Proud na ibinahagi ni Carla Abellana ang larawan ng engagement ring niya mula sa kanyang fiancé, na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinakikilala sa publiko.
Makikita sa larawan ang kamay ng aktres na suot ang engagement ring. Nakahawak ito sa kamay ng kanyang fiancé.
Ang unang bahagi ng caption ni Carla ay may tatlong white heart emojis.
Sinundan niya ito ng mga salita mula sa Jeremiah 29:11: “\’For I know the plans I have for you,\’ declares the LORD, \’plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future.\’”
Hindi binanggit ni Carla kung kailan naganap ang proposal ng kanyang fiancé.
View this post on Instagram
Sa comments section ay bumuhos ang congratulatory messages galing sa mga kaibigan ni Carla na mula sa showbiz:


Read: WHAT PEP KNOWS: Did Ryang Bang and Paola Huyong reconcile?
CARLA ABELLANA TO WED ON DECEMBER 27, 2025?
Sa ulat ng PEP Troika noong October 10, 2025, walang inamin at wala ring itinanggi si Carla sa bali-balitang garden wedding nila ng isang doktor sa Disyembre 27, 2025.
Binalikan ng Troika ang sinabi ni Carla sa presscon ng pelikulang Selda Tres noong Setyembre 19 sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City, na masaya siya, at masaya ang kanyang puso.
Saad ng aktres: “Of course! Ang dami kong aso. I finally moved into my dream house. Masaya ako, kasama ko ang family ko.
“Nakakapag-date ako. So, masaya. Masaya sa work, masaya sa private life.”
Meron na ba siyang very special someone na nagpapasaya sa kanya? Gaano kaespesyal?
Tugon niya, “Sabi ko naman po, nagde-date po ako. So, hindi naman po iyan ano. Kumbaga, alam na po ng mga tao iyon.
“Nababanggit ko na po sa mga interviews na nag-try na po akong mag-dating. Nakakailang date na po ako.
“So, masaya po ako. At least, nakakaya ko na po, na-e-explore ko na po yung ganung side.”
Read: Carla Abellana drops clues on mystery guy she’s dating
Kung sa December 27 nga ang kasal niya, makaka-attend ba siya sa awards night ng MMFF 2025 sa ganoong petsa din mangyayari?
“Aba, siyempre naman po! Bakit hindi?
“Kung totoo man po iyon o hindi, of course that’s part of my private life.
“I would like to keep it private. Sa dami naman po ng aking pinagdaanan na very publicized before, may choice naman po ako, kumbaga, kung ilalabas ko po yun or hindi, if I want to keep it private.
“So, kung may kailangan man po akong sabihin, sa akin po manggagaling yun nang diretso at hindi po sa iba.”
Totoo bang engaged siya?
“I invoke my right to self-incrimination. So I refuse to say yes, I refuse to say no.”
