PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Report: TV executive Jane Basas leaves MediaQuest

Jane Basas will be moving to another company of MVP Group, says another report.
by Arniel C. Serato
Published Jan 9, 2026
Jane Basas resigns from MediaQuest
Report claims MediaQuest President and COO Jane Basas has allegedly exited the company as Manny V. Pangilinan (right) weighs next move.
PHOTO/S: Instagram

Isang ulat ang lumabas ngayong araw, January 9, 2026, kung saan umalis na raw sa MediaQuest si Jane Basas, ang president and chief executive officer ng kumpanya.

Ang MediaQuest ang mother company ng mga media arm ng MVP Group of Companies, kabilang ang TV5, The Philippine Star, at BusinessWorld.

Ayon sa ulat ng InsiderPH, bumaba umano si Basas sa kanyang puwesto at nilinis na rin daw ang kanyang opisina sa TV5 headquarters sa Mandaluyong City.

Jane Basas with Manny Pangilinan of MVP Group during the November 2025 signing of their collective bargaining agreement of TV5 employees union.
Jane Basas with Manny Pangilinan of MVP Group during the November 2025 signing of their collective bargaining agreement with TV5 employees union.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanang-kamay ni Manny V. Pangilinan sa MVP Group na si Ricky Vargas ang pansamantala umanong mamamahala sa MediaQuest.

Wala pang opisyal na pahayag hinggil sa dahilan ng di pa kumpirmadong pag-alis ni Basas sa MediaQuest, subalit may mga impormasyong nagsasabing posibleng may kaugnayan ito sa maagang pagtatapos ng ABS-CBN–TV5 content partnership agreement nitong Enero 2, 2026.

Ang naturang kasunduan ay orihinal na nakatakdang tumagal hanggang 2027.

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

Dagdag pa sa ulat, nais daw ni Jane na pamunuan ang dalawang kumpanya ni MVP, ang MediaQuest at Smart-PLDT, kung saan meron siyang "senior leadership role."

Pero wala raw kasiguruhan kung ganito nga ang mangyayari.

PEP ASKS AROUND about alleged jane basa's exit

Nagtanung-tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga posibleng may alam sa isyu.

Ayon sa mga sources, ngayong araw rin lang daw nalaman sa loob ng MediaQuest ang tungkol dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang sabi raw ng top management, naka-leave si Jane hanggang January 31, 2026.

At nakasanayan daw nitong maglinis ng opisina tuwing Bagong Taon, kaya’t hindi raw binigyang-kahulugan ng mga kakilala sa trabaho.

Samantala, tungkol sa rason sa umano’y pagbibitiw ni Jane, may nakapagsabi sa PEP na bukod sa aborted partnership sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN, posibleng may kinalaman din ang box-office performance ng Manila’s Finest, isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025.

Ang MQuest Ventures, isang subsidiary ng MediaQuest, ay kabilang sa mga producer ng pelikulang hindi umano nakapagtala ng malakas na kita.

Read: TV5: "ABS-CBN has failed to pay what is due."

Wala pang pahayag na inilabas ang MediaQuest at TV5 ukol sa balitang ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Report claims MediaQuest President and COO Jane Basas has allegedly exited the company as Manny V. Pangilinan (right) weighs next move.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results