Mula nang pumutok ang balitang nagkapatawaran na ang club disc jockey na si Jellie Aw at ang negosyanteng si Jam Ignacio, hindi na sila tinatantanan ng netizens.
Halos lahat ng mga nagkokomentong netizens ay tila nag-aalala sa kalagayan ni Jellie matapos ang pambubugbog sa kanya ni Jam noong February 2025.
Read: Jam Ignacio, Karla's ex, accused of mauling fiancée Jellie Aw
Hindi man direktang tinukoy, tila kinumpirma ni Jellie ang balita.
Pasaring niya sa Facebook: "kakatuwa dami nyong Time sa buhay ko kung c Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak nya lang?"

JELLIE AW ENGAGES WITH BASHERS
Sa comments section ng kanyang Facebook post, may ilang komento ng netizens na sinagot si Jellie.
Walang prenong biro ng isa: "Ready na po kami mag condolence sa sunod na post. Eme hahahahahaha"
Tugon ni Jellie (published as is): "advance muna dzai haha"
Walang kaabug-abog na sagot ng netizen: "rip sayo"

Komento ng isa: "Nanggaslight pa kasi tangatanga."
Buwelta ni Jellie: "wag lang mataba at panget"

Hindi rin pinalampas ni Jellie ang malisyosong komento ng isang basher na nilagyan pa ng litrato ng DJ nang nabugbog ito.
Sagot ni Jellie: "lupet neto ah"

Komento ng isa pa: "Ready na sa ABUGBOG BERNA PART 2"
Natatawang sagot ni Jellie: "yes yea yow"

Read: Ogie Alcasid tearful at daughter Leila's second wedding
JELLIE AW-JAM IGNACIO RUMORED RECONCILIATION
Usap-usapang nagkabalikan ang dating estranged couple na sina Jellie at Jam matapos mag-post ni Jam sa kanyang Instagram Story nitong nakaraang December 15 tungkol kay Jellie.
Ayon sa post, hindi raw siya iniwan nito kahit may hindi magandang nangyari sa kanila.
Buong post niya (published as is): "Shout out sa tao hindi ako iniwan. Alam mo yan kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita"

Wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo kung nagkamabutihan na ba talaga silang muli.
Read: Jam Ignacio, Jellie Aw together again after "bugbugan" incident?
