PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sugar Mercado now civil with ex-husband after legal tussle

Sugar Mercado: "Sobrang blessed and okay na okay kami ngayon."
by Arniel C. Serato
Published Dec 3, 2025
Sugar Mercado talks about her ex-husband
Sugar Mercado on being civil with her ex-husband: "Yun naman yung sobrang blessed and okay na okay kami ngayon. Yung kids ko, nahihiram na ng Angkong nila, yung Lolo nila."
PHOTO/S: Arniel Serato

Maganda ang itinakbo ng taong 2025 para sa TV personality at dating SexBomb Girls member na si Sugar Mercado.

Bukod sa magandang takbo ng kanyang negosyo at career, nagiging maayos na rin daw ang relasyon nila ng kanyang ex-husband na si Kristofer Jay Go.

Lahad ni Sugar: "Yun naman yung sobrang blessed and okay na okay kami ngayon.

"Yung kids ko, nahihiram na ng angkong nila, yung lolo nila, yun ang may time.

"Kasi siyempre ako, sabi ko nga po sa inyo, ang laking kaunawaan ko, yung pagiging mababang loob ko, sa kaka-read ko ng salita ng Diyos.

"Ako yung, kumbaga, hindi masamang magpakumbaba ako para sa mga mahal mo sa buhay, di ba?"

Hindi niya raw ipinagdadamot ang dalawang anak niya sa pamilya ng kanyang dating asawa.

Dati kasi, nung kasagsagan ng problema nila ng mister, umabot pa sa pagsasampa niya ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Sugar Mercado filing a VAWC complaint against ex-husband in 2015.
Sugar Mercado filing a VAWC complaint against ex-husband in 2015.

Read: Ex-SexBomb dancer Sugar Mercado files VAWC complaint against husband

Ibang-ibang Sugar na nga ang eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing niya bilang endorser-shareholder ng Asia's Lashes noong November 27, 2025.

Sugar Mercado with Asia's Lashes owner Miss Leah Urbani.
Sugar Mercado with Asia's Lashes owner Miss Leah Urbani.
Photo/s: Arniel Serato
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sugar Mercado: From dancer and TV host to beauty queen

SUGAR MERCADO: binigay ko sa kanya nang buong-buo yung buhay ko na yun...

Ayon pa kay Sugar, kumapit lang siya sa Panginoon at naging maayos na ang lahat ng mga problemang kinaharap niya noon.

Saad niya, "And lahat yun mapapagdaanan mo, tapos doon na lang papakita sa iyo ni Lord kung bakit mo nadadaanan yun because para maging better person ka pa."

Biro namin sa kanya, "Paano ito nangyari sa buhay mo? Parang, nabagok ka ba?"

Sagot niya, "Hindi!"

Maingat na dagdag niyang sagot, "Ayokong mag-ano, baka madulas, oh my God.

"Basta ayoko. Hindi. Sometimes kasi may darating sa buhay mo na pinakamasakit.

"Ganun naman, e. Makikilala mo, kilala na natin si Lord.

"Pero mas hahanapin mo Siya, pag dumating sa iyo yung punto ng buhay mo na pawala ka na.

"Yung parang buhay ka pero feeling mo patay ka na. Yun yung nararamdaman ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating siya sa point na yun?

Aniya: "Yes! Opo. And I know Him.

"I read the Bible pero biruin mo, mas lalo ko pa Siyang hinahanap nung dumating sa buhay ko yun.

"Kaya nung dumating sa buhay ko yun na tinanggap pa rin ako ng Panginoon, binigay ko sa Kanya nang buong-buo yung buhay ko na yun.

"Na kahit na wala akong karelasyon, wala nang dumating na lalaki sa buhay ko, Siya na po yung susundin ko, hindi na yung sarili ko. Kasi sinunod ko na yung sarili ko nung una at pinagbigyan Niya ako."

Bakit nasabi ni Sugar sa ilang panayam sa kanya na ayaw na niyang magka-lovelife?

Paliwanag niya: "Ang pinakamasarap maramdaman yung love, alam mo ba yun, sa mundong ito.

"So, bakit ayoko? Ang sinasabi ko lang po, I have two kids na pinuprotektahan.

"And sabi ko nga po, pag binigay ni Lord, okay lang. Pero kung gusto ko lang gaya before, hindi ko na gagawin ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, grabe napagdaanan ko din and thankful ako, hindi ako nagsisisi sa lahat ng napagdaanan ko kasi doon ako nag-grow.

"Mas doon ko nakilala yung Panginoon at doon ko, naging better person ako.

"Mas lalo... kasi sometimes, di ba, tayo kapag in pain, gaganti ka or lalo mong sisirain yung sarili mo o kaya magbabago yung pag-uugali mo.

"Ako po, ang nangyari po sa akin is mas tinama ko yung mali."

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sugar Mercado on being civil with her ex-husband: "Yun naman yung sobrang blessed and okay na okay kami ngayon. Yung kids ko, nahihiram na ng Angkong nila, yung Lolo nila."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results