Kinuyog ng netizens ang post ni Bea Borres tungkol sa pangako nito sa sariling hindi na "lumandi" makipag-flirt.
Ito ay kahit "financially capable" na siya.
Sa kanyang Facebook noong November 4, 2025, ibinahagi niya ang video kung saan kinukuhanan niya ang sarili ng blood pressure.
Sabi ni Bea sa caption: "no matter how financially capable I am, I won't landi na talaga hahahah"
Maririnig din sa video na sinabi niyang high risk ang estado ng kanyang pagbubuntis.
Read: Bea Borres stresses "being a young mom shouldn’t be normalized."
NETIZENS REACT TO BEA BORRES' DECLARATION
Sa comments section ng kanyang post, nag-iwan ng maikling pahayag si Bea tungkol sa pre-marital sex.
Aniya: "kahit gano ka pa k pogi, i wont bukaka ever again"

Bumuhos naman ang mga makukulit at nakakatawang komento mula sa netizens.
Sabi ng isa kay Bea: "Kase why u let him putok inside"

Ayon sa isa, hindi naman daw pogi ang alleged father ng ipinagbubuntis niya, at bakit daw siya bumukaka.
Komento ng netizen: "But his not so pogi why did you bukaka kasi hahaha! But its a blessing next time dont bukaka if your lasing hahha"

Birong sabi ng isa: "HAHAHA you better kuan family planning bea, para you can bukaka parin with out worrying"

Sabi pa ng isa: "I am not sure na hindi na you make landiii, pwede naman make landii B, just be safe"

May naka-relate naman sa sitwasyon ni Bea.
Sabi nito: "Ganyan ganyan din ako be noon hahahah. 16 years old pako non ha until now 9 years old na anak ko. Hinding hindi ko na talaga sinundan, natrauma ako sa pagbubuntis"

May isa namang seryoso ang payo kay Bea.
Saad ng netizen: "When you think being pregnant is the hardest, just wait until she comes out. It will double the struggles.. stay healthy B, and always take care of yourself for your baby"

Read: Bea Borres admits she once attempted to have an abortion
BEA BORRES ADMITS PREGNANCY
Inamin ni Bea na siya ay buntis, noong August 12, 2025, sa pamamagitan ng isang vlog na pinamagatan niyang: “Finding out I’m pregnant + Friends Reaction.”
Sabi niya sa caption, "I’ve been uploading on YouTube for 6 years, and I never imagined I’d be making this kind of video.
“Here we are, and I’ve never been happier hehe.”
