PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kobe Paras spotted partying with South African singer Tyla

Netizen: "Jusko Kobe! Ang lagkit ng tingin mo."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 5, 2025
Kobe Paras spotted partying with South African singer Tyla
Kobe Paras was spotted partying with South African singer Tyla at the “Water” hitmaker’s after-party. Netizens can’t stop talking about their encounter online.
PHOTO/S: Kobe Paras/Tyla on Instagram/Screengrab on TikTok

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kuhang video ng basketball star na si Kobe Paras habang nasa party katabi ang award-winning South African singer-songwriter na si Tyla.

Kuha ang mga video sa after-party ng We Wanna Party Asia Tour concert ni Tyla sa Pilipinas noong Miyerkules, December 3, 2025, na ginanap sa isang bar sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Sa video na in-upload ng isang netizen, makikita ang tagpong halos pagdidikit nina Kobe at Tyla.

Sumasayaw-sayaw pa ang singer na nagpasikat sa kantang “Water” habang lumalapit sa puwestong kinaroroonan ni Kobe na nakatayo malapit sa DJ’s booth.

Sa sobrang lapit ng dalawa ay kapansin-pansin ang hindi maiwasang pagtingin ni Kobe kay Tyla habang ito'y sumasayaw suot ang maiksing denim shorts at white midriff sando.

Kobe Paras spotted partying with South African singer Tyla
Photo/s: Screengrab on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang anggulo ng video na kuha ng netizen ay makikita na bukod kay Kobe ay naroon din malapit kay Tyla ang basketbolista ring si Thirdy Ravena.

Kobe Paras spotted partying with South African singer Tyla
Photo/s: Screengrab on TikTok

Netizens react to Kobe–Tyla encounter

Mabilis na kumalap ng samu't saring reaksiyon ang pagsasama nina Kobe at Tyla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami ang nakapansin sa anila'y malagkit na tingin ng sikat na basketbolista sa international singer.

Komento ng isang netizen na nakapanood sa video, "Jusko Kobe! Ang lagkit ng tingin mo."

Saad pa ng isa, "Gets ko si Kobe, Tyla na yan e."

Read: Jackie Forster defends son Kobe Paras from "cheater" allegations

Mayroon ding tagahanga si Kobe na sini-ship siya kay Tyla.

Sabi nito, "Parang bagay sila. Cute ng height nila if ever."

Ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang huling naging nobya ni Kobe na isinapubliko niya.

November 1, 2024, nang aminin ni Kobe ang espesyal na relasyon nila ni Kyline.

Read: Kyline Alcantara opens up about Kobe Paras meeting her parents

Hanggang noong April 22, 2025, napag-alaman sa ulat ng PEP Troika na first week of April nang mag-break sina Kobe at Kyline.

Ayon sa Troika source, nagkaroon ng matinding pag-aaway ang couple pero nagkaayos din.

Pero makalipas lamang daw ng ilang araw, nagkaroon ulit ng alitan, at doon na naghiwalay ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw binanggit ng source kung sino kina Kobe at Kyline ang nag-initiate ng breakup.

Nangyari iyon bago naiulat ang pagpunta ni Kobe sa Bali at pagpa-party doon kasama ng mga kaibigan.

Read: Kobe Paras at Kyline Alcantara, 1st week ng April pa naghiwalay

KOBE WITH a new mystery girl

Makaraan ang ilan buwan matapos mapabalita ang hiwalayan nina Kobe at Kyline ay ang pagkaka-link naman ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster sa isang non-showbiz girl.

Noong June 30, 2025, kumalat sa TikTok ang isang video kung saan makikita si Kobe na may kasamang babae sa isang establisimyento.

Makikitang umalis ang dalawa na magka-holding hands.

Kobe Paras and mystery girlf holding hands while walking.
Photo/s: Courtesy: April Joyce Temblor on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tayo at hitsura ng babae, iba ito sa naispatang kasama ni Kobe sa Bali, Indonesia, noong April 23, 2025.

Read: Netizens ask: Is this Kobe Paras with a non-showbiz girl?

Dahil dito, muling umugong ang espekulasyong may bago na namang idine-date si Kobe.

Read: Kobe Paras spotted HHWW with a new mystery girl

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kobe Paras was spotted partying with South African singer Tyla at the “Water” hitmaker’s after-party. Netizens can’t stop talking about their encounter online.
PHOTO/S: Kobe Paras/Tyla on Instagram/Screengrab on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results