PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kaye Abad emotional after replacing stolen passports in the U.S.

Paul Jake Castillo: "We can go home!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 28, 2025
Kaye Abad emotional after replacing passports stolen in the US
Kaye Abad becomes emotional as she receives her family’s replacement passports, a week after her bag was stolen in Las Vegas.
PHOTO/S: Kaye Abad on Facebook

Hindi napigilang maging emosyunal ng aktres na si Kaye Abad matapos mapalitan ang mga passport nilang nawala nang manakawan ang kanilang pamilya habang nagbabakasyon sa Las Vegas, Nevada.

Noong November 19, 2025, ibinahagi ni Kaye sa social media ang nakakatakot na karanasan ng kanilang pamilya—asawang si Paul Jake Castillo at mga anak nilang sina Pio Joaquin, 7, at Iñigo Leon, 3—sa Las Vegas matapos manakawan ang sasakyang gamit nila.

Kuwento niya, nasa kalagitnaan sila ng pananghalian nang mangyari ang insidente.

Natangay raw ng kawatan ang kanyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang gamit gaya ng mga ID at passport.

Agad naman niyang ini-report sa mga awtoridad ang nangyari para madakip ang suspek.

Read: Kaye Abad robbed in the U.S.; loses bag and passports

Kaye Abad turns emotional after getting her new passport

Makalipas ang ilang araw, tagumpay na napalitan ang mga nawalang dokumento kay Kaye, kabilang na rito ang mga nakuhang passport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Facebook post ng asawa niyang si Paul Jake noong November 26, 2025, ibinahagi nito ang video ng pag-iyak ni Kaye matapos matanggap ang mga bago nilang passport.

Sa video, mapapanood si Kaye na may hawak na mga dokumento habang humihikbi at hinahagkan ang dalawa niyang anak.

"Oh, anong nangyari? Crying siya, crying siya," maririnig na boses ni Paul Jake sa background.

Kapansin-pansin naman ang pag-alala ng kanilang dalawang anak nang makitang lumuluha ang kanilang ina, kaya agad na ipinaliwanag sa kanila ni Kaye kung bakit siya naiiyak.

Aniya, tears of joy ang kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay makakauwi na sila sa Pilipinas.

Sa tuwa ng mga anak niyang sina Joaquin at Iñigo Leon ay napalundag ang mga ito at napayakap sa kanilang ina.

Kaye Abad emotional after replacing passports stolen in the US
Photo/s: Screengrab Paul Jake Castillo on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mababasang caption ni Paul Jake sa kanyang post, "We can go home! Sure na."

Read: How Kaye Abad and Paul Jake Castillo de-stress as parents?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaye Abad becomes emotional as she receives her family’s replacement passports, a week after her bag was stolen in Las Vegas.
PHOTO/S: Kaye Abad on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results