PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gomez speaks up about altercation with PH fencing chief

Richard Gomez: "Ang tanga ng decision-making nung presidente..."
by Rachelle Siazon
Published Dec 18, 2025
Richard Gomez speaks up about incident where he allegedly physically attacking and cursed at Philippine Fencing Association president Rene Gacuma.
Richard Gomez (left) on altercation with PFA president Rene Gacuma (right): "I was so mad. When a country is fighting for a medal, bakit mo ipapasok yung mas mahina na player? Yan ang sinasabi ko sa kanila, e."
PHOTO/S: @richardgomezph Instagram / Philippine Sports Commission Facebook

Inamin ng actor-politician na si Richard Gomez na nagkaroon sila ng "confrontation" ni Philippine Fencing Association (PFA) President Rene Gacuma.

Naganap ang insidente sa gitna ng 33rd South East Asian (SEA) Games sa Thailand noong December 16, 2025.

Unang inilabas ng TV5 ang CCTV footage kunsaan nasa bandang photo wall sina Richard at Gacuma sa venue ng fencing matches.

Namataang naglalakad palayo si Gacuma nang sumunod sa kanya si Richard, at saka ito binatukan ng actor-politician.

Si Richard, incumbent fourth district representative ng Leyte, ay tumatayong PFA director at Philippine Olympic Committee (POC) vice-president.

Kabilang din siya sa mga atletang lumahok sa SEA Games 2025. Nanalo ang team niya ng silver medal para sa sporting clays competition.

Read: Richard Gomez wins silver in SEA Games shooting event

RENE GACUMA CLAIMS RICHARD GOMEZ PHySICALLY ATTACKED HIM

Sa letter of complaint na isinumite ni Gacuma kay Raul Canlas, chef de mission ng Philippine delegation sa SEA Games, mababasa ang paliwanag ng una sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Gacuma, pinuntahan niya si Richard para i-congratulate ito sa napanalunang silver medal ng kongresista para sa shooting game.

Dito umano siya inapakan sa paa, pinisil nang madiin ang daliri, at saka minura ni Richard.

Lahad ni Gacuma sa bahagi ng liham: "When I extended my right hand to congratulate Mr. Gomez, he planted his right foot on my left foot, squeezed my right thumb very hard and said, ‘Who gave you the authority to replace that athlete? Na-take up ninyo ito sa Board Meeting in my presence?! P*tang *na mo Rene, g*go ka!"

Nang matanggal daw niya ang paa sa pagkaapak ni Richard, lumayo si Gacuma sa aktor.

Pero sinundan pa raw siya ni Richard at saka sinuntok sa bandang likod ng kanyang ulo, na sa pakiramdam niya ay "hard closed-fist right hook."

Tumaas daw ang blood pressure ni Gacuma kaya dinala siya sa medical station.

Nang nagpapa-check daw siya ng BP, dumating muli si Richard at kinumpronta siya roon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"While seated at the medical station and in the presence of the Thai medical volunteers, he literally capped my jawline forcefully with his right hand and said, 'Di mo alam ang ginagawa mo!'"

Sabi pa raw ni Richard sa kanya: "Wala ka alam sa pagiging atleta! Sisipain kita diyan! Alam ko saan ka nakatira!"

Read: Marie Lozano absuwelto sa kasong libel ni Gretchen Fullido

RENE GACUMA ON REPLACEMENT ISSUE

Ipinaliwanag pa ni Gacuma na ang ikinagagalit ni Richard ay ang pagpalit sa fencing athlete na si Alexa Larrazabal sa individual women's fencing match sa SEA Games.

Ang ipinalit kay Larrazabal ay ang atletang si Hannie Abella.

Ayon kay Gacuma, "unanimous" decision ng PFA directors ang replacement na iyon noong December 14.

Ang tinukoy niyang ibang PFA directors ay sina secretary general Leah Gonzalez, chairman Atty. Michael Abundo, at Carlos Angelo Dayrit.

Pormal na naisumite ang replacement decision noong December 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICHARD GOMEZ on alleged altercation

Sa eksklusibong panayam ni Cheryl Cosim para sa One Balita Pilipinas ng TV5 ngayong Huwebes, December 18, direktang tinanong si Richard tungkol sa insidente ng diumano'y pananakit niya kay Gacuma.

"Di ko nakita yung video, e. Pero nagkaroon talaga kami ng confrontation habang nag-uusap kami.

"I was so mad. When a country is fighting for a medal, bakit mo ipapasok yung mas mahina na player? Yan ang sinasabi ko sa kanila, e," waring naiinis na saad ni Richard sa panayam via phone patch.

Sa mga salita ni Richard, lumalabas na nasa rurok pa siya ng emosyon niya nang lapitan siya ni Gacuma.

"Siya yung lumapit sa akin. Nakatayo lang ako, e. Lumapit siya sa akin. So, nung lumapit siya sa akin, nakipagkamay siya sa akin.

"Sabi ko, 'Bakit ganun ang decision-making na ginawa ninyo?' That's how it started. Nilapitan niya ako...

"Lumalapit siya sa akin. Alangan namang halikan ko siya roon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kylie Padilla admits feeling jealous of sons’ closeness to AJ Raval

RICHARD GOMEZ MAD AT ALEXA LARRAZABAL REPLACEMENT

Ipinaliwanag ni Richard na ikinagalit niya ang biglaang pagtanggal kay Larrazabal na aniya'y "No. 1 fencer."

Lahad ni Richard: "Yung ginawa niyang decision, yung No. 1 fencer ng women’s fencing, si Alexa Larrazabal, the night before ng laban nila, bigla nilang tinanggal. As the No. 1 fencer, hindi nila pinalaro.

"So, sinabi ko sa kanya, kasi dati akong presidente ng [Philippine] Fencing Association, matagal din akong atleta ng fencing, never nangyari sa amin yan. Na ikaw ang No. 1 fencer, biglang hindi ka palalaruin.

"Sabi ko, 'Anong rason?' Sabi nila, kasi daw di nagte-training. Kasi di raw nila nakikita.

"Sabi ko, 'Iilan lang naman ang nagte-training sa ULTRA.' Sabi ko, 'It doesn't mean hindi niyo nakikita sa Manila, it doesn't mean hindi nagte-training yan.'"

Para kay Richard, "favoritism" ang basehan sa pagpili ng atletang ipinalit kay Larrazabal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Only to favor yung favorite nila na No. 4 na individual. E, yun ang favorite nila, so iyon ipinalit nila kay Alexa.

"So, ang nangyari, pagdating sa kahapon, natalo rin yung pinalit nila. Then today, naglaro yung fencing team, kasama si Alexa, she performed the best today."

Diin pa ni Richard: "Kaya ako nagagalit, e. Kasi ang tanga ng decision-making nung presidente.

"Hindi talaga atleta yan, e. Alam mo yung ibang klaseng decision-making."

Read: ABS-CBN signs deal with ALLTV, says TV5 partnership “settled”

ON ALLEGED BULLYING

Base pa rin sa paliwanag ni Richard, ang ikinainit pa ng dugo niya ay ang diumano'y pagpuntirya kay Larrazabal bago pa ang mismong SEA Games.

"Prior to that, months before that, binu-bully nila si Alexa. Sabi ko, 'You do not bully an athlete. Wag niyo babastusin yung mga athlete namin.'"

Sinabi ni Gacuma na pinag-iisipan niya kung maghahain siya ng reklamo laban kay Richard dahil sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot naman ni Richard: "Aba, sino ba naman ako para umatras? It is his right to file a complaint. Walang problema.

"Because ako, I'm also filing a complaint for emotionally hurting my athlete. Pa-file-an ko rin sila ng kaso for bullying our athlete.

"Atleta namin yan, e. Tinuruan namin.

"We spent money para gumaling yung atleta namin, tapos babastusin niya nang ganun, di niya palalaruin.

"Wala kasi silang ganung klaseng experience, e, kaya di sila marunong magdesisyon."

Read: Magellan, bigong makapasok sa shortlist ng Oscars 2026

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez (left) on altercation with PFA president Rene Gacuma (right): "I was so mad. When a country is fighting for a medal, bakit mo ipapasok yung mas mahina na player? Yan ang sinasabi ko sa kanila, e."
PHOTO/S: @richardgomezph Instagram / Philippine Sports Commission Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results