Umakyat na sa 146 ang bilang ng mga nasawi sa sunog na nangyari noong Nobyembre 26, 2025, sa Wang Fuk Court, Tai Po District, New Territories, Hong Kong.
Kabilang sa mga namatay ang 39-year-old Filipina domestic helper na si Maryan Pascual Esteban ng Cainta, Rizal, at ang alaga niyang si Hannah, a five-year-old girl na Hong Kong national.

Ang The South China Morning Post (TSCMP) ang unang nag-ulat tungkol sa paghahanap kay Esteban ng kanyang partner na si Cristine Bombase, na nagsadya sa Kwong Fuk Community Hall.
Huling nagkaroon ng komunikasyon ang dalawa noon ding Miyerkules, alas-tres ng hapon, ilang minuto bago nag-umpisa ang sunog.
Ayon kay Bombase, sa panayam ng TSCMP, “We have posted on social media and looked for her at some shelters.”
MARYAN ESTEBAN CONFIRMED DEAD
Ngayong Linggo, Nobyembre 30, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag, kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na kasama si Esteban sa mga binawian ng buhay.
“With great sadness, the Philippine Consulate General in Hong Kong confirms the passing of Ms. Maryan Pascual Esteban, an Overseas Filipino Worker who had earlier been reported missing due to the Tai Po fire tragedy.
"Far from her native home, she had made innumerable sacrifices to provide a better life for her family. She leaves behind a ten-year-old son and her family in Cainta, Rizal.
“The Consulate General extends our heartfelt condolences to the family, friends and loved ones at this trying time. May she rest in peace.”
Bago pinangalanan si Esteban ng Philippine Consulate General sa Hong Kong, binisita muna ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration ang kanyang naulilang pamilya at anak sa Cainta.
Nagsabi pa raw ang anak ni Esteban na gusto niyang maging bumbero paglaki para wala nang mamatay sa sunog.
Itinuturing na bayani si Esteban dahil hanggang sa huling sandali, hindi niya iniwan ang kanyang alaga.
Read: Jimuel Pacquiao's professional boxing debut ends in draw
OFW RHODORA ALCARAZ TONACAO, RECOVERING WELL
Samantala, bumubuti na ang kalagayan ni Rhodora Alcaraz Toñacao, ang OFW na itinuturing ding bayani dahil kasama niyang nakaligtas mula sa sunog ang tatlong buwang sanggol na kanyang inaalagaan.
Habang nasusunog ang flat na tinitirhan ni Tonacao at ng Hong Kong employers, nagawa pa niyang mag-voice message sa mga kapatid sa San Pablo City, Laguna, para humingi ng tulong at sabihin ang nangyayaring trahedya.
Nailigtas ni Tonacao ang sanggol na kanyang niyakap para hindi makalanghap ng usok at hindi masunog.
Ngayong Linggo, personal na dinalaw ni Senator Imee Marcos si Tonacao sa Hong Kong hospital na kinaroroonan nito.
Base sa mga larawang ibinahagi ng senadora, ligtas na ang OFW mula sa kapahamakan.
Read: OFW Rhodora Alcaraz, hurt in Hong Kong fire, declared "stable"