Maraming netizens ang humanga sa magandang handwriting ng namayapang National Artist at Superstar na si Nora Aunor, base sa liham nitong ibinahagi ng anak na si Lotlot de Leon.
Makikita sa liham na isinulat ito ni Nora noon pang August 3, 1988, o may tatlumpu't pitong taon na ang nakararaan.
May iba pang liham na napatungan ng ibinahaging liham ni Lotlot.
Mababasa sa sulat ni Nora para kay Lotlot: "Dearest Baby,
"Cheer up!
"Right this instant, someone somewhere is thinking of you."
Caption ni Lotlot: "Letters from mom"
View this post on Instagram
Read: MMFF 2025 Box-Office Update: Call Me Mother umalagwa sa first day
NETIZENS admire HANDWRITING OF NORA AUNOR
Humanga ang ilang followers ni Nora sa plakadong sulat ng Superstar.
Sabi ng isa: "A Mother’s love.. You are the first reason that made her a wonderful and extraordinary Mom. @ms.lotlotdeleon My heart melts, the sweetest as ever!
"Thanks for sharing this Ms.Lot, kasama mo kami sa pag-alala at nag mamahal lagi sknya. And her handwriting is so beautiful, the strokes and the lines parang calligraphy."

Puro papuri halos ang mga komento sa post ni Lotlot.

Suhestiyon ng isa pa: "@ms.lotlotdeleon dalhin mo ke boss toyo for sure bilhin nia yan."
Diretsahang sagot ni Lotlot: "it’s not for sale and will never be"

Read: Kim Chiu celebrates Christmas sans sister Lakam
NORA AUNOR AND BOSS TOYO ENCOUNTER
Noong October 2024, nagkita sina Nora at Boss Toyo sa shop ng content creator kaya siguro naisip ng netizen na malaki ang value ng mga sulat ng namayapang Superstar.
Pumunta roon si Nora para pirmahan ang Nora Aunor dolls na nabili ni Boss Toyo mula sa fans ng Superstar.
Bilang sukli ni Boss Toyo ng pagpirma ni Nora ay ang pagpapaabot ni Boss Toyo ng PHP250,000 bilang donasyon sa pamimigay ni Nora ng relief goods sa Bicol.
Gusto raw ni Ate Guy na madagdagan ang kanyang mga nalikom na pondo para marami siyang maipadala sa mga kababayan sa Bicol.
Sa ulat ng PEP Troika, hindi raw pumunta si Nora sa shop dahil sa artista siya, kundi isang simpleng tao lang daw na gustong makatulong sa mga binagyo sa Bicol.
Aniya kay Boss Toyo: “Pare-pareho lang po tayo. Wala pong superstar… wala pong artista sa pag-uusap po natin. Ordinaryong tao lang po tayo.”
Read: Nora Aunor nagulat sa presyo ni Boss Toyo sa kanyang lumang damit
