Nais ni Joshua Garcia na bigyan ng oras ang pamilya niya sakaling makaluwag-luwag na siya sa kanyang schedule.
Sobrang puno kasi ang schedule niya nitong mga nagdaang buwan dahil sa Philippine adaptation ng drama series na It's Okay To Not Be Okay, habang ginagawa rin niya ang pelikulang Meet, Greet & Bye.
Saad ng aktor: "Kasi before, sobrang busy ko. So, parang halos nawawalan ako ng oras sa pamilya ko.
"So, parang after the movie, na-realize ko na siguro dapat mag-spend pa ako ng mas maraming time with them.
"Kasama... like for example, yung tatay ko, yung nanay ko. So, nagpaplano ako bigla ng mga out of the country, kasi gusto ko silang dalhin.
"Kasi sabi ko, 'Bakit parang ako na lang palagi lumalabas ng bansa? Bakit hindi naman sila?'
"So, yun ang plano ko for next year. Sabi ko, sila naman yung ilalabas ko ng bansa."
Ayon pa kay Joshua, medyo nagkakaedad na ang kanyang mga magulang kaya nararapat lamang na ma-enjoy nila ang buhay.
"Para lang masulit, kasi pag ino-observe ko yung pamilya ko, my dad, yung nanay ko and, of course, yung lola ko, makikita mo talaga na tumatanda na sila.
"From dati na ang lakas pa nila, binata pa sila, ta's ngayon parang nakikita mo na pumuputi na yung buhok nila. Nagkakaroon na sila ng konting panot.
"Yun lang yung parang na-realize ko, na kailangan mong sulitin talaga yung oras na kasama mo sila kasi hindi mo rin alam kung kailan sila puwede kunin."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa intimate media day niya para sa pelikulang Meet, Greet & Bye, noong November 5, 2025, sa 14th floor ng ELJ Building, ABS-CBN compound, sa Quezon City.

Read: Comedienne, papalitan ng dramatic actress sa isang daily show
Joshua garcia in MEET, GREET & BYE
Sa pelikulang Meet, Greet & Bye, ginagampanan ni Joshua ang role ni Brad Facundo, ang pangalawang anak ni Baby Facundo (Maricel Soriano), na ibibigay ang lahat ng kanyang makakaya para sa pamilya.
Kapatid niya sina Tupe (Piolo Pascual), Leonardo (Juan Karlos Labajo), at Geri Ann (Belle Mariano).
Ano ang kaibahan ng role niya rito sa Meet, Greet & Bye kumpara sa mga dati na niyang nagawang pelikula?
Tugon ni Joshua: "Ang dami ko nang role na nagawa. Nung lumabas [ang script] ng Meet, Greet & Bye...
"You know, lahat ng family story na nagawa ko sa buong 11 years ko sa industriya, lahat sila nagiging pamilya ko talaga sa industriya, right?
"My Greatest Love, The Good Son, ito, Meet, Greet & Bye.
"And kung may naiba man, siguro yung nadagdagan ako ng mapagkakatiwalaan ko.
"Nadagdagan ako ng pamilya, nang mapapag-share-an ko.
"Iba rin kasi kapag nagsi-share ka sa taong alam yung mundo mo.
"Mas naiintindihan nila yung pinagdadaanan mo. Mas may say sila kaysa nasa labas ng industriya."
Ipapalabas na sa mga sinehan ang Meet, Greet & Bye sa darating na November 12, 2025.
Read: Joshua Garcia not offended by Direk Cathy’s sharp tongue
