PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dominic Roque enjoys his new life as a content creator

Dominic Roque on his love life: "We're doing good. Chill."
by Arniel C. Serato
Published Nov 6, 2025
Dominic Roque says he has quit showbiz in 2018
Dominic Roque on his chosen career now as a content creator: "Kaya siguro rin ako umalis ng showbiz before kasi mas nakitaan ako ng potensiyal sa aking social media content creation. So, mas maganda yung work or mas maganda earnings ko kaysa pag-arte sa showbiz."
PHOTO/S: Arniel Serato

Idiniin ni Dominic Roque na retired na siya sa showbiz mula pa noong 2018.

"Matagal na po akong wala sa showbiz since 2018," paglilinaw niya nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano pa ang balak niyang gawin sa kanyang karera.

Dagdag pa ni Dominic, "So, hindi na po ako umaarte sa TV or sa movies, since 2018."

Masaya raw siya sa kanyang tinatahak na karera ngayon — ang pagiging content creator.

"Fully, naging content creator ako since 2018 up to now," banggit niya.

Ano ang pagkakaiba sa ginagawa niya noon sa showbiz at ngayon bilang content creator?

Sagot ni Dominic: "Difference? Hindi na po umarte. Ito, mainly ginagawa ko, paggawa lang ng content sa sarili ko."

Chill lang ba ito? Dahil walang pressure?

Saad ng dating aktor: "Mas siguro mas chill. Mas hindi yung nasa harap ng camera all the time, like acting.

"Siguro yan, mas walang pressure. Mas ini-enjoy ko yung ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas nag-e-enjoy akong gumagawa ng content. And yan nga, um-attend ng mga events like this."

Ang tinutukoy na event ni Dominic ay ang grand launch ng Swiss Proli night gummies na pag-aari ng aktres na si Julia Montes at ng chemist na si Pinky Tobiano.

Ginanap ang product launch sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, nitong Martes, November 4, 2025.

Dominic Roque says he has quit showbiz since 2018
Dominic Roque attends the Swiss Proli Night event held on November 4, 2025, at the Marquis Events Place in BGC.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikita ba niyang content creation na talaga ang direksiyon ng karamihan ngayon?

"Yeah, mainly," tugon ni Dominic.

"Paggawa ng sarili mong content, kung ano ang gusto mong gawin, kung ano ang gusto mong i-shoot, saan mo gusto pumunta."

Marami ba siyang natatanggap na proyekto?

"I think, yes, mas okay naman siya sa akin. Kaya siguro rin ako umalis ng showbiz before kasi mas nakitaan ako ng potensiyal sa aking social media content creation.

"So, mas maganda yung work or mas maganda earnings ko kaysa pag-arte sa showbiz," pagbabahagi niya.

Bukod pa rito, hawak daw niya ang kanyang oras.

Ani Dominic, "Hawak ko oras ko. And nagagawa ko yung shoots ko everywhere I want, anywhere I want. Saka, mas enjoy."

Read: Janice de Belen, nag-walkout sa event dahil kay John Estrada?

DOMINIC ROQUE ON LOVE LIFE

Pagdating naman sa relasyon nila ng girlfriend na si Sue Ramirez, smooth-sailing daw ito.

"We're doing good. Chill," maikli niyang komento.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Dominic Roque, "super" tanggap ng pamilya ni Sue Ramirez

Samantala, inusisa rin ng PEP kung ano na ang mga investment ni Dominic na pinaghirapan niya.

Sagot niya: "Dugo't pawis? Alam mo yun, di ako nag-aano about sa mga ano yung napundar ko and all, e.

"I have my business. I have my own work job also. So, yun lang."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque on his chosen career now as a content creator: "Kaya siguro rin ako umalis ng showbiz before kasi mas nakitaan ako ng potensiyal sa aking social media content creation. So, mas maganda yung work or mas maganda earnings ko kaysa pag-arte sa showbiz."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results