Tapos na ba ang rumored romance sa pagitan nina Claudine Barretto at Milano Sanchez?
Ito ang usap-usapan ng netizens matapos makita ang Instagram post ni Claudine kahapon, December 5, 2025.
Sa nasabing post, ibinahagi ni Claudine ang mga larawan niya noong bata pa siya at noong dalaga na siya kasama ang inang si Inday Barretto.
Maririnig sa background ang kanta ng One Direction na "Night Changes."
Saad ng aktres sa caption, sana raw ay mayakap niya ang ina sa mga oras na iyon habang siya ay umiiyak.
Pero ayaw na raw ni Claudine na pag-alalahin ang 89-anyos na ina.
Saad ni Claudine (published as is): "i wish i could hug u so tight & Cry so hard right now Mom.
"But you can't always be strong for 6 children left at 89.
"i constantly have to remind myself that i am Inday Barretto's daughter.
"that i could at least be half as strong as you.
"but no more crying for me Mom."
Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak, pero sinabi ni Claudine na may natutunan naman siya sa kanyang pinagdaanan.
Aniya: "no regrets just lessons learned.
"i don't want to call coz this will the last time i will shed a Tear. just a tear.
"i know you're reading this now.
"i luv u soo much. it's a priviledge to be you're daughter @estrellabarretto"
View this post on Instagram
Read: Angelica Panganiban cautious about Kim-Lakam legal issue
NETIZENS REACT TO CLAUDINE BARRETTO'S POST
Sa comments ng kanyang post, may ilang netizens na nagtanong kung ano ang nangyari sa ina ni Claudine.
Pero sabi ng ilang fans, wala naman daw.
Kaya hinala ng isang netizen, "feel ko wala na naman sila nung manolo sanchez"

Ang "Manolo Sanchez" na tinukoy niya ay si Milano Sanchez, na kailan lamang ay nagpakilig sa social media dahil sa sweet videos at photos nila ng TV5 actress.
Sabi ng isang fan (published as is), "Ang dami kasing panira at kontrabida sknila. Naapektuhan pati mga anak nila. Sa mga bashers"

Napansin din ng netizens na pareho nang burado ang social media posts nina Claudine at Milano na magkasama.
Komento ng isa, "Mukha nga kc nawala n ung post eh together wid that guy,, nag public post pa kc kung hinayaan nlng n private kung anu meron sila"

Dagdag ng isa pa, "Wala na. Burado na mga posts"

Sabi ng isa pa, may darating din na tamang lalaki para kay Claudine.
Aniya, "may Tama lalaki drating Kay ms clau kaya siya ipagtangol pati mga anak niya.una pa lang pagpapakilala Niya Kay Milano dami na basher may nakaraan siya aayaw lang masaktan ms clau kaya ganyan mga taga hanga Niya lahat ginagawa ms clau suportado ko siya"

Huling nag-post si Milano tungkol sa kanila ni Claudine noon pang November 11, 2025, kung saan nagpasalamat siya sa pagtatanggol sa kanya ng aktres.
Pero burado na lahat ng posts ni Milano sa kanyang Facebook at nag-lock na rin ito ng profile.
Read: Milano Sanchez thanks Claudine Barretto for defending him
