PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto on wedding anniversary without Trevor Magallanes

"Mabigat every day, gaya ngayon, wedding anniversary namin, birthday ni Trev..."
by Melba R. Llanera
Published Nov 30, 2025
rufa mae quinto
Rufa Mae Quinto on first wedding anniversary and Christmas without late husband Trevor Magallanes: "Mabigat every day..."
PHOTO/S: Rufa Mae Quinto on Facebook

Ito ang kauna-unahang Pasko na iseselebra ni Rufa Mae Quinto at ng anak na si Athena na hindi kasama ang asawang si Trevor Magallanes.

At sa kabila ng maraming trabaho na kanyang pinagkakaabalahan ay madalas pa rin siyang dalawin ng kalungkutan sa tuwing naaalala ang pumanaw ng asawa.

Timing naman na nung pormal na ipinakilala ang komedyana bilang Easy Brand ambassador nitong nakaraang November 26, 2025, sa Caffe Allor Ristorante, ay ika-9th wedding anniversary nila ni Trevor.

Read: Ryan Bang and Paola Huyong spotted at Hola, Escolta street fest

Rufa Mae Quinto with late husband Trevor Magllanes and their daughter Athena
Rufa Mae Quinto with late husband Trevor Magllanes and their daughter Athena
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Rufa Mae, masakit at mabigat pa rin ang pinagdadaanan, pero kinakaya niya lalo't may anak sila ni Trevor na umaasa sa kanya.

"Lagi namang mabigat every day, gaya ngayon, wedding anniversary namin, birthday ni Trev kahapon, November 25.

"Heto, kaya nag-Easy na lang ako. Kayo ang kasama ko, heto na yun. Di ko naman hiiningi, nagkataon.

"Pero noon, di ako tatanggap ng mga trabaho pag ganitong panahon.

"Pero dahil nga first time namin na wala siya, e, di ito na nga, dito ako ngayon..."

Sumakabilang-buhay si Trevor noong July 2025. At sa kabila ng mga napabalitang away nila, sinabi ni Rufa na hindi nag-file ng divorce ang kanyang late husband.

Read: Jimuel Pacquiao's professional boxing debut ends in draw

RUFA MAE QUINTO ON CHOOSING ENDORSEMENTS

Samantala, matatandaang noong January 8, 2025, sumuko sa NBI si Rufa Mae dahil sa scam ng isang beauty product na ini-endorso niya.

Kalaunan, napatunayang wala siyang kinalaman at nag-endorso lang talaga siya ng produkto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Simula noon, mas lalong naging maingat siya sa mga pinipiling endorsements.

"Dati pa naman akong picky and maayos, pero mayroon lang talagang isang bagay na hindi perfect.

"Pero, siyempre, nandun na yun, mas lalong natututo ka, you learned your lesson, mas safe na.

"Freelancer ako kasi mayroon na akong abugado. May legal team ako kaya lahat ng ginagawa ko, yung legal, sa lawyer ko na."

Masaya si Rufa Mae na Pinoy brand ang kanyang endorsement at kasama niya si Chef Boy Logro at iba pang kilalang chefs sa Pilipinas.

Sabi niya: "Tumira ako sa ibang bansa, sa America, so alam ko yung gusto nilang ipauwi lagi sa akin, alam mo yun.

"Kahit ako, nami-miss namin yung pagkaing Filipino, so isa ito sa request nila, Easy brand na sauce na pinapadala dun.

"Sabi ko, maganda na naging ambassador ako, nagkataon na nagustuhan ako, nagustuhan ko sila.

"Kasi gusto nilang magpakain nang maayos, sino ba ang may ayaw na makasama ang pamilya, or boss, katrabaho, na papakainin ka ng kung anu-ano na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo yung puwede naman na mura, pero masarap, di yung para tayong tinipid, walang lasa..."

May pa-shout-out din siya para sa boss ng kumpanya, si Lawrence Wang.

Ani Rufa Mae, "Ang bait-bait din ng may-ari, ng mga staff niya, marunong makisama.

"Sabi ko, 'Ito yung gusto ko. Talagang humaharap sa atin.' Mahirap kasi pag di humaharap."

Bukod naman sa pagiging contestant sa Your Face Sounds Familiar, pinasok na rin ng komedyana ang pagpo-produce ng pelikula.

Sa kanyang comeback movie, muli silang magkakatrabaho ni Direk Joyce Bernal.

Ang working title ay Boboh, Ang Babaeng Na Fact Ng System.

"Sequel ba ito ng Booba?" tanong ng press.

Sagot niya, "Parang ganun, pero mas maayos na version lang.

"Para sa buong Pilipinas kasi, siyempre, kaming dalawa ni Joyce, nag-create na kami ng tandem.

"Lalo na siya, marami na siyang box-office hits, so ayon, gusto naming bigyan ang Filipino ng maayos na papanoorin na ma-satisfy, makakuha sila ng energy na positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung anuman sila, makakapanood sila ngayon ng galing sa amin."

Parang "legacy" project daw ito.

Dagdag niya, "Basta, tungkol siya sa buhay ng isang babae,, hindi lang Filipino in general.

"Pero mayroong lalim. Masaya, maayos, basta magkakaroon sila ng maayos na pakiramdam.

"Parang pagkain, pero ito, entertainment.

"Co-producer ako ni Piolo, yung Spring Films, kaya maganda kasi natutuloy ko lahat ng mga panagarap ko na hindi ko nagawa kasi di pa tamang panahon.

"So ngayon, dahil tamang panahon, mangyayari ang lahat pati commercial, movies, pati business, tapos itong EasyPro."

Lastly, tinanong din si Rufa Mae kung ano ba ang Christmas wish niya?

Sagot niya: "Sana maging masaya kami ng anak ko, maging healthy, yun ang wish ko.

"Tapos tayong lahat maging masaya rin, healthy, and wealthy."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto on first wedding anniversary and Christmas without late husband Trevor Magallanes: "Mabigat every day..."
PHOTO/S: Rufa Mae Quinto on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results