Nagbigay-aliw sa netizens ang viral "na-Pepito" moment ng Kapuso comedian na si John Feir matapos siyang mapunta sa maling kasal.
Naganap ang nakatatawang insidente matapos magkamali si John sa pagbasa ng wedding invitation ng kaibigan at co-star sa Pepito Manaloto na si Mikoy Morales.
Nitong weekend ay ibinahagi ni Mikoy sa social media ang larawan ni John na naka-Barong Tagalog.
Ikinuwento rin niya ang naging pagkakamali ni John, na inakalang January 3, 2026, ang petsa ng kasal ni Mikoy sa kanyang non-showbiz partner na si Isa Garcia.
Pero sa March 3, 2026 pa pala ito gaganapin.
Read: Mikoy Morales now engaged to non-showbiz girlfriend
Mababasang post ni Mikoy sa Facebook (published as is): "Nananawagan po kami: Kung sinuman ang kinasal kaninang 4pm nang hapon sa Don Bosco, Makati, baka po puwedeng makahingi ng kopya ng SDE (same day edit).. Andun po si John Feir, siya lang ang nakabarong.
"Kwento: Sa March pa ang kasal at ang nakalagay sa invitation ay, 'Please RSVP on or before Jan 3.' Eh Jan 3 lang yung nabasa. Ayun, dumating kanina.
"Pag dating niya lahat naka-suit, siya lang ang naka-barong. Pina-gitna pa siya at ginandahan daw ng anggulo yung pagkuha sa kanya ng photo/video.
"Wala siyang nakilala at iba daw hitsura ng groom. Tsaka lang tumawag kay Chariz Solomon para magtanong at magkwento at ayun nga, confirmed: Na-Patrick siya in real life.
"Kaya advance thank you sa pag punta, kuya John! I-kain mo na lang yan ng hatdog!"
John Admits misreading Mikoy's invitation
Ikinatuwa ng maraming netizens ang pagkakamali na ito ni John, na gumaganap bilang Patrick sa Pepito Manaloto.
Read: Vice Ganda claps back at netizen over viral “Sino 'to?” video
Nitong Lunes, January 5, nakapanayam ni Mikoy si John sa YouTube channel ng GMA-7 na YouLOL.
Dito ay ikinuwento ng komedyante ang buong pangyayari.
Ayon kay John, excited siyang masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Mikoy at Isa kaya tinanggihan niya ang ilang kaibigang nag-aaya sa kanya noong araw na iyon.
Pagbabalik-tanaw niya: "Meron akong in-attend-an na golf [game], laruo-laro lang noong umaga.
"Sabi nila, 'Kumain ka na dito ng tanghali.' Sabi ko, 'Hindi pupuwede. Kasal nung kasama ko sa Pepito, si Mikoy.'
"Nag-ano pa sila, 'Best wishes pakisabi, ha.'
"Pag-uwi ko sa bahay, wala pa, hindi pa plantsado, pinlantsa ko yung Barong. Plinantsa ko yung slacks, nagpagupit pa ako. Nag-ahit pa ako.
"Pero the day before, tinawagan ko si Direk Ronnie. [Sabi ko], 'Direk, kasal ni Mikoy bukas.' Sabi niya, 'Ha, ano ibibihis mo?”
Ang tinutukoy na "Direk" ni John ay si Ronnie Henares, na gumaganap na Tommy sa flagship Kapuso sitcom.
Read: Michael V reveals Pepito Manaloto is inspired by John en Marsha
Pagpapatuloy ni John: "Fast forward, eto na, sabi ko kay Misis, 'Ano na, mali-late na ako.'
"Kasi umalis ako ng bahay [sa] Parañaque mga 3:15 P.M. na. Tapos naalala ko sa wedding invitation mo [Mikoy], 'Strictly 4 P.M. will start.'"
Pagdating daw ni John sa Don Bosco Church sa Makati, doon na niya unti-unting napagtanto na may mali.
Lahad niya kay Mikoy: "Pagpasok ko nang ganun, hinahanap ko si Chariz [Solomon] at saka si Juancho [Trivino]. E, ayun kasi ang nakalagay sa invitation mo.
"'Naku, wala, baka nandoon lang sa harap yon,' sabi ko sa sarili ko. Tapos, nakita ko agad yung kinakasal. Sabi ko, 'Ay, nagpagupit si Mikoy.'
"Tapos lumapit yung may radyo. Sabi, 'Sir, dito po tayo. Nakita ko may nagka-camera, may nagbi-video na ganun."
Read: Are BINI Jhoanna and rapper Skusta Clee together in Vietnam?
Lalo raw siyang kinabahan nang mapansin niyang siya lang ang naka-Barong Tagalog habang ang iba ay naka-suit.
Aniya, "Tinitingnan ko pa rin yung groom.. .Tapos, nakita ko lahat ng tao naka-suit, ako lang yung naka-Barong. Sabi ko, 'Teka lang, ha.'"

Nang mapansin ang pagkakaiba niya sa mga bisita, agad daw tinawag ni John ang isang cameraman para itanong dito kung si Mikoy nga ba ang kasalukuyang ikinakasal.
Ipinakita daw sa kanya ang litrato ng bride at groom—at doon nakumpirma ni John na maling kasalan ang napuntahan niya.
Pahayag ni John: "Hindi ako puwedeng magkamali, ngayon yung kasal, January 3, 4 P.M.
"Doon ko na in-open yung link [na sinend mo], kasi hindi naman ako mahilig sa link-link, di ba, kaya ako nagpatulong sa yo.
"Pinindot ko yung link. Pagsilip ko ng link, nakita ko kayo mag-asawa sa picture, 'March' [ang nakalagay]."
John laughs off his BLUNDER
Nang makumpirmang hindi sina Mikoy at Isa ang ikinakasal ay agad-agad na raw lumabas ng simbahan si John.
Sa sobrang hiya, tinawagan pa raw niya si Chariz Solomon, na gumaganap bilang asawa niya sa Pepito Manaloto.
Lahad ni John: "Sabi ko, 'Nak?' Sagot ni Chariz, 'Tay, bakit?'
"Sabi ko, 'Na-Pepito ako. Um-attend ako ng kasal ni Mikoy, March pa pala. Nasa Don Bosco Church ako ngayon.
"Tawa nang tawa si Chariz, hindi na siya makapagsalita.
"Umuwi na rin ako sa bahay. Sa kotse, hindi ako nagsasalita. Hindi talaga ako makapaniwala na nangyari sa akin yon.
"Pag-akyat ko sa bahay, halakhak na ako. Ang tagal kong tumatawa.
"Hindi talaga ako makapaniwala, sa March 3 pa pala ang kasal, akala ko January 3."
Read: Carla Abellana’s wedding cake is actually a trend in the U.S.
Sa huli, humingi ng paumanhin si John sa groom at bride ng kasal na napuntahan niya.
Sabi niya, "Babatiin ko lang ng best wishes yung couple. Pasensiya na rin kayo na ganun yung nangyari.
"Ganumpaman, wini-wish namin yung magandang buhay niyo, biyayaan nawa kayo ng magagandang anak."
