PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Zamora responds to rude comment of basher about wife Jopay

Jaspn: "Hindi natin kailangang ibagsak ang ibang tao para suportahan ang opinyon."
by Arniel C. Serato
Published Dec 6, 2025
Joshua Zamora answers basher for rude comment about wife Jopay Paguia
Joshua Zamora to basher of wife Jopay Paguia: "Hindi ako napunta sa ‘mali.’ Pinili ko ang taong tapat, nagmamahal, at kasama kong lumalaban sa buhay."
PHOTO/S: Facebook

Hindi pinalampas ni Joshua Zamora ang isang basher na may mapanirang komento tungkol sa asawa niyang si Jopay Paguia.

Noong December 2, 2025, ni-repost ni Joshua sa kanyang Facebook ang screenshot ng komento ng isang basher.

Sabi sa komento, nasayang lang daw si Jaason dahil napunta ito sa isang "pipityuging babae."

Marami naman daw babaeng nagkagusto sa kanya noon na mga titulad, pero bakit sa isang "dancer lang nabagsak."

Akusasyon pa ng basher: "Naghihirap tuloy."

Buong komento ng basher: "Sayang talaga si Joshua napunta lang sa pipityuging babae. Ang daming babaeng politicians at doctors na may gusto sa knya. Pero sa isang dancer lang nabagsak. Naghihirap tuloy."

Sina Joshua at Jopay ay parehong miyembro ng sikat na dance groups.

Si Joshua ay bahagi ng Maneouvres habang si Jopay ay kabilang sa SexBomb Dancers.

Basher of Jopay Pagiua
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Is Claudine and Milano's rumored romance already over?

Joshua Zamora: Hindi ako napunta sa mali

Hindi man kanais-nais ang mga salitang ginamit ng basher, naging marespeto pa rin si Joshua sa pagsagot dito sa pamamagitan ng isang open letter.

Gumamit siya ng mga salita ng Diyos upang paliwanagan ang basher.

Ayon kay Joshua, hindi niya sinusukat ang isang tao base sa propesyon nito o kung karespe-respeto ba ito sa lahat.

"Diyos" lamang daw ang nakakakita ng tunay na halaga ng isang tao.

Saad ni Joshua: "Salamat sa opinyon mo, pero hindi ko sinusukat ang halaga ng isang tao base sa trabaho, titulo, o kung gaano siya ‘kagalang-galang’ sa paningin ng mundo.

"Ang tunay na halaga ng tao ay nakikita ng Diyos, hindi ng tao. Sabi nga sa 1 Samuel 16:7, ‘People look at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.’"

Idiniin din ni Joshua na sa tamang tao siya napunta dahil ang kanyang napangasawa ay bigay ng Diyos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya: "Hindi ako napunta sa ‘mali.’ Pinili ko ang taong tapat, nagmamahal, at kasama kong lumalaban sa buhay.

"At kung titingnan natin ang Bible, malinaw na ang tunay na pagpapala ay hindi nakadepende sa kayamanan o posisyon.

"Eto basa sa Proverbs 19:14, ‘A prudent wife is from the Lord.’

"Kaya imbes na manghusga sa itsura o trabaho, mas pipiliin ko pa rin yung taong ibinigay ng Diyos at kasama kong nagtatayo ng tahanan at pananampalataya.

"Sabi nga sa Ecclesiastes 4:9, ‘Two are better than one, because they have a good return for their labor.’"

Hinikayat din ni Joshua ang basher na rumespeto sa iba.

Pagtatapos niya, "Respeto lang po. Hindi natin kailangang ibagsak ang ibang tao para suportahan ang opinyon.

"Pinipili ko ang pag-ibig, kapayapaan, at pasasalamat sa biyaya ng Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Zanjoe Marudo, itinangging hiwalay na sila ni Ria Atayde

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Zamora to basher of wife Jopay Paguia: "Hindi ako napunta sa ‘mali.’ Pinili ko ang taong tapat, nagmamahal, at kasama kong lumalaban sa buhay."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results