Ibinahagi ni Jopay Paguia ang rason ng asawang si Joshua Zamora kung bakit pumatol ito sa basher.
Ito ay kaugnay ng pagtawag ng isang basher kay Jopay ng "pipityuging babae" at sa "dancer lang nabagsak" si Joshua.
Sa kanyang guest appearance sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, January 8, 2025, sinabi ni Jopay na hangga't maari ay ayaw ng negatibong usapin ng kanyang ng mister.
Hindi raw mapagpatol si Joshua sa netizens na naninira sa kanila, pero dahil sumobra na ang isang basher, sinagot na ito ng dancer-actor.
Saad ni Jopay: "Si Joshua po kasi, hindi talaga siya pumapatol ever talaga sa mga ganyan, kasi parang mababaw, ganyan.
"Pero sabi kasi sa akin ni Josh na kaya daw niya sinagot yun, nakita niya kasi yung hardwork ko, yung pagiging nanay ko sa lahat ng aspeto, sa bahay.
"Parang hindi ko daw po deserve na sabihan ng ganun."
Read: Michael Pacquiao's girlfriend breaks silence on age-gap issue
JOSHUA ZAMORA'S ANSWER TO BASHER IN DECEMBER 2025
Noong December 2025, hindi pinalampas ni Joshua ang isang basher na may mapanirang komento tungkol sa asawang si Jopay.
Sabi sa komento, nasayang lang daw si Jason dahil napunta ito sa isang "pipityuging babae."
Marami naman daw babaeng nagkagusto sa kanya noon na mga titulado, pero bakit sa isang "dancer lang nabagsak."
Akusasyon pa ng basher: "Naghihirap tuloy."
Buong komento ng basher: "Sayang talaga si Joshua napunta lang sa pipityuging babae. Ang daming babaeng politicians at doctors na may gusto sa knya. Pero sa isang dancer lang nabagsak. Naghihirap tuloy."

Sina Joshua at Jopay ay parehong miyembro ng sikat na dance groups.
Si Joshua ay bahagi ng Maneouvres habang si Jopay ay kabilang sa SexBomb Dancers.
Hindi man kanais-nais ang mga salitang ginamit ng basher, naging marespeto pa rin si Joshua sa pagsagot dito sa pamamagitan ng isang open letter.
Gumamit siya ng mga salita ng Diyos upang paliwanagan ang basher.
Ayon kay Joshua, hindi niya sinusukat ang isang tao base sa propesyon nito o kung karespe-respeto ba ito sa lahat.
"Diyos" lamang daw ang nakakakita ng tunay na halaga ng isang tao.
Saad ni Joshua: "Salamat sa opinyon mo, pero hindi ko sinusukat ang halaga ng isang tao base sa trabaho, titulo, o kung gaano siya ‘kagalang-galang’ sa paningin ng mundo.
"Ang tunay na halaga ng tao ay nakikita ng Diyos, hindi ng tao. Sabi nga sa 1 Samuel 16:7, ‘People look at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.’"
Idiniin din ni Joshua na sa tamang tao siya napunta dahil ang kanyang napangasawa ay bigay ng Diyos.
Aniya: "Hindi ako napunta sa ‘mali.’ Pinili ko ang taong tapat, nagmamahal, at kasama kong lumalaban sa buhay.
"At kung titingnan natin ang Bible, malinaw na ang tunay na pagpapala ay hindi nakadepende sa kayamanan o posisyon.
"Eto basa sa Proverbs 19:14, ‘A prudent wife is from the Lord.’
"Kaya imbes na manghusga sa itsura o trabaho, mas pipiliin ko pa rin yung taong ibinigay ng Diyos at kasama kong nagtatayo ng tahanan at pananampalataya.
"Sabi nga sa Ecclesiastes 4:9, ‘Two are better than one, because they have a good return for their labor.’"
Hinikayat din ni Joshua ang basher na rumespeto sa iba.
Pagtatapos niya, "Respeto lang po. Hindi natin kailangang ibagsak ang ibang tao para suportahan ang opinyon.
"Pinipili ko ang pag-ibig, kapayapaan, at pasasalamat sa biyaya ng Diyos.”
Read: Joshua Zamora responds to rude comment of basher about wife Jopay
