Isiniwalat ni Ellen Adarna, 37, na plano niyang umalis sa bahay ng kanyang mister na si Derek Ramsay, 48.
Inanunsiyo ito ni Ellen matapos niyang amining ilang buwan na silang hiwalay.
Sa Instagram Stories ni Ellen kagabi, November 17, 2025, ipinaliwanag niyang sa ngayon ay nakatira pa rin siya sa bahay ni Derek sa isang high-end village sa Muntinlupa City.
Sinagot ni Ellen ang netizen na nagtanong sa kanya ng living set-up nila ngayon ng estranged husband.
"Yeah, I'm still here because my house is still being renovated," saad ni Ellen.
Diretsong pahayag pa ng feisty actress, "Alangan namang palayasin niya ako dito. Andito yung anak niya sa akin. So, yeah, I can't wait to move out."
Hindi raw umuuwi si Derek sa bahay nito ngayon.
Ipinahiwatig ni Ellen na umabot sa puntong nagkaroon sila ng alitang mag-asawa bago ang kasunduan nilang huwag munang magsama sa isang bahay.
"Pinabarangay ko siya twice. Not once but twice," diin ni Ellen.
"But we had an agreement that—this was, like, three months ago—that he won't come back until I move into my new place.
"Tutal I'm gonna be gone forever. Just give me until my place is done."
Hindi naman sinabi ni Ellen kung ano ang mitsa ng alitan nila ni Derek noon.
Ang tanging malinaw ay hindi raw niya palalampasin ang natuklasang "side chick" ni Derek noong magkasintahan pa lang sila.
Noon pa lang ay kinutuban na raw si Ellen.
"To be honest, during the relationship, the beginning, I was made to believe that this side chick was a friend.
"That what I felt was not real, that I was just acting jealous and crazy.
"So when I found out about it three weeks ago, I felt validated," tukoy niya sa natuklasang pakikipag-usap ni Derek sa ibang babae kahit na nasa "honeymoon" stage pa lang daw ang kanilang relasyon.
Read: Ellen Adarna reveals husband Derek Ramsay’s alleged infidelity
ELLEN ADARNA ON HER "INTUITION"
February 4, 2021, naging magkasintahan sina Ellen at Derek.
February 13, 2021, ang petsa ng "resibo" na panay pa rin umano ang text at tawag ni Derek sa "side chick" niya.
Pagpapatuloy ni Ellen: "Like oh my god, justice! Oh my god, it's real! Oh my god I was right all along.
"Imagine all these years I felt like parang I was gaslighted. Yeah, I was right. My intuition was right.
"You know what, the truth, no matter what, comes out in so many ways. So there, lumabas din."
Ibinahagi pa ni Ellen na may mga pinagtanungan siyang mga ex-girlfriend ni Derek.
May screenshot pa si Ellen ng aniya'y group chat nila. Di naman binanggit ni Ellen kung sinong ex-girlfriend ni Derek ang nakausap niya.
"Well, according to my reliable sources na mga ex niya, that side chick has always been there.
"Like, decades na. Nakailang girlfriend na si Derek nandiyan siya.
"Friends daw, friends."

Read: (Updated) Ellen Adarna's ex-boyfriends and the one who won her heart
ELLEN'S ASIDE ABOUT DEREK'S "SIDE CHICK"
January 2021 nang magsimulang magkahulugan ng loob sila Derek at Ellen dahil sa mga okasyong nagkasama sila ng kanilang common friends.
Ilang buwan bago iyon ay nag-break si Derek at huling showbiz girlfriend nitong si Andrea Torres.
"Ako pa yung bliname ng mga netizens nung last real girlfriend ni Derek na ako raw yung third party.
"But no, it's not me. It could be her," tukoy ulit ni Ellen sa "side chick" ni Derek.
"Because, hello, ang tagal na silang friends. Meron palang something. Side chick pala niya ito dati pa.
"Side chicks will always be side chicks. They'll never get chosen... I wouldn't be surprised kung nandiyan siya ngayon."
Sinabi rin ni Ellen na kung alam daw niya noong may ibang babae si Derek ay hinding-hindi raw niya ito palalampasin.
Sa ngayon ay matigas si Ellen na hindi bibigyan ng pagkakataon ang mister na magpaliwanag.
Hindi rin daw niya kinompronta si Derek tungkol sa sinasabing "side chick" ng aktor noong 2021.
Malamang daw ay nalaman lang ito ni Derek kung pinanood nito ang IG Stories niya.
Read: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna love story: A timeline
DEREK RAMSAY DENIES ALLEGED THIRD PARTY
Sa kabilang banda, nakarating kay Ellen ang screenshots ng diumano'y reaksiyon ni Derek sa alegasyong may third party.
Base sa screenshots na ipinakita ni Ellen, may sinagot si Derek na hindi totoong nag-cheat siya.
Sabi pa raw ni Derek tungkol sa lumabas na screenshots ng itinuturong babae niya, "Then tell the girl to come out and tell the truth."

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Derek.
Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
