Hindi naging ganun kasaya ang holiday vacation ni Nikko Natividad at ng kanyang pamilya sa Japan dahil nagka-seizure ang one-year old baby niyang si Aiz Shelby.
Sa Japan sinalubong ni Nikko, asawang si Cielo, at mga anak na sina Aiden at Aiz ang Bagong Taon.
Nataon din na first birthday ni Baby Aiz.
Noong December 31, 2025 ay nag-post si Cielo sa Instagram ng larawan nilang mag-anak sa Japan.
Kalakip nito ang mensahe niya para kay Baby Aiz: "A year ago, God gave us you.
"Happy 1st Birthday to our baby, our answered prayer. Daddy, Mommy, and Kuya love you beyond words. You made our family complete."
View this post on Instagram
Read: Randy Lawyer strongly denies Melanie Marquez's abuse allegations
NIKKO NATIVIDAD RECALLS ORDEAL
Noon namang January 3, 2026, nag-post sa Instagram si Nikko ng larawan niya na karga-karga si Baby Aiz habang nasa pasilyo ng isang ospital.
Kuwento niya sa caption, biglang nag-seizure ang anak habang nasa isang restaurant sila.
Humingi raw siya ng tulong pero hindi raw sila nagkaintindihan ng mga taong nandun.
Post ni Nikko (published as is): "Nag-seizure baby namin habang kumakaen kame sa restau. Sobrang taranta namin at sumusigaw na para humingi ng tulong at ambulansya.
"Mahirap dahil hindi nila kami maintindihan kahit english.
"Buti at may ambulansyang malapit.
"Sobrang panlalambot ko at wala ako iba makita kung di ang anak ko lang na nakatirik na at halos 2mins syang hindi humihinga at nagkulay violet na."
Paalala pa niya sa netizens: "Sa mga nandito rin sa japan mag ingat po tayo lalo na sa mga may bata at malakas pala ang viral infection ngayon at influenza dito sa japan."
View this post on Instagram
Read: Carla Abellana’s wedding cake is actually a trend in the U.S.
Netizens' reactION
Nagbigay naman ng opinyon ang ilang netizens sa post ni Nikko.
Ayon sa isang nagkomento, uso raw ang influenza sa Japan kapag winter o malamig ang panahon.
Ipinaalala pa nitong namatay ang Meteor Garden star na si Barbie Shu matapos dapuan ng flu habang nagbabakasyon sa Japan noong nakaraang taon.
Read: Meteor Garden star Barbie Hsu dies at 48
Babala ng netizen (published as is): "Magiingat Kayo dito sa Japan uso ang influenza if ever na papasyal kayo lalo winter mas ok na mapabakunahan specially ang kids at kayo na din last year namatay si Barbie Shu dahil sa flu na yan at binalewala nya mainam na nagpunta kayo agad sa hospital if ever na may maitutulong kahit sa pag translate ng words pwede nyo po ako message"

Ayon sa isa pa (published as is): "Ang hirap dyan holidays sa japan sana may travel insurance na lagi ready don’t worry ang hospital at doctor dto sa japan di kayo papabayaan magagaling cla at aasikasuhin kayo agad. Pag travel sana always ready sa gamot lalo na may baby kasama malamig pa nman dto sa japan patapos na ang implu. Kaso uso nman ang trangkaso kc sobra lamig"

Read: Robi Domingo, Maiqui Pineda expecting their first child
NIKKO'S BABY DIAGNOSED WITH PNEUMONIA
Ngayong Martes, January 6, nagbigay ng update si Nikko tungkol sa kalagayan ni Baby Aiz.
Ayon sa aktor, nagka-pneumonia ang kanyang anak.
Pagbabahagi niya: "Nag ka pneumonia sya. Pero buti at hindi pa malala. Be strong bebelove.
"Kaya palagi kong dasal ang good health at syempre wag ako mawalan ng trabaho o pagkakakitaan dahil napaka hirap ng walang pampagamot dahil wala naman taong hindi tinatamaan ng sakit."
View this post on Instagram
