PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Are Marco Gumabao and Yukii Takahashi an item?

Marco was previously in a relationship with Cristine Reyes.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 2, 2026
Are Marco Gumabao and Yukii Takahashi an item?
Eagle-eyed netizens are buzzing over Yukii Takahashi’s recent Instagram post, sparking speculations about her relationship with actor Marco Gumabao.
PHOTO/S: Yukii Takahashi on Instagram

May namamagitan ba kina Marco Gumabao at Yukii Takahashi?

Ito ngayon ang tanong ng maraming netizens matapos i-upload ni Yukii sa kanyang Instagram nitong Huwebes, January 1, 2026, ang kanyang "holiday recap" tampok ang ilang litrato nila ni Marco.

Bakas sa dalawa ang pagiging malapit at komportable sa isa’t isa, lalo na sa group photo kunsaan nakayapos si Marco sa balikat ni Yukii.

Kasama ang pamilya ng aktor sa okasyong iyon.

Partikular na makikita sa larawan ang ina ni Marco na si Loli Gumabao, pati ang nakatatandang kapatid na si Michele Gumabao at asawa nitong si Aldo Panlilio.

Naroon din ang kapatid ni Marco na si Margarita Gumabao at fiancé nitong si Gerry.

Are Marco Gumabao and Yukii Takahashi an item?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Aldo Panlilio, Michele Gumabao, Yukii Takahashi, Marco Gumabao, Loli Gumabao, Margarita Gumabao, and Gerry (left to right).
Photo/s: Yukii Takahashi on Instagram

Isa pang selfie sweet photo ang ini-upload ng dating FPJ's Batang Quiapo star na si Yukii kasama si Marco habang sila ay nasa lugar na ang overlooking view ay sa Taal Lake.

Are Marco Gumabao and Yukii Takahashi an item?
Photo/s: Yukii Takahashi on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng post ni Yukii ay kapansin-pansin ang comments ni Marco.

Tatlong red heart emoji ang kinoment ng aktor, bagay na nireplayan naman ni Yukii ng smiling face with hearts emoji.

Are Marco Gumabao and Yukii Takahashi an item?
Photo/s: Screengrab Yukii Takahashi on Instagram

NETIZENS' REACTION

Mabilis din na bumuhos ang pagsuporta ng mga tagahanga ng dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ay kahit hindi pa malinaw kung magnobyo at magnobya na ba sina Marco at Yukii.

Ayon sa kanilang fans, bukod sa bagay ang dalawa ay parehas naman daw na single ang mga ito kaya hindi imposible na magkagustuhan.

Saad ng isang netizen, "Bagay kayo. Stay strong mga idol."

"Grabe may humabol pa sa 2025," sabi ng isa.

Dagdag pa ng isa (published as is), "mHie and dHie super hard launch!!"

MARCO'S PAST RELATIONSHIP

Ang aktres na si Cristine Reyes ang huling nakarelasyon ni Marco.

March 2023 nang magsimulang maging bukas sina Marco at Cristine tungkol sa kanilang relasyon.

Read: Cristine Reyes describes Marco Gumabao as "perfect boyfriend"

Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga litrato nila na nagbabakasyon sa Siargao, at maiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na namataan silang magka-holding hands sa Makati City.

Pagsapit ng April 2025 ay napabalitang naghiwalay sila nang i-unfollow nila ang isa't isa sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon ding buwan na iyon ay nag-follow back ulit sila.

Read: Cristine Reyes, Marco Gumabao follow each other on IG again

Ganunpaman ay hindi tuluyang nawala ang espekulasyong break na sina Cristine at Marco.

Hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig nina Cristine at Marco kung ano ang dahilan at kung kailan sila nagkahiwalay.

Sa kasalukuyan, may bago nang napapabalitang boyfriend si Cristine, ito'y walang iba kundi si Gio Tingson.

Read: Cristine Reyes calls Gio Tingson "the right person"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eagle-eyed netizens are buzzing over Yukii Takahashi’s recent Instagram post, sparking speculations about her relationship with actor Marco Gumabao.
PHOTO/S: Yukii Takahashi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results