Blended family ang peg ng ex-couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Nagkasama ang dalawa sa piano recital ng kanilang anak na si Elias kagabi, December 14, 2025.
Kasama ni John Lloyd ang girlfriend na si Isabel Santos.

Proud parents sina John Lloyd at Ellen nang magpakuha sila ng litrato kasama si Elias sa stage.
Hawak ni Elias ang natanggap nitong "Certificate of Achievement" para sa piano recital.
Makikitang masaya si Elias na makapiling ang mga magulang.

Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert
JOHN LLOYD CRUZ BRINGS ISABEL SANTOS
Supportive tita naman si Isabel na kumuha rin ng videos ni Elias, at ni-repost pa ito ni Ellen sa Instagram Stories.
Makikitang kumaway pa si Elias kay Isabel nang makita nito ang kasintahan ng ama sa audience.
Dati nang nakaka-bonding ni Isabel ang anak ni John Lloyd na si Elias kaya masasabing kumportable ang bata kay Isabel.
Pagkatapos ng event, tila nagka-bonding pa sina John Lloyd, Isabel, at Ellen base sa litrato nila kasama ng ilang kaibigan ni Ellen.
May hiwalay ring litrato si Ellen at Isabel kasama ng mga kaibigan ni Ellen.
Kasama rin ni Ellen na nanood ng piano recital ni Elias si Lili, ang anak nila ng kanyang estranged husband na si Derek Ramsay.
Read: Eric Quizon reveals how adopted sister waived her 50% inheritance
ELLEN ADARNA ON ISABEL SANTOS, CO-PARENTING WITH JOHN LLOYD
Noon pa man ay bukas sa pagsasabi si Ellen na maayos ang co-parenting status nila ni John Lloyd.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2023, ibinahagi ni Ellen na nakikita niya si Isabel kapag sinusundo ni John Lloyd si Elias.
Read: Ellen Adarna on John Lloyd Cruz's girlfriend Isabel Santos
Noong panahong iyon ay wala pang tsansang magkasama-sama sila nina John Lloyd at Isabel.
Sinabi rin noon ni Ellen na "12 days a month" ang schedule noon ni John Lloyd para makapiling ang anak.
Recently, pinuri pa ni Ellen si John Lloyd sa pagiging "very present father" nito kay Elias.
