PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It’s Showtime hosts give PHP1M to calamity victims

Quake victim from Cebu wins PHP1M jackpot on It's Showtime's "Laro Laro Pick."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 4, 2025
It’s Showtime hosts give PHP1M to Laro Laro Pick players
The hosts of It’s Showtime bring hope to typhoon and earthquake victims from Cebu and Negros Occidental as they give away PHP1 million to a jackpot winner and donate another PHP1 million to the rest of the Laro Laro Pick’ players affected by recent calamities.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Bagong pag-asa ang hatid ng Kapamilya noontime show na It's Showtime sa ilang mga kababayan nating nasalanta ng matinding bagyo at lindol nitong mga nagdaang buwan.

Ito'y matapos magpaulan ng papremyo sa sikat na segment ng programa na "Laro Laro Pick."

Ngayong Huwebes, December 4, 2025, ang ilang nasalanta ng bagyo at lindol sa probinsya ng Cebu at Negros Occidental ang naglaro sa "Laro Laro Pick" para mapanalunan ang tumataginting na PHP1 million jackpot prize.

Simula pa lamang ng laro ay nagpamudmod na ng papremyo ang mga host, sa pangunguna ni Vice Ganda.

Read: TV5 understands ABS-CBN but it has "to pay what is due"

Ayon kay Vice, sana sa pamamagitan ng papremyo ay maibsan kahit kaunti ang sakit at paghihinagpis ng 24 manlalaro dulot ng kanilang pinagdaanan sa magkakasunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Iba-iba ang bitbit na nakapanlulumong kuwento ng bawat isa.

May isang inang nawalan ng dalawang anak dahil sa pagkalunod dulot ng pagbaha sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon ding mga nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa malakas na pagyanig ng lupa mula sa magnitude 6.9 na lindol.

Quake victim from Cebu wins PHP1 MILLION jackpot

Sa huli, ang barangay health worker na si Disyang mula sa Bogo City, Cebu, ang natira at naglaro sa jackpot round.

Dito ay napanalunan niya ang pot money prize na PHP1 million matapos sagutin ang napakadaling jackpot question: "One plus one?"

Dahil sa pagkapanalo ni Disyang, napuno ng luha at emosyon ang It’s Showtime studio.

It’s Showtime hosts give PHP1M to Laro Laro Pick players
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa health worker, ang malaking halagang napanalunan niya ay malaking tulong upang muling itayo at ipagawa ang kanilang bahay na nasira sa kalamidad.

Umiiyak na paalala sa kanya ni Vice: "Gamitin mo ito para bumangon. Bumangon ka, ibangon mo yung mga anak mo. Bumangon kayo.

"Huwag niyong sayangin ang pagkakataong ito. Huwag na huwag mong sayangin, please."

It’s Showtime hosts give another PHP1M to other Madlang Players

Bago matapos ang nasabing segment ay emosyunal na inanunsiyo ni Vice ang desisyon nila ng kanyang co-hosts na magbigay ng karagdagang PHP1 million para sa mga kasamang manlalaro ni Disyang.

It’s Showtime hosts give PHP1M to Laro Laro Pick players affected by calamity
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Vice, damang-dama nila ang bigat na pinagdaraanan ng bawat isa kaya nais nilang mabawasan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal na tulong para sa kanilang pagsisimula at muling pagbangon.

Read: Vice Ganda, bakit ayaw personal na makilala ang kanyang scholars?

Pahayag ni Vice: "Nahahabag kami sa mga nangyari sa inyong lahat.

"Hindi namin alam kung paano namin kayo matutulungan kasi ang dami ninyo, [pero] kinausap ko kanina yung mga kasamahan kong [hosts] at nagkasundo kami na mag-ambag-ambag kami.

"At kayong lahat ay maghahati-hati sa PHP1 million.

"Bukod kay Disyang, magbibigay kaming mga host ng additional PHP1 million. Paghahati-hatian ninyong lahat para umuwi kayong may bitbit ngayong Pasko.

"Sa amin iyon, kami ang maghahati-hati. Pamasko namin sa inyo.

"Kung anuman ang inabot noon kapag hinahati-hati, para sa inyo yon, Merry Christmas po."

Dagdag pa ni Vice sa huli, "Bumangon kayo at bumoto kayo nang tama. Huwag na magpapaloko ha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The hosts of It’s Showtime bring hope to typhoon and earthquake victims from Cebu and Negros Occidental as they give away PHP1 million to a jackpot winner and donate another PHP1 million to the rest of the Laro Laro Pick’ players affected by recent calamities.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results