Halos apat na taong tumutok si Angelica Panganiban sa kanyang pamilya kasama ang asawang si Gregg Homan at three-year-old daughter nilang si Amila Sabine.
Sumabay pa ang pagkakaroon niya ng problema sa kalusugan nang ma-diagnose na mayroon siyang avascular necrosis na isang painful bone condition.
Read: Angelica Panganiban chronicles hip replacement surgery
Pero ngayong 2025, nakatapos ng isang pelikula si Angelica para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025—ang UnMarry.
Paano siya nakumbinsing gawin ang pelikula?
Tugon niya: “Unang-una yung tiwala doon sa mga makers ng film, yung nagsulat. And, sa magdidirek ng pelikula kasi, nung nakatrabaho ko sa Direk Jeff, para akong... para akong lagi nasa isang safe space.
“Sobrang ganda nung rapport nung na-build namin, nung ginawa namin yung PlayHouse, with Zanjoe din.”
Ang PlayHouse ay ang defunct ABS-CBN series na umere mula September 2018 hanggang March 2019.
Kasama niya rito si Zanjoe Marudo, sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.
Dagdag pa ng aktres: “So, nung pini-present sa akin ni Direk Jeff, hindi ko pa alam yung story, kabado na ako kasi alam ko na mukhang mapapa-oo ako kahit na anong mangyari.
“And then nung narinig ko na yung kuwento, tulad nung sinabi ko kanina, yung simplicity nung story niya but at the same time very complex.
“Ang ganda-ganda nung atake, nung storytelling, na hindi siya naghihingi ng kahit na anong bigness.
"Kumbaga, hindi ito yung typical na napapanood natin na love story na sobrang daming bangayan, awayan.
“Ang tahimik ng pelikula, ang tahi-tahimik ng atake nung pelikula, yung storytelling niya.
“That is why nakikita ko yung maturity na, ‘Ganito naman talaga yung totoong buhay, e. Hindi naman talaga kayo laging nagbabalitaktakan kapag may pinagdadaanan kayo, e.’
“Minsan yung pinakamasakit na experience, nangyari siya sa mga pinakasimple at tahimik na pangyayari sa buhay mo.
“Mas doon mo nararamdaman yung realness.
“So, doon ako na-excite. Doon ako nakakita ng, ‘Hindi ito yung typical films na nagawa ko na.’
“Kahit na tungkol pa rin siya sa love, tungkol pa rin siya sa ending. Tungkol pa rin siya… 'Si Angelica nasaktan na naman dito,' yung ganun, pero ibang klase ng pananakit naman.”
At sa pelikulang ito, nahanap daw ni Angelica ang tamang timpla para sa kanyang showbiz comeback.
Saad niya: "Kasi gusto ko talaga yung habang ginagawa ko yung project, sandaang porsiyento ako doon at hindi ko na nararamdaman na, 'Bakit ako nandito? E, ang saya-saya ng buhay ko doon kasama ang mag-ama ko.'
"So, kailangan worth it na worth it yung pakiramdam.
"Yun nga, kumpletong-kumpleto yung pag-oo mo. Talagang isandaan para wala ka kahit one percent na regret, e. Na kahit makaramdam ka ng pagod, overwhelming yung pakiramdam."
Nakausap ng PEP.ph si Angelica sa pictorial ng UnMarry noong November 15, 2025 sa Big Head Studios, Mandaluyong City.
Kasama niya sa pictorial sina Zanjoe at Direk Jeffrey.

Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend
ANGELICA PANGANIBAN's OPINION ON ANNULMENT
Matapos niyang gawin ang pelikula, sinusuportahan daw ni Angelica ang mga taong nanghihingi ng kalayaan mula sa kalbaryong pinagdaanan nila.
Pero hindi pa naman daw nila ito napag-uusapan ng kanyang asawa at hindi pumasok sa isipan niya.
Saad ni Angelica: “Of course, hindi din namin napag-uusapan. Never talaga napag-uusapan.
"Kaya lang, nung ginawa mo yung pelikula, kailangan mong i-consider kasi, kumbaga may ipinasok ako, may binuo akong bagong tao, e, di ba, nung pinu-portray ko si Cindy.
“And kailangang maintidihan ko siya. Kailangan tama for her yung mga decision niya.
“So, malaking ano yun, malaking bagay yun. Siyempre i-wish mo na hindi mangyari sa yo.
“Sa kahit na sino, di ba? Pero kapag nangyari yun, I am in full support na magkaroon ng freedom ang kahit na sino na humihingi ng freedom.”
THE TEDIOUS PROCESS OF ANNULMENT
Tinatalakay sa UnMarry ang nakakapagod, nakakahilo, at masakit sa bulsang proseso ng annulment ng mag-asawa.
Pahayag ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, producer ng pelikula: “Sa dami ng pinagdaanan ng law office namin na mga annulment cases, nakita ko na maraming kuwento na puwedeng magamit from the many experiences I was sharing nga earlier, na marami sa mga litigants sinasabi nila that the happy day that they went through was the day of their marriage or the day of their wedding.
"But the happiest day was the day they got their annulment.
“So, malungkot, di ba? It's, it's a very sad situation because here are people that want to get out of their marriages.
"So, of course, yung hope ko na sana we marry the right person. But it doesn't really happen then there's a way out.
"But in the Philippines, it's a very difficult process, which you will see in this movie.
"May isang linya nga si Eugene Domingo dito, 'O, di ba? Di pa ba kayo napapagod?' Kasi nakakapagod at nakakaubos siyang proseso."

Pero hindi naman daw nila ini-encourage ang paghihiwalay at annulment.
Paglilinaw ni Atty. Joji: "We don't encourage breakups and annulments, ano.
"In fact, at the end of the movie, there's a statement na, 'Every person still dreams of finding that perfect someone who will be there forever.'
"But it will, of course, guide you in making, you know, probably making you realize, making realizations na, 'Ah, hindi pala ganun kadali? Do I really want to do this or do I want to work on my marriage instead?'
"Kasi dito, tina-try naman nilang subukan, subukin na mapaayos yung kasal nila, but there are certain elements or things that happen na hindi na talaga puwede.”
Sa palagay niya, bilang abogada, bakit ang hirap kumuha ng annulment sa Pilipinas?
"Di ko rin masagot pero nasa batas kasi natin, e," pakli ni Atty. Joji.
"Yes, because, technically nga, the correct term is Petition for Declaration of Nullity. So, parang from the start, never kayo kinasal.
"Parang ganun yun, 'no. It's difficult because sa batas kasi natin, marriage is regarded as not just a contract but as an inviolable social institution.
"Kasi pag nagbi-break apart na kasi yung mga kinasal or yung mga pamilya, e, di ano na lang mangyayari sa society natin?
"So, ina-avoid yan kaya pinipilit nila talagang i-try ang pagkaayos yung mag-asawa."
Ang UnMarry ay offivcial entry sa Metro Manila Film Festival 2025 na magsisimula sa December 25.
Read: Angelica Panganiban reveals agreement with husband about comeback
