PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Update on OFW Rhodora Alcaraz, the heroine in Hong Kong fire

OFW Rhodora Alcaraz is now able to speak after Hong Kong fire tragedy.
by Bernie V. Franco
Published Dec 2, 2025
Hong Kong fire
Filipina domestic worker Rhodora Alcaraz is earning widespread admiration after her heroic act of saving a three-month-old baby during the fatal fire at Wang Fuk Court in Hong Kong’s Tai Po District on November 26, 2025.
PHOTO/S: ABS-CBN News / online

Kinumpirma ng tanggapan ng Philippine Consulate General in Hong Kong na nakausap na nila ang Filipina domestic helper na itinuturing na bayani sa pagligtas nito sa alagang three-month-old baby.

Kaugnay ito ng nangyaring malaking sunog sa Wang Fuk Court sa Tai Po District noong November 26, 2025.

Read: OFW Rhodora Alcaraz, hurt in Hong Kong fire, declared "stable"

Maraming residente sa gusali ang na-trap sa sunog, kabilang na ang ilang Filipino domestic helpers.

Isa na rito si Rhodora Alcaraz Toñacao, 28, na kadarating lamang ng Hong Kong ilang araw bago mangyari ang sunog.

Nang maganap ang sunog, na-trap si Rhodora kasama ang inaalagaang sanggol.

Ibinalot ni Rhodora ang alaga sa basang kumot bilang proteksiyon. Pero na-trap muna sila sa building ng ilang oras at nakalanghap ng maraming usok bago dumating ang rescue.

Nagawa pa niyang magpadala ng voice message sa kapatid nito sa Pilipinas at humingi ng tulong sa kasagsagan ng sunog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinugod si Rhodora sa Intensive Care Unit (ICU) ng United Christian Hospital.

Sa ulat ng TVB News Hong Kong, sinabing nasa critical condition si Rhodora at kinailangang ma-intubate.

Ang huling update sa report ay noong November 28 at sinabing nasa “stable” condition na si Rhodora.

Read: OFW Maryan Esteban, kabilang sa mga nasawi sa Hong Kong fire

UDPATE ON RHODORA ALCARAZ

Maraming Filipino domestic helpers ang nagbigay-pugay kay Rhodora sa ipinamalas nitong kabayanihan.

Nagpakita rin ng simpatiya ang mga ito sa iba pang kababayan nilang naapektuhan ng sunog.

Sa pinakahuling update ni Philippine consul sa Hong Kong, tinanggal na ang tubo kay Rhodora at bumubuti na ang kalagayan nito.

“Nung huli ko siyang nadalaw nung Sabado naka-tube pa ho siya. Hindi siya makausap, sedated,” pahayag ni Consul General Romulo Israel Jr. ng Philippine Consulate in Hong Kong sa ulat ng TV Patrol, Lunes, December 1, 2025.

“Kahapon [Linggo], wala na po yung tube. Nakakapagsalita na po siya kahit mahina.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga lumabas ding larawan si Rhodora habang nasa ospital at binisita siya ni Senator Imee Marcos.

Ngayong araw ng Martes, December 2, inaasahang tutulak sa Hong Kong ang mga pinuno ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para tingnan ang kalagayan ng Pinoy workers na naapektuhan ng sunog.

Sa tala ng DMW, nasa 84 Pinoys ang nakaligtas mula sa sunog at apat pa ang pinaghahanap.

Pahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ukol sa apat na ito, “Wala sila sa premises during the fire, pero batay sa database ay yun pa rin ang address nila two years or one year ago.”

Umabot sa 151 ang nasawi sa sunog, kabilang ang Pinay na si Maryan Esteban, isang single parent.

Itinuturing din siyang bayani dahil hindi nito iniwan ang five-year-old kid ng kanyang employer na kasama rin nitong nasawi.

Binanggit sa FB post ng Philippine Consulate na si Maryan ay mula sa Cainta, Rizal, at naiwan nito ang kanyang 10-year-old son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumisita na ang DMW at OWWA officers sa mga naulila ni Maryan at nangakong mag-e-extend ng tulong sa pamilya nito.

Sa Philippine Consulate in Hong Kong Facebook page, naglabas ito ng abiso para sa mga Pilipinong naapektuhan ng sunog sa Wang Fuk Court ng special arrangement for replacement of documents.

Kasama kasi sa mga nasunog ay ang travel documents ng mga biktima ng sunog.

Read: OFW Nerissa Catabay, nag-livestream habang tumatakas sa Hong Kong fire

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipina domestic worker Rhodora Alcaraz is earning widespread admiration after her heroic act of saving a three-month-old baby during the fatal fire at Wang Fuk Court in Hong Kong’s Tai Po District on November 26, 2025.
PHOTO/S: ABS-CBN News / online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results