Sa palitan ng “I do's” nauwi ang pagmamahalan nina Kiray Celis at ng longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia.
Ngayong Sabado, December 13, 2025, ibinahagi ni Kiray sa Instagram ang ilang larawan nila ni Stephan mula sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ikinasal ang dalawa sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Newport City Complex, Pasay City, na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Read: Kiray Celis sparks wedding buzz despite no real ceremony yet

CelebRITIES spotted at KIRAY-STEPHAN WEDDING
Sa Instagram Stories, sunud-sunod na ni-repost nina Kiray ang kuhang videos at pictures ng mga bisita sa kanilang kasal.
Read: Kiray Celis, handang mag-sorry sa na-offend sa prenup photo niya
Present sa espesyal na pagdiriwang ang mga nagsilbing principal sponsors na sina Maricel Soriano, Eugene Domingo, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Alex Castro, Senator Bong Go, at Chavit Singson.

Kabilang naman sa groomsmen sina Enchong Dee, Matt Lozano, Kirst Viray, at Christian Antolin.
Habang bridesmaids naman sina Yen Santos, Arci Muñoz, Xyriel Manabat, Gigi de Lana, at Winwyn Marquez.



Noong April 21, 2025, na-engage sina Kiray at Stehan matapos ang halos limang taon nilang pagiging magkasintahan.
