WARNING: This article contains spoilers
Nagwakas na ang kampanya ng Team Philippines sa global reality competition ng Netflix na Physical: Asia.
Sa kabila ng ipinakita nilang tapang, pagkakaisa, at fighting spirit, na-eliminate ang Team Philippines sa Episode 7 ng serye, matapos silang talunin ng home-team na South Korea sa brutal na “sack toss” challenge.
Read: Manny Pacquiao leads Team Philippines in "Physical: Asia"
PHYSICAL: ASIA QUEST 3
Sa loob ng ilang rounds ng Quest 3 at pagkatapos ng mga matinding laro, sinubok ang katatagan at galing ng mga Pilipino laban sa Team Australia at Team South Korea.
Sa huling round ng Quest 3 — kung saan nangunguna ang Australia sa score na 8 habang tabla sa ikalawa at ikatlong puwesto ang Pilipinas at South Korea sa score 5 — si Justin Hernandez ang naatasan ng Team Philippines sa huling challenge.
Nakatunggali niya si Eddie ng Team Australia at ang Physical: 100 winner na si Amotti ng Team South Korea.
Kailangan nilang maghagis ng mabibigat na sandbags pataas sa isang towering wall.
Sa kabila ng matinding effort, kinulang ng oras si Justin pagkatapos ng mahigit 110 laps.
Dahil dito, umusad sa susunod na Quest ang Team Australia at Team South Korea, at na-eliminate naman ang Team Philippines.
Read: Female athletes with Filipino roots in Physical: Asia
TEAM PHILIPPINES
Nagsimula ang Physical: Asia sa pangunguna ng boxing icon na Manny Pacquiao.
Sa Episode 5, napilitang magpaalam si Manny Pacquiao sa competition dahil sa prior commitments sa Pilipinas.
Ang rugby player na si Justin Coveney ang tumayong bagong team captain.
Pinalitan naman si Pacquiao ng CrossFit athlete na si Justin Hernandez.
Ang iba pang miyembro ng Team Philippines ay sina Mark “Mugen” Striegl (MMA fighter), Ray Jefferson Querubin (strongman athlete), Robyn Lauren Brown (track and field hurdler), at Lara Liwanag (CrossFit athlete).
