Pumanaw na ang komedyanteng si Kuhol, Doughlas Arthur Supnet sa totoong buhay, dahil sa high risk pneumonia at komplikasyon sa hypothyroidism, nitong Lunes, December 22, 2025.
Siya ay 66.
Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla cross paths; Daniel brings Kaila
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Carol Supnet sa pamamagitan ng Facebook post, kung saan ibinahagi nito ang detalye ng burol ng kilalang komedyante.
Mababasa sa caption ng post ni Carol, kalakip ang larawan ni Kuhol (published as is): "Share your laughter in heaven, Manong Philip...We will miss you our 'little-big' brother... We love you... May you rest in peace, Amen."

Nakalagak ang mga labi ni Kuhol sa Ascension of Our Lord Parish sa Quezon City mula December 23 hanggang 26.
Read: Zack Tabudlo addresses “smelly,” "bad odor" comments
KUHOL'S LEGACY
Kilala si Kuhol sa kanyang sidekick roles sa pelikula at telebisyon noong dekada 1990 at 2000.
"Kuhol" ang naging bansag sa kanya dahil sa makapal niyang labi at nakaaaliw na mga ngiti.
Una siyang nakilala sa TV show noong '80s na Mongolian Barbecue, kung saan gumanap siya bilang sidekick ni Mr. Shooli, ang karakter na pinasikat ni Jun Urbano.

Kabilang naman sa mga pelikulang ginawa niya ang Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue (1991), Juan & Ted: Wanted (2000), Matalino Man Ang Matsing Naiisahan Din (2000), Daddy O, Baby O (2000), at Walang Iwanan… Peksman! (2002).
Read: Rikki Mae Davao mourns deaths of dad Ricky, uncle Bing
