Namataan muli sa publiko ang rumored couple na sina Chie Filomeno at Matthew Lhuillier.
Sa pagkakataong ito, nakita ang dalawa na masayang magkasama sa isang sportscar.
Read: Chie Filomeno in her healing era; Matthew Lhuillier reacts
Sa post ng TikTok user na si NoamChomsky23, makikitang nakasakay sina Chie at Matthew sa isang puting Porsche Speedster na nakababa ang bubong.
Si Matthew ang nagmamaneho, habang nasa passenger seat ang Kapamilya actress.
Nang makita ng kumukuha ng video ang dalawa ay agad nitong ibinaba ang bintana ng sariling sasakyan at tinawag si Chie.
Narinig naman siya nito at nginitian. Bumati rin ang businessman na nagmamaneho nang mabilis.
Nai-post sa TikTok ang seven-second video kaninang madaling-araw, December 14, 2025. Hindi malinaw kung kailan nakuhanan ang eksena.
@kgo102397 Tungod sa ka excited na Sheeee na noun nko si @C H I E . Sooo prettyyy!!! #highlight #chie ? original sound - NoamChomsky23
Sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naganap ang sighting sa Sergio Osmeña Jr. Blvd., sa border mismo ng Cebu City at Mandaue.
Hindi ito ang unang beses na nakita sa publiko ang rumored lovebirds.
Bandang dulo ng nakaraang buwan ay nakita rin sina Chie at Matthew na nagsa-shopping sa The Marketplace Oakridge sa Mandaue.
Read: Chie Filomeno spotted with rumored boyfriend Matthew Lhuillier
September ngayong taon nagsimula ang usap-usapan na nagde-date na ang 29-year-old Kapamilya actress at ang 28-year-old entrepreneur at tagapagmana ng M. Lhullier.