Wala nang interes ang TV host-actor na si Luis Manzano na pasukin ang mundo ng pulitika.
Ito'y matapos niyang matalo nang tumakbo siya sa pagka-bise gobernador ng lalawigan ng Batangas sa nagdaang 2025 midterm elections.
Tinalo si Luis ni noo'y incumbent Batangas Governor Dodo Mandanas.
Nanalo naman ang ina niyang si Vilma Santos bilang governor ng Batangas.
Maging ang kapatid niyang si Ryan Christian Recto ay nahalal din bilang kongresista sa ika-anim na distrito ng lalawigan.
Makaraang matalo, balik-hosting si Luis sa pamamagitan ng Rainbow Rumble at Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0.
Read: Luis Manzano back as host; 20 PBB teen housemates revealed
Luis Manzano rules out pursuing politics
Sa thanksgiving mediacon ni Luis, kasama ang asawang si Jessy Mendiola, noong Martes, December 2, 2025, nausisa siya kung may plano pa ba siyang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Dito sinabi ng aktor na kasunod ng kanyang pagkatalo ay ang desisyon niyang hindi na muling tumakbo at kalimutan na ang planong pagsunod sa yapak ng ina niyang si Vilma.
Aniya: "Honestly, hindi ko na naiisip.
"Siguro after everything we went through, everything that's going on and chances are will still go on, para sa akin, I found my niche once again."
Read: Vilma Santos admits pain over Luis Manzano’s election loss
Aminado si Luis na nang nagdesisyon siyang sumubok sa pulitika ay panandalian ding dumistansya sa kanya ang ilang kumpanya at brands na kanya noong iniendorso.
Bahagya raw siyang nalungkot nang mangyari ito hanggang sa mapagtanto niya kung ano ba talaga ang kanyang gusto.
Pahayag ni Luis: "Actually, right after the campaign, right after the election, for a while medyo I was lost, kahit na nandiyan yung ibang mga proyekto natin.
"To be perfectly honest, kilala niyo rin naman ako. Like for example, may mga certain brands for example na hindi na rin napag-renew, and it's perfectly understandable naman.
"Kumbaga, a lot of things na I already have, e, kumbaga bigla na lang na, for very understandable business reasons, biglang na lang na they had to medyo keep their distance na sa akin.
"Kumbaga, nawala ako. [Napaisip ako], 'Teka lang.'"
Read: Luis Manzano, nabawasan ang commercials dahil sa 2025 elections
Sa tingin ni Luis, ang kanyang pagkatalo ay may naidulot na maganda para muli siyang bumalik sa showbiz — ang mundo kunsaan siya masaya — at pagkatiwalaan muli ng mga brand.
Saad niya: "Before the campaign, before the elections, everything was laid out already. Tapos nangyari ang mga bagay-bagay.
"And then after, parang everything fell into place right away.
"Parang ayaw ko na sayangin din yon, that opportunity, because not everyone is given a second chance na manumbalik sa industriya.
"In fact, in two days, I’ll be shooting with a new family. I have three renewals ng mga endorsements.
"So, kumbaga, ayaw ko nang ilagay sa alanganin once again that trust."
Sa ngayon, prayoridad daw ni Luis na mas pagbutihin pa ang pagbabalik niya sa hosting at pag-aalaga sa mag-ina niyang sina Jessy at Rosie, 2.
Sabi niya: "As of now, my main focus is balik sa paghu-host, take care of the family.
"Marami pa naman akong itutulong sa Batangas, but if we talk about running again, hindi ko na naiisip."
Nilinaw rin ni Luis na hindi hudyat ng pagpapabango para sa posisyon ang mga pagkakataong nakikita siya ng publiko na kasa-kasama ng kanyang ina sa Batangas.
Aniya: "Yung mga nakikitang post na If there are certain functions na hindi niya mapuntahan or her official team, I would go as a son. As son supporting his mom.
"Ayun lang yung main goal ko, para lang if it's a very important function then I will be more than happy to attend.
"Hanggang doon lang yon. I don't have an official designation, and I choose not to.
"Kumbaga, kapag ako pumupunta, nakikita ako sa Batangas, ayun ay isang anak na tumutulong sa kanyang ina."
Luis ON his family'S big role in helping him bounce back
Sa nasabing panayam, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis kung paano siya naka-move on sa kanyang pagkabigo sa eleksyon.
Read: Jessy Mendiola still proud of Luis Manzano despite election loss
Pagbabahagi niya, naging malaking tulong ang suporta at pagdamay ng kanyang pamilya.
Dagdag pa rito ang unti-unti niyang pagbabalik sa showbiz matapos huminto dahil sa paghahanda sa eleksyon.
Ani Luis: "Kay How How [Jessy], kay Peanut [Rosie], my family rin, and di ba, life goes on.
"Wala pa akong kilala ni isang tao sa mundong ito na walang napagdaanan sa buhay, walang iniyakan. Lahat kayo meron, lahat ng nanonood meron.
"I'm sure lahat kayo, you were able to bounce back with the right support system.
"So seeing my wife, seeing my family, coming back to an industry na mahal na mahal ko, yung mga commercials, yung mga endorsements na lahat nandiyan ulit.
"So, bakit ako malulungkot?"
