PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magkakariton airs side on viral road rage incident

The complainant claims the pick-up driver appeared intoxicated.
by Bernie V. Franco
Published Dec 17, 2025
Viral road rage
“Sabi po niya papatayin niya po ako, tapos babarilin,” says complainant Crispin Villamor (inset), the magkakariton who was physically assaulted and verbally abused by a pickup driver in a viral video last weekend. Villamor also claims that the driver appeared intoxicated. The Land Transportation Office has since revoked the suspect’s driver’s license.
PHOTO/S: Mary Grace Aquilino via FB / 24 Oras

Nagsalita na ang magkakariton na sinaktan, minura, at binantaan ng isang motorista sa video na nag-viral kamakailan.

Kinilala ang magkakariton bilang si Crispin Villamor.

Nangyari ang insidente sa Barangay San Roque, Antipolo, Rizal, noong December 13, 2025, Sabado.

Sa viral video, maririnig ang paninigaw ng driver ng Toyota Hilux pickup truck kay Crispin, na noon ay kasama ang paslit na anak niyang babae.

Isang lalaki naman ang sinusubukang awatin ang driver, na binatukan pa rin nang malakas at minura pa si Crispin.

Kinilala ang driver bilang kapatid ng komedyanang si Pokwang, na nauna nang humingi ng sorry sa magkakariton at sa anak nito.

Read: Driver suspended after hurting magkakariton in front of his kid

Inilahad naman ni Crispin ang panig niya ukol sa insidente.

Tulak-tulak daw ang kanyang kariton nang makasalubong ang pickup truck, ulat sa 24 Oras noong December 15.

Muntik daw mabangga ang kanyang anak, na noong iniwas niya ay natamaan ng kanyang kariton ang pickup truck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Crispin, may pahaging siyang hindi napansin ng driver na muntik na itong nakabangga.

“Parang di niya po ako nakikita. Parang nung may bumangga na lang po ng sasakyan niya, saka lang po siya bumaba,” ani Crispin.

“Parang dun siya nabuhayan.”

Isiniwalat din niya ang mga narinig na banta: “Sabi po niya papatayin niya po ako, ‘tapos babarilin.”

Pero bukod daw sa pananakit, mas "masakit" para sa ama na nasaksihan ng anak ang mga nangyari.

"Magulang po tayo, e. Kasi parang pinapakita natin sa mga tao na ipinakita mo sa anak mo na hindi mo siya ipinagtanggol.”

Sabi naman ng uploader ng video na si Mary Grace Aquilino, kung hindi pa nakita ng driver na kinukunan siya ng video, marahil mas naging malubha pa ang mga sumunod na pangyayari.

Kahit kasi ang ginawang pang-aawat ng asawa ni Mary Grace ay walang epekto sa driver.

“Nag-antay po kaming mag-asawa mula umaga hanggang tanghali, baka mag-sorry [ang drayber], pero hindi po kasi nag-sorry… kaya naisipan ko po na i-post na lang, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung wala kami doon baka hindi lang po batok ang inabot niya. Nakita lang niyan na naka-camera ako, e, kaya iyan pumasok [ng sasakyan], pero nagbanta pa po iyon pagpasok niya.”

Ayon naman kay Police Captain Arniol Taga, chief investigator ng Antipolo-PNP, nagtungo sa kanilang himpilan ang driver para makipag-ayos sa biktima.

“Nagsadya rito para humingi ng paumanhin din, sabi niya ay nagkamali siya,” sabi ni Taga.

“Yung sinapak niya sa video, pumunta naman sa police station para linawin din yung isyu na inimbestigahan namin na sabi niya ay hindi na siya para magsampa pa ng reklamo.”

Nauna nang inisyuhan ng Show Cause Order at 90-day driver’s license suspension ang suspek habang isinasagawa ng Land Transportation Office (LTO) ang imbestigasyon.

Read: Pokwang apologizes after brother’s road-rage incident

DRIVER’S LICENSED REVOKED

Pero sa pinakahuling ulat, binanggit na ni-revoke o tuluyang binawi na ng LTO ang driver’s license ng kapatid ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Assistant Secretary at LTO Chief Markus Lacanilao, abuso ang ginawa ng driver.

Hindi raw naniniwala si Lacanilao na hindi alam ng driver ang kampanya ng Antipolo laban sa road rage, lalo pa’t residente roon ang huli.

“Ang sabi pa nga niya, hindi na niya uulitin. Pag inulit niya, siya na raw pupunta sa LTO.

“Kako, hindi pupuwede yung mga ganoon. Kako, ang lisensiya, hindi niyo karapatan iyan, pribilehiyo niyo na puwedeng bawiin anytime, lalo na ganyan ginagawa ninyo,” sabi ni Lacanilao sa ulat ng UNTV, December 17, 2025.

Giit pa ng LTO chief, hindi magandang ehemplo ang ipinakita ng driver na bumaba ng sasakyan, nagalit, nagmura, at nanakit.

Kung palalampasin daw ang ginawa nito ay maaaring maglakas-loob ang iba na gawin din ito.

Sinabi naman niyang maaaring umapela ang driver para hindi ma-revoke ang lisensiya nito, pero walang garantiyang magbabago ang desisyon.

Sinabi rin ni Lacanilao sa ABS-CBN interview na amoy alak umano ang driver, ayon sa complainant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Sabi po niya papatayin niya po ako, tapos babarilin,” says complainant Crispin Villamor (inset), the magkakariton who was physically assaulted and verbally abused by a pickup driver in a viral video last weekend. Villamor also claims that the driver appeared intoxicated. The Land Transportation Office has since revoked the suspect’s driver’s license.
PHOTO/S: Mary Grace Aquilino via FB / 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results