim Watson.

Ibinahagi ni Kim sa KMJS ang laman ng liham ni Kim.

Ayon daw kay Sam, madalas ikuwento ni Emman kung paano nakatulong ang pagdarasal ni Kim para mapagtagumpayan ni Emman ang mental health struggles nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang maospital daw kasi si Emman noong 2020 dahil sa self-harm, binasahan daw ni Kim ang anak ng Bible verses mula sa Book of Psalms.

Hindi raw akalain ni Kim na nagmarka pala iyon sa anak at ikinuwento pa sa foreigner friend nito.

"My reading was making an impact. Hindi ko alam," ani Kim.

Akala pa raw ni Kim ay nairita sa kanya ang anak nang basahan niya ng Bibliya noon.

Pati ang malaking paghanga at pagmamahal na nadama ni Emman mula sa pamilya ay hindi rin pala nito naipararating sa mga mahal sa buhay.

Sabi ni Kim, "Di yon sinasabi sa akin. Ang mga bata kasi, di sila nag-e-express. Pero kinukuwento niya sa lahat..."

Read: Manny Pacquiao reacts to being seen with Jinkee at Eman's match

ON BASHERS, EMMAN'S YAYA

Nang tanungin kung galit ba siya sa bashers ni Emman, mariing tumanggi si Kim.

Maging sa dating kasambahay na nang-abuso kay Emman noong bata ito ay hindi rin daw galit si Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong taong gulang daw si Emman nang tinakot at kinulong sa cabinet ng kasambahay—bagay na nagdulot ng "paranoia" at post-traumatic stress disorder (PTSD) kay Emman.

Pero hindi na raw kinontak pa ni Kim ang kasambahay na iyon.

"Yung yaya kasi, malamang ganun din pinalaki iyon," ani Kim.

Aminado si Kim na kahit ngayon ay may negative comments sa social media na kapag nababasa niya ay masakit para sa kanya.

Pero binabasa raw niya ang mga ito sa paniniwalang positive impact si Emman sa mga nakakaalam ng kuwento ng buhay nito.

"But again, ang motto ni Eman is a little kindness. Even to them na nambu-bully hanggang ngayon, we still show a little kindness.

"That's her life. She was a little kind every day. If I'm a little kind today, Emman is alive in my heart. That gives me comfort."

Read: Victim loses PHP20M after falling for fake Squid Game star online

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIM'S MESSAGE FOR EMMAN

Sa huli, nagbahagi si Kim ng mensahe para sa anak na si Emman.

"Emman, Papa loves you so much. Mama loves you so much. And again, you surprised us with this last thing that you did.

"Just know that we'll see you soon—not too soon, but we'll see you when our time comes, and we can't wait for that day because we'll be with you again.

"Thank you for the 19 years that you've given Papa and Mama, Jose and Eliana.

"We may have not shown you as much love when you were alive, but you know we love you so much."

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depression is a serious issue. There are organizations who are ready to extend aid to those who are going through this condition.

Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza on not harboring anger towards Emman's bashers and even her abusive yaya: "If I'm a little kind today, Emman is alive in my heart. That gives me comfort."
PHOTO/S: Screengrab from KMJS / @kuyakim_atienza / @gracebalderas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results