May magandang balita ang pamilya ni Noli de Castro para sa mga nakakakilala sa veteran newscaster.
"Okay" raw ang kundisyon ni Kabayan, saad ni Kat de Castro sa kanyang Facebook post ngayong araw, December 14, 2025.
Read: Noli de Castro resurfaces on Instagram after death hoax
Nagpasalamat din ang anak ng 76-year-old news personality sa lahat ng nag-alala.
“Thank you to everyone who prayed, messaged and called. [heart emoji] Dad’s okay. [praying hands emoji],” pahayag ni Kat.

Sa isang comment naman ay nilinaw niya na sumailalim ang Kapamilya broadcaster sa isang operasyon. Ngunit hindi na ibinigay ni Kat kung ang dahilan nito.

November 7, 2025 pa ang huling pagkakataon na lumabas si Kabayan bilang news anchor sa TV Patrol.
Read: Noli de Castro balik-TV Patrol simula sa January 9, 2023
Hindi ito ang unang beses na matagal siyang nawala sa TV Patrol.
Noong January ay ilang linggo siyang nagpahinga dahil sa sciatica, na isang injury sa nervous system.
Si Kat din ang nag-post sa Facebook noon tungkol sa kalagayan ng ama.
Noong November 2020 naman ay nawala siya sa programa dahil kinailangan niyang magpa-quarantine dahil sa posibleng COVID-19 infection.