Isang panibagong dagok ang kinakaharap ngayon ng pamilya ni Lotlot de Leon dahil sa pagpanaw ng kanilang longtime house helper na si Pat Espera — o mas kilala sa tawag nilang Yaya Pat.
Sa Instagram noong Huwebes, November 6, 2025, ibinahagi ni Lotlot ang malungkot na balita sa pagkamatay ni Yaya Pat sa hindi niya tinukoy na dahilan.
Sa post ni Lotlot, inalala niya ang kabutihan ni Yaya Pat—hindi lang sa kanya kundi maging sa apat niyang anak na sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine Gutierrez.
Ayon kay Lotlot, sa halos apat na dekadang pagsisilbi sa kanila ni Yaya Pat, ito na ang nagsilbing pangalawang ina ng kanyang mga anak.
Mula raw nang ipanganak niya ang panganay na si Janine ay si Yaya Pat na ang naging katuwang niya sa paggabay sa mga ito.
Kaya naman ganoon na lamang ang sakit at pangungulila na nararamdaman ngayon ng kanyang pamilya, lalo na't hindi pa naghihilom ang kanilang mga puso sa pagpanaw nina Nora Aunor, Pilita Corrales, at Ricky Davao.
Noong April 12, 2025, sumakabilang-buhay ang biyenan ni Lotlot at ina ng kanyang dating asawang si Ramon Christopher (Monching) na si Pilita.
Read: Pilita Corrales dies at 87
Ilang araw lamang ang lumipas, noong April 16, ang ina naman ni Lotlot na si Nora ang pumanaw.
Read: Nora Aunor dead at 71
May 1 naman nang mamaalam ang brother-in-law ni Monching na si Ricky Davao. Si Ricky ay asawa ng kapatid ni Monching na si Jackie Lou Blanco.
Read: Ricky Davao dies at 63
Mababasa sa caption ni Lotlot, kalakip ang litrato nilang magkasama ni Yaya Pat (published as is): "Ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang mawalan kami ng mga mahal sa buhay… ngayon, isa na namang malapit sa amin ang namaalam.
"Yaya Pat has been part of our family for almost 40 years.
"She first took care of Ken, my youngest brother. Her sister, Ate Amy — who worked for Mommy for more than 20 years (and was her longest personal assistant) — was the one who recommended Yaya Pat to help take care of Ken when he was just a newborn.
"Later on, she transferred to me, right before I gave birth to Janine.
"From that moment on, Yaya Pat became one of the greatest blessings to me, to Monching, and to our children.
"She loved and cared for each one of us wholeheartedly — especially our kids. I honestly couldn’t have imagined trusting anyone else with my children the way I trusted her."
Sa huli, taus-pusong nagpasalamat si Lotlot kay Yaya Pat sa katapatan at pagmamahal nito sa kanilang pamilya.
Mensahe ni Lotlot: "We will forever be grateful for her loyalty, her kindness, and the unconditional love she gave our family through the years.
"She will always be part of our family—and her family, ours—forever.
"Ya, salamat sa pagmamahal mo sa mga anak namin ni Mon. Rest now, Ya. Mahal ka namin. "
DIEGO GUTIERREZ pays tribute to YAYA PAT
Labis din ang paghihinagpis ng nag-iisang anak na lalaki nina Lotlot at Monching na si Diego Gutierrez sa pagkamatay ni Yaya Pat.
Sa pamamagitan ng Instagram post, binigyang pugay ni Diego ang pagmamahal na ipinadama sa kanila ni Yaya Pat.
Saad nito, kalakip ang litrato nila ng pinakamamahal niyang yaya (published as is), "love you so much forever yaya keep watching over us up there."
JANINE GUTIERREZ EXPRESSES LOVE FOR YAYA PAT
Sa Instagram Stories naman nag-post si Janine para ihayag ang kanyang pagmamahal kay Yaya Pat.
Ini-upload niya ang throwback picture nila ni Yaya Pat, kalakip ang caption na, "love you yaya (white heart emoji).”

Janine credits Yaya Pat for inspiring her to enter showbiz
Sa panayam ni Janine sa Magandang Buhay noong April 2023, ibinahagi niya kung gaano kalaking impluwensiya si Yaya Pat sa kanilang pamilya, lalo na sa kanya.
Ayon sa aktres, dahil kay Yaya Pat kung kaya siya pumasok sa mundo ng showbiz.
Lahad ni Janine: "Si Yaya kasi hindi pa ako pinapanganak siya na yung Yaya ko. Kaya second Mommy ko talaga si Yaya.
"Noong nag-aaral ako, tinuturuan niya ako ng homework. Regalo niya sa akin mga dictionary.
"Tapos may mga times na mahirap ang buhay, hindi kami iniwan ni Yaya.
"Actually, mahiyain talaga ako. Hindi ko naman talaga inisip na mag-artista ako, pero noong college ako, si Yaya nagkasakit, tapos parang hindi ako makatulong.
"So, sabi ko sa Mommy ko, 'Ma, gusto ko na mag-artista para may panggamot si Yaya.'"
