PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson addresses fans' clamor for comeback with Kim Chiu

Gerald: "Hindi ko kontrolado ang opinyon ng ibang tao."
by Melba R. Llanera
Published Dec 4, 2025
Gerald Anderson reacts to fans' clamor for comeback with Kim Chiu
Gerald Anderson remains grateful to Kimerald fans; says past relationships taught him valuable lessons.
PHOTO/S: @andersongeraldjr / @chinitaprincess Instagram

Hiningan ng reaksiyon si Gerald Anderson tungkol sa pagkukrus ng landas nila ng ex-girlfriend na si Kim Chiu.

Parehong pinarangalan sina Gerald at Kim bilang loyalty awardees ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na kinabibilangan nila.

Nakilala ang tambalan nila noon bilang Kimerald, at marami sa fans nila ang kinilig sa posibilidad na magkabalikan sila.

Tiyempo namang bida at co-producer si Gerald ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 entry na Rekonek.

Nang tanungin kung posibleng magrekonek sila ni Kim, ang sabi ni Gerald: "Kontrolado ko ang buhay ko. Hindi ko kontrolado ang opinyon ninyo, opinyon ng ibang tao."

Basta nagpapasalamat daw siya sa suporta ng fans.

"Saka di ko alam kung reconnection, pero isipin niyo, wala ako sa harapan niyo ngayon kundi dahil sa kanila.

"Whatever happens, good or bad, you have to be thankful sa mga taong sumuporta sa iyo."

Pero tila malabong magka-comeback sina Kim at Gerald dahil nauna nang humirit si Kim na hindi niya nakakalimutan ang panloloko sa kanya noon ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kim Chiu shuts down Kimerald reunion fantasy after fans' relapse

Para kay Gerald, naniniwala siyang may natutunan siya sa lahat ng mga nakarelasyon niya noon.

Sa showbiz, ang ex-girlfriends niya ay sina Kim, Maja Salvador, Bea Alonzo, at Julia Barretto.

Sabi ni Gerald: "Alam mo, may mga tao na darating sa buhay natin para turuan tayo ng leksiyon.

"Minsan di na natin kasama moving forward, but I always appreciate every moment na kasama ka.

"Lahat ng nangyayari may dahilan, at naniniwala ako dun.

"Falling in love, relationship, pamilya, do not take anything for granted. Enjoy every moment."

Sinabi rin ni Gerald na hindi lahat ng pamamaalam ay hindi maganda.

"Maraming goodbyes sa buhay natin. Lahat tayo nakakaranas nun.

"Basta hindi tayo bitter, laging may matututunan dun, e.

"Puwedeng pangit yung goodbye, puwedeng hindi maganda yung paghihiwalay ninyo ng kaibigan mo, ng karelasyon mo, ng isang family member mo, pero laging may self-reflection yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Di laging puwede na siya ang mali. There's a lesson there."

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

GERALD ANDERSON ON REKONEK

Sa kabilang banda, masaya si Gerald na napabilang ang Rekonek sa MMFF 2025 entries.

Saad niya: "Malaking privilege kasi walong pelikula lang ang nakapasok, and alam namin na almost 50 entries ang sumubok.

"So, to be able to be part sa walo na yun, malaking bagay. First producing project ko, for MMFF agad.

"Saka naniniwala ako sa proyekto. Naniniwala ako kung gaano kaganda yung cast, kung gaano ka-star-studded. Favorite season ko rin ang Pasko."

Ano ang tema ng Rekonek?

"Tungkol siya sa pagkawala ng internet sa buong Piipinas. Hindi kayo makapagtrabaho lahat, lahat tayo... Pinapakita natin kung ano ang mangyayari pag nangyari yun."

Para makapagpahinga, ibinahagi ni Gerald ang aktibidad na na-e-enjoy niyang gawin.

"Medyo umaakyat ako ng bundok para walang signal, para hindi ko makita ang mga sinusulat niyo!" natatawang hirit ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman yung tipo na minsan pag umaakyat ako ng bundok, naghahanap ako minsan ng mga lugar na walang signal, may katahimikan.

"And then pagkatapos nun, ready ka nang magtrabaho uli, bakbakan uli, trabaho uli."

Kung mayroon man gusto si Gerald na makarekonek, walang iba kundi sarili niya.

"Ganun talaga, when you become so busy sa mga gusto mong ma-achieve minsan, kailangan mo ring huminga kahit sandali lang.

"Kailangan mong i-assess [yung buhay mo].

"Itong Pasko, itong holiday season ang perfect time. Okay, anong nangyari sa taong ito? Saan ako nagkamali? Ano yung tama na ginawa ko, di ba?"

Nakapanayam si Gerald sa presscon ng Rekonek, na ginanap sa Stratosphere Events Place sa Century Mall noong December 1, 2025.

Read: JM Ibarra and Fyang Smith: Built to Take On Showbiz

ON RESPONSIBLE JOURNALISM

Sa puntong ito ay nagkomento si Gerald sa talamak na pagkalat ng fake news.

Sabi niya sa press: "Trabaho niyo ito, e. Sabi ko nga kanina, may responsibilidad ka na magsabi ka ng totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming fake news diyan, alam ninyo yan. Maraming naniniwala sa kung anu-ano.

"Paano pag tungkol sa buhay niyo o tungkol sa buhay ng ibang tao, at mas naniniwala ang karamihan? Mahirap yun.

"Kayo may responsibilidad din kayo. [Yung] voice ng bawat isa, shield yan for misinformation.

"At kayo, hindi ninyo alam kung gaano kalaki ang responsibilidad niyo."

Sa pagsasalita ni Gerald, tila gusto niyang iparating na may mga nababalita sa kanya ang press na hindi tama.

Hindi naman niya binanggit kung alin sa mga balita sa kanya ang mali ang impormasyon.

"Nakakalungkot. Nung una matatawa ka minsan sa iba, pero yung marami na ang naniniwala...

"Sabi ko nga sa handler ko sa Star Magic, sa akin kasi tungkol sa love life, tungkol sa ganito.

"Pero what if tungkol sa hanapbuhay ng Filipino? What if life and death situation yan tapos naniniwala ang mga tao? Dun kayo mas matakot, e."

Read: Gerald admits shortcomings in past relationship with Julia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON DEALING WITH CHALLENGES

Sa 20 taon niya sa industriya, marami na ring mabigat na pinagdaanan si Gerald.

Aniya: "I don't think na may kilala akong artista o tao na hindi up and down ang buhay.

"Kasi may purpose ako sa buhay ko kaya rin ako nagpo-produce. Yung mga motivations ko, tulad ng pagnenegosyo ko, nakakapagbigay ako ng trabaho sa iba.

"Kahit na anong pilat na darating, may purpose. Nahanap ko yung purpose na yun.

"Pag may purpose ka, maraming pagsubok na kaya mong lagpasan. It gives me more motivation kaysa dun sa trabaho na mismo. Alam mo na may ginagawa kang mas malaki at mas importanteng bagay."

Hindi raw ibig sabihin ay madali ang lahat.

Diin ni Gerald: "It's been my most challenging at the same time most fulfilling kasi ang dami kong nagawa na hindi ko nagagawa before.

"Maraming challenges. [I'm] just thankful kasi marami pa ring blessings. Maraming challenges, pero kasama talaga yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson remains grateful to Kimerald fans; says past relationships taught him valuable lessons.
PHOTO/S: @andersongeraldjr / @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results