PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto

Anjo Yllana reveals agreement with Vic and Maru Sotto.
by Jojo Gabinete
Published Nov 4, 2025
anjo yllana tito sotto word war
Anjo Yllana (left) admits he was merely bluffing after getting irked by alleged trolls from Senator Tito Sotto’s (right) camp: "Binluff ko si Tito Sen, sabi ko, 'Tito Sen, ayusin mo naman yung trolls mo. Kapag hindi tumigil yan, iaano ko yung mga chicks mo.’ Nangba-bluff lang naman ako. Hindi ko naman akalain na buong Pilipinas, buong mundo, e, magkakagulo!”
PHOTO/S: Snooky Serna YouTube / Vicente Tito Sotto Facebook

Nabulabog ang maraming netizens sa mga alegasyon ng actor-TV host na si Anjo Yllana tungkol sa Eat Bulaga! host at Senate President na si Tito Sotto.

Marami ang kumukuwestiyon kung ano ang motibo ng mga pahayag ni Anjo sa kanyang Anjo & Mr. Wrongbang vlog sa TikTok, na mayroong 81.4K followers.

Sa kanyang livestream kahapon, Nobyembre 3, 2025, nagpakawala ng isang rebelasyon si Anjo tungkol umano sa veteran TV host at politician.

Read: Kim Atienza shares how he deals with death of daughter Emman

Bahagi ng pahayag ni Anjo: “Tito Sen, ang dami mo na naman pinalabas. Yung mga bayaran mo sa mga vloggers.

"Tito Sen, gusto mo talagang laglagan? Gusto mo i-reveal ko na mula 2013 kung sino po yung kabit ninyo, Tito Sen?

"Okay ba sa 'yo yun, Tito Sen? Gusto mo sabihin ko na kung sino yung kabit mo mula 2013 na pinalakad mo sa akin?

“Sabihin mo lang, Tito Sen, at iaano ko na, iba-box reveal ko na. Sasabihin ko na sa taumbayan kung sino ang kabit mo mula 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sige lang, banatan niyo lang ako at marami pa akong ilalabas."

Maliban dito ay may iba pang mga alegasyon si Anjo tungkol umano sa "sindikato" sa loob ng Eat Bulaga! at iba pang maseselang isyu.

THE CAUSE OF ANJO YLLANA'S ALLEGATIONS AGAINST TITO SOTTO

Ngayong Martes, Nobyembre 4, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Anjo, sa pamamagitan ng telepono, para alamin ang puno’t dulo ng pagsasalita niya laban kay Senator Sotto.

Ayon sa aktor, may kinalaman sa sigalot sa pagitan ng Eat Bulaga! hosts at ng pamunuan ng TAPE, Inc. ang ugat ng paglalabas ng mga nalalaman niya umano.

Saad ni Anjo: “Nagsimula yan nung away ng Eat Bulaga! tsaka ng TAPE.

"Ako naman, wala na ako sa Eat Bulaga!, may pelikula ako noon, ininterbyu ako ng press.

“Ang pagkakaalam ko naman talaga dati, ang may-ari ng Eat Bulaga!, ang mga Jalosjos.

"Nung tinanong ako at sinagot ko, nagalit sa akin ang mga taga-Eat Bulaga!.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Binash na ako nang binash. Kung anu-ano ang mga sinabi, hindi ko naman pinatulan."

Noong May 31, 2023 ay kumalas sa TAPE ang pioneer hosts ng Eat Bulaga! na sina Tito, Vic Sotto, at Joey de Leon — kasama ang lahat ng co-hosts ng programa — makalipas ang halos 44 taon.

Ang TAPE ng Jalosjos family ang dating producer ng longest-running variety show.

Read: Tito Sotto: TVJ Exit Was Upsetting

Nawala si Anjo sa Eat Bulaga!, pagkatapos ng 21 taon, nung kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Read: Anjo Yllana, inamin ang dahilan kung bakit umalis siya sa Eat Bulaga after 21 years

anjo yllana eat bulaga
Anjo Yllana with his Dabarkads in Eat Bulaga! during their happier times.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANJO YLLANA CLAIMS SENATOR TITO SOTTO'S TROLLS ARE ATTACKING HIM

Sa pagpapatuloy ng pahayag ni Anjo, sinabi niyang may kinalaman sa pulitika ang mga banat niya kay Tito Sotto, na "kaalyado" ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr.

Sa isa niyang livestream ay idineklara naman ni Anjo ang sarili bilang "DDS" at tagasuporta ni Vice-President Sara Duterte.

Inatake raw siya ng "bashers" — na paniniwala niya'y mula sa kampo ng Eat Bulaga! at ni Tito Sotto — dahil sa mga patama niya laban sa gobyerno.

Lahad ni Anjo: “Kahapon [Nobyembre 3], paggising ko, yung mga basher ng Eat Bulaga!, bina-bash ako.

"Yung vlog ko kasi, nagpapatama ako sa gobyerno mula noong nagkaroon ng nakawan sa flood control projects.

“Active ako kasi nga hindi naman ako naninira. Nagbibigay lang ako ng opinyon saka advice.

"Para sa akin, ayusin naman ng gobyerno yung pamamalakad ninyo.

“E, siyempre si Tito Sen kaalyado ng present government, so yung trolls ng Eat Bulaga!, inaaway ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Two weeks ago kasi, yung followers ko, tinanong ako kung puwede kong tanungin si Tito Sen tungkol sa ipinangako niya na yung sahod niya, ibibigay niya sa mga estudyante.

“So, nanawagan ako. Kumbaga, yung trolls at followers ni Tito Sen, medyo nagagalit sa akin."

Pagdidiin ni Anjo: “Hindi ako naninira. Hindi ako nagmumura.

"Ang sa akin lang naman, kung ano ang puwede kong ipakiusap.

“Nagbunga naman dahil after two weeks, inilabas ni Tito Sen yung resibo na ibinigay na niya yung sahod niya."

Base sa mga sumunod na pahayag ni Anjo, "nabuwisit" siya sa trolls ni Tito Sotto kaya nagpakawala siya ng mga pasabog ukol sa TV host-politician.

Sabi niya: "Anyway, kahapon, binabanatan ako, e, alam kong trolls iyon ni Tito Sen, yung bashers ng Eat Bulaga!.

“E, ang aga-aga, wala pa akong tulog. Medyo nabuwisit ako.

"Binluff ko si Tito Sen, sabi ko, 'Tito Sen, ayusin mo naman yung trolls mo. Kapag hindi tumigil yan, iaano ko yung mga chicks mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nangba-bluff lang naman ako. Hindi ko naman akalain na buong Pilipinas, buong mundo, e, magkakagulo!” natatawang sabi ni Anjo.

Read: Will Ashley calls out bashers sending him hate messages; mulls legal move

ANJO AND SOTTO BROTHERS CALL FOR "CEASEFIRE"

Ngunit tila hindi na mangyayari ang pinakahihintay ng marami na pagbubulgar ni Anjo tungkol sa pangalan ng diumano’y “other woman” ni Senator Sotto.

Pagbabahagi ni Anjo sa PEP, nag-usap sila ng mga nakababatang kapatid ni Tito na sina Vic at Maru Sotto kahapon.

Ayon kay Anjo, naging mainit ang pagpapalitan nila ng mensahe ng mga kapatid ng senador. Pero sa huli, napagkasunduan daw nilang magkaroon ng “ceasefire.”

Kuwento ni Anjo: “Nag-usap kami kahapon nina Bossing [Vic Sotto] at Maru, mga kapatid ni Tito Sen.

“Nagagalit sila. Nag-message sila sa akin. Medyo galit sila, na naiintindihan ko naman dahil siyempre, kapatid sila.

“Sabi ko, 'Binabanatan ninyo ako, e, nananahimik ako dito sa vlog ko. Hindi naman ako naninira, bakit ako ang binabanatan ninyo?' E, kapag bumanat ang bashers, below the belt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung una, mainit ang ulo namin dahil siyempre, huwag ninyo akong gaganyanin.

“Hanggang sa after ilang exchanges, sabi ko, 'Ano ba ang gusto ninyo? Gusto ba ninyo na manahimik na lang ako?’

“Nagkasundo kami, kasi ang lumalabas, nagkaroon kami ng misunderstanding, miscommunication.

“Sabi nila, wala naman daw trolls si Tito Sen.

"Sabi ko, 'Sige na, para matapos na ito, mananahimik na ako.' Hindi na ako nag-vlog.

“So, yung mga lumalabas ngayon, yun ang mga bago pa kami nag-usap nina Bossing [Vic] at Maru."

Read: Kim Atienza reveals last conversation with daughter Emman

Pagpapatuloy ni Anjo: “Anyway, nagkasundo na kami, pero hindi kami nag-sorry sa isa’t isa.

"Ang napagkasunduan namin, ceasefire!

“Nagkasundo kami na wala na akong sasabihin tungkol kay Tito Sen. Saka sinabi ko naman sa kanila, namba-bluff lang ako.

“E, di ba, kapag namba-bash ka, bluffing yan, e. Takutan yan. Namba-bluff lang ako para tumigil na ang mga trolls na yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nang mag-usap kami nina Bossing at Maru, nung una nag-aaway kami, pero sinabi nga nila na hindi iyon trolls ni Tito Sen.

“Idinenay nila. Ayoko naman maniwala. Sabi ko, 'Sige na, bati na tayo, pero hindi pa rin ako naniniwala na walang trolls si Tito Sen."

Na-appreciate daw ni Anjo ang pagri-reach out sa kanya nina Vic at Maru.

“In respect naman, isa sa pinakamamahal kong kaibigan si Bossing dahil napakalalim ng pinagsamahan namin. Sobrang lalim.

“Buti nag-reach out din si Bossing saka si Maru, kasi kilala mo naman ako, hindi ako pala-away. Hindi naman ako mapanirang tao.

"Although, since nandito na ako sa bago kong trabaho na ako ay nagiging boses ng taumbayan, e, makakarinig sila ng masasamang salita kung ikaw ay masamang tao."

SENATOR TITO SOTTO SHRUGS OFF ANJO YLLANA'S ALLEGATIONS

Samantala, walang plano si Senator Tito Sotto na sagutin ang mabibigat na pahayag ni Anjo laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam kay Sotto ng Senate press kahapon, ito lamang ang sinabi niya tungkol kay Anjo: “Hindi ko na papatulan. Huwag niyong pansinin at nagpapapansin yan.

"Pati ba naman showbiz at paninira papatulan natin? Itaas natin ang level ng Senate press.”

Read: Dondon Nakar, '70s matinee idol and Apat Na Sikat star, dies at 66

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana (left) admits he was merely bluffing after getting irked by alleged trolls from Senator Tito Sotto’s (right) camp: "Binluff ko si Tito Sen, sabi ko, 'Tito Sen, ayusin mo naman yung trolls mo. Kapag hindi tumigil yan, iaano ko yung mga chicks mo.’ Nangba-bluff lang naman ako. Hindi ko naman akalain na buong Pilipinas, buong mundo, e, magkakagulo!”
PHOTO/S: Snooky Serna YouTube / Vicente Tito Sotto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results