Kumusta si Jopay Paguia sa kanyang pagiging nanay?
Ang Sexbomb dancer ay may two daughters—sina Alessa, 7, at Ariana, 4—with her husband, Manoeuvres dancer Joshua Zamora

Lahad niya: “Isa akong traditional mom. I mean, traditional mom, ano po, e, pagdating sa mga anak ko, nandun pa rin ako sa yung mga makalumang gawi ba.
“Although merong ano, may lambot na kahit papaano na pagdidisiplina sa aking mga anak.
"Tapos ano, sobrang focused talaga ako sa kanila, hands-on mom po talaga.”
staying fit, future plans
Paano napapanatili ni Jopay ang kanyang slim figure kahit may dalawa na siyang anak?
“Ayan, oo, kasi po active din po kasi ako sa pagsasayaw. So iniisip ko na lang, e, matanda na ako, mga anak ko maliit pa, so yung health ko, iniingatan ko talaga.
"So, siyempre,m kain tayo nang tama lang, di ba?”
Dahil nga maliliit pa ang mga anak ni Jopay ay mahalaga sa kanya ang oras na kasama sila, kaya pili lang ang kanyang showbiz commitments.
“More on events kasi ako ngayon, talagang iyon yung pinagtutuunan ko, maliban sa mga anak ko talaga.
“Kasi pag sa events kasi, control mo yung oras mo, yung araw mo, yung like… naisasama ko sila sa mga trabaho ko.”
Pero may ginagawa ring indie film si Jopay.
“Yes, tuloy na tuloy na po yung indie film na gagawin namin sa Sine Aral, yung Best Friend in Tandem.”
Read: Klea Pineda, spotted kasama si Janella Salvador after ng GMA Gala
JOPAY PAGUIA ON DAUGHTERS' INTEREST IN JOINING SHOWBIZ
Bilang isa sa mga mommy endorsers ng Internet provider na Converge, laking pasalamat niya dahil nakakatulong daw ito sa mga panahong wala siya sa bahay.
Aniya: “Sobrang importante, kasi sa bahay, meron kaming CCTV. So pag ano, para pag nasa labas kami, may trabaho ako, 24/7 ko silang nababantayan.
“Kumbaga parang, siyempre, hindi naman… kunwari, yung anak ko naglalaro, tapos lalapit sa akin, umiiyak. ’Bakit?’ Sasabihin niya, ‘Ouchie, mommy!’
“So iri-review ko yung CCTV, dahil malakas yung Internet, nakikita ko, ‘Ay nalaglag yung anak ko dun sa upuan.'
"So sobrang importante sa akin talaga ang Internet,” saad ni Jopay.
Wala ba sa dalawang anak niya ang nagpapakita ng hilig na mag-showbiz?
“Artista, ganun? Actually, yung panganay ko, mahilig siyang sumayaw. Yung bunso ko mahilig siyang kumanta, so iyon.
“Actually, yung panganay ko, meron na siyang mga short commercials lang, may mga ganun-ganun siya. Tapos, kaka-recital lang nila sa G-Force.”
Dahil dalawang babae ang kanyang anak, wala ba silang plano ni Joshua na magkaroon ng baby boy?
“Papasa ko na lang po kay CheChe yun,” at tumawa si Jopay.
Si CheChe Tolentino, kapwa Sexbomb dancer ni Jopay, ay malapit nang ikasal sa Fil-Am fiancé niya.
Read: SexBomb Cheche Tolentino set to join fiance in the U.S.
Kasama ng dalawa ang original SexBomb girls na sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia sa grupong MamaMo, isang all-mom P-pop girl group na biunuo para sa telecommunications company na ini-endorso nila.

sexbomb reunion
“Sobrang happy" si Jopay na makasama muli sina Rochelle, CheChe, at Sunshine sa isang endorsement.
"Kasi every time na lumalabas ako, every time na ini-interview ako, gusto ko talaga na kasama ko sila.
“Kumbaga part na iyan ng buhay ko, e, napaka-special nila sa akin.
"Kumbaga parang may times na talagang, siyempre, nakakalungkot na hindi kayo nagkikita-kita talaga dahil sa busy ng buhay.
“Kaya kapag itong magkakasama kami, gina-grab ko talaga yung opportunity na magkaroon kami ng bonding, ganun.”
May inaayos daw na reunion ang SexBomb Girls na, hopefully, ay magaganap ngayong taon.
“Planning,” pakli ni Jopay. “Oo. Nung dati, nabanggit ko na may concert, pero ngayon, planning kami ng SexBomb na, this time, matuloy na.”
Kumpleto sila?
“Praying din na makumpleto kami. Actually, yung sagot, manggagaling kay Rochelle,” at tumawa si Jopay.
“Kung i-squeal na namin yung dapat sabihin talaga, ayaw ko lang kasi magkamali.
“Pero siyempre sa mga supporters namin, gusto namin na matuloy o hindi, support sila pa rin.”
Ano ang feeling na hanggang ngayon, hindi nakakalimutan ng mga tao ang SexBomb?
“Sobrang nakaka-overwhelm kasi kahit nagkaroon na kami ng kanya-kanyang pamilya, nandiyan rin pa rin sila na sumusuporta sa amin.
“At hindi lang yun, maipapasa nila sa mga anak nila na talagang nakikita nila na, ‘Ay SexBomb iyan, alam mo ba yung anak ko,’ ganyan.
“Sobrang nakaka-proud lang talaga."
bini and sexbomb on one stage?
Hiningan din ng reaksiyon si Jopay sa sinasabi ng iba na bago ang BINI, ay may SexBomb muna.
“Parang oo naman po, kasi kami po talaga yung una, opo. Kumbaga kami yung first female group na nag-boom nung 2000.”
Maganda sigurong ideya na i-guest nila ang BINI sa kanilang reunion concert?
“Alam mo, gusto ko talaga kaso mahal sila,” at tumawa muli si Jopay. “Pero ang BINI kasi, ang nakakatuwa sa kanila, iba rin kasi yung atake nung sayawan nila.”
Ang SB19 ay nag-guest sa reunion concert ng Streetboys nitong Nobyembre 2024, so why not BINI with SexBomb?
“I-ano natin iyan, basta kakayanin ng budget, why not?
“Ano lang naman natin dito, pinaka-goal namin talaga is yung mapasaya yung mga fans ng SexBomb talaga, na talagang nandiyan sila hanggang ngayon sumu-support.”
JOPAY PAGUIA ON WORKING WITH MELAI CANTIVEROS
Tampok din sa Melai Cantiveros, na pangarap makatrabaho ni Jopay, sa MamaMo.
Patungkol kay Kapamilya comedienne, sabi ni Jopay sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Sobrang nakakatawa, nakaka-positive pag kasama mo siya.
“Kasi noong nakita ko siya, sabi ko talaga, ‘Uy, ngayon na-meet na kita,’ kasi nakasama siya ng asawa ko, si Joshua, sa isang teleserye din sa ABS."
Nagkatrabaho sina Joshua at Melai sa We Will Survive (2016).
Sa pagpapatuloy ni Jopay: “Sabi ko kay Josh, ‘Gusto kong ma-meet si Melai, mukhang mabuti siyang tao.’
“Kaya nung nagkasama kami sa trabaho, wow, ano, answered prayer.”
Nakausap ng PEP si Jopay sa official launch ng grupo noong June 25 sa Quirino Elementary School sa Quezon City.
Nasa event din ang dalawangf telco executives na sina Dhing Pascual, vice-president at business unit head, at si Ma. Lourdes Ramirez, VP at brand marketing head.
