Masayang-masaya si Richard Gomez dahil matagumpay ang kanyang pagbabalik sa SEA (Southeast Asian) Games.
Ito ay dahil nanalo siya ng silver medal para sa sporting clays competition, kasama ang dalawang teammate, sa ginaganap na regional sports event sa Thailand ngayong araw, December 14, 2025.
Read: Richard Gomez hindi pa handa kung mag-aasawa na si Juliana
Ang sporting clays ay isang shooting competition kung saan kailangang barilin ng manlalaro ang mga lumilipad na target na gawa sa pinatuyong clay.
Naka-post sa official Facebook page ng City Government of Ormoc ang mga larawan kung saan makikitang nakangiti ang actor-turned-politician
Read: Richard Gomez's Love Note to Lucy on 26th Anniversary
Sa unang litrato ay kasama niya ang asawang si Lucy Torres-Gomez. Suot ni Lucy ang silver medal, habang hawak ng nakangiting si Richard ang isang trophy.

Sa pangalawang litrato naman ay kasama ni Richard ang kanyang mga teammate na sina Carlo Baltonado at Jed Rivilla, pati na rin ang ilang delegasyon ng Team Philippines sa SEA Games 2025.

Sa huling litrato ay mas marami nang tao ang kasama nina Richard at Lucy. Masaya silang nagpa-picture habang hawak ang Philippine flag.

Hindi ito ang unang beses na lumaban ang Leyte 4th District Representative sa SEA Games.
Noong 2005 ay kasama ang 59-year-old celebrity sa men’s epee team na nanalo naman ng gold medal. Ang naturang SEA Games fencing event ay naganap sa Pilipinas.
Narito ang buong caption ng post ng City Government of Ormoc:
“Proud moment for the nation as Team Philippines clinched the silver medal in the Sporting Clays Competition at the 33rd Southeast Asian Games in Thailand.
“The Philippine contingent is also composed of Ormocanons—Leyte 4th District Representative Richard Gomez, Carlo Baltonado, and Jed Rivilla.
“Congratulations, Team Philippines!”