Ibang klase ang daang tinahak ni Sugar Mercado.
Mula sa pagiging miyembro ng all-female dance group na SexBomb Girls noon at part-time co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime (2011-2012) sa TV5 at Wowowin (2017) sa GMA-7, ngayon ay isa na siyang beauty queen.
Si Sugar ang kinoronahang Mrs. Universe Official 2025 sa grand coronation na ginanap sa Laguna noong October 14, 2025.
Humakot din siya ng special awards: Best in National Costume, Best in Evening Gown, at Best in Talent.
Nasa 120 kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo ang kasali sa timpalak.

Read: 41st Star Awards for Movies: Vilma, Aga, Dennis win acting prizes
Sugar Mercado: Manalo o matalo basta binigay ko sa kanya.
Ang manager daw ni Sugar na si Wilbert Tolentino ang dahilan kung bakit siya sumabak sa beauty pageant.

Lahad ni Sugar sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Sabi ko sa iyo, iba yung galaw ni Lord. Kahit ako, kahit ako sa sarili ko...
"Sabi ko nga, e, hindi ko intention yung sumali ako doon, inano lang ako ni Sir Wilbert Tolentino, kasi mahilig siya doon. Di ba si Hipon?"
Ang tinutukoy na "Hipon" ni Sugar ay ang Kapuso actress na si Herlene Budol na kinoronahang Miss Philippines Tourism 2023.
Pagpapatuloy ni Sugar: "Di ba, si Herlene talaga nagbago rin yung career niya, di ba? Yung buhay niya dahil dun.
"And ako, sinabihan din ako ni Sir Wilbert na, 'Grabe yung wisdom mo. So bakit... sumali ka.' Ganyan, ganyan, ganyan.
"Alam mo sa umpisa pa lang, dahil nakita naman natin, wala po akong anything na... Kasi, di ba, beauty queen naman po talaga kasama yung magpapagawa ka and everything?
"Yun yung unang ano, takot na takot ako. Sabi ko, 'Lord, kung maggaganun ako, ah, mommy na naman ako, parang huwag na lang kung hindi talaga uubra.'
"Sabi ko, 'Pero kung bibigyan Mo ako ng chance to glorify You, e, tutuloy po ako. Manalo o matalo basta binigay ko sa Kanya.'
"And yung full support naman ni Sir Wilbert, nandoon din naman.
"So, nung nangyari yun, basta parang may... may something lang din na kapagka napapanood niyo yung mga videos na kinuha ng ibang tao, talagang nag-glow talaga.
"Alam ko talaga yung spirit talaga ni Lord yung tumatagaytay sa akin.
"And talagang alam kong may dahilan lagi kasi iba't ibang ano yun, e, lengguwahe, e.
"Iba't ibang ano... alam mo naman tayo, di ba? Dalawa at isa't kalahati lang. Di pa sure yung kalahati."
Inasahan ba niyang mananalo siya?
Tugon ni Sugar: "Ay, hindi po talaga, pero ano po talaga ako, determinado ako.
"Talagang kapagka nasa stage ako parang, 'Ah, Pia... Cayetano.' Charot!
"Pinanood ko yung mga video ni Pia [Wurtzbach, Miss Universe 2015]."
Pinag-aralan daw niya ang mga kumpas ng kamay ni Pia sa stage. Pati na rin kay kay Ahtisa Manalo, Miss Universe 2025 third runner-up.
Pagdating naman daw sa Question-and-Answer portion, ginamit niya ang wikang Filipino.
Kuwento ni Sugar: "Tapos yung aking lengguwahe na ginamit, siyempre yung hindi tayo puwedeng magpanggap na kaya ko mag-i-English, di ba?
"So, yung sariling wika natin yung ginamit ko din. And thank you talaga, Lord, na na-survive ko yun and napakita ko yung...
"Hindi mo akalain sa panaginip. Hindi ko rin talaga maisip na mananalo ako, as in. Na, na ako pa yung makokoronahan.
"Siguro papasok ako dahil, sabihan natin dito tayo sa Pilipinas, di ba? Mga fourth, mga ganyan."
Inialay raw niya sa Diyos ang kanyang pagkapanalo.
"Nag-pray sa taas na, 'Lord, thank you po. Sa 'Yo ito.' Ganun lang ako nang ganun.
"Bukod sa mga Pilipino nating kababayan, sa pamilya ko, si Lord talaga yung ginu-glorify ko.
"And kasi yung panahon na yun naglilindol, kaya hindi ko po isinama yung family ko.
"Talagang ang dami nating pagsubok talaga na nangyayari kasabay nun. Kaya yung ibang candidates din hindi nakapunta sa takot."
Read: Who is Zen Hernandez?
Sugar mercado now a stockholder
Isa na ring negosyante ngayon si Sugar.
Stockholder na siya ng Asia's Lashes, kung saan siya rin ang endorser.
Kaya naman feeling blessed si Sugar.
Saad niya: "Siyempre unahin ko talaga yung papuri't pasasalamat kay Lord talaga una.
"Kasi lahat ng nangyayari sa buhay ko, e, binigay ko na sa Kanya lahat.
"So, kahit ako, gulat din ako. Kasi ako naman po, kapagka nagtatrabaho ako, binibigay ko yung buong ako.
"So, siguro blessing na rin kasi talaga pinag-pray ko ito dahil gusto kong talagang tutukan yung mga anak ko, e. Kasi yung mga anak ko, nagdadalaga na.
"Alam mo yun, iba na talaga. Tapos iba na rin yung mundo natin ngayon, di ba? Nakikita naman natin.
"So, talagang pinag-pray ko talaga na gusto kong magkaroon ng business.
"Na kahit nasa bahay lang ako, para balanse po yung sa mga anak ko, at saka meron kaming income na magsu-survive. Yun po talaga.
"Kasi ang importante po talaga sa akin yung kapakanan talaga ng mga anak ko."
Sabi naman ni Miss Leah Urbani, ang may-ari ng Asia's Lashes: "We are finally welcoming her as a co-owner and business partner of Asia’s Lashes.
"So ayan, very proud po tayo because as an entrepreneur, she is going to be a full businesswoman together with Asia's Lashes.
"So, very proud po tayo because she deserves all the best and success in life because napakasipag naman po talaga ni Ms. Sugar Mercado."

Abangan ang iba pang eksklusibong kuwento ni Sugar—tungkol sa ex-boyfriend niyang si Willie Revillame, sa ex-husband niya at sa relasyon nito sa kanyang mga anak, at kung bakit hindi siya kasali sa SexBomb Girls Reunion Concert 2025 sa December 4, 2025.
Lahat yan ay mapapanood sa PEP's Real Talk, Wednesday, December 3, 2025.
