Naglabas ng saloobin ang singer na si Janine Berdin dahil sa hindi matapus-tapos na panlalait at batikos sa kanya ng ilang netizens.
Tila hindi pa nakaka-move on ang kanyang bashers dahil sa pagpaparetoke niya noon.
Sa Facebook noong January 6, 2026, ipinaalala ni Janine sa folowers niya na walong taon na ang nakalipas mula nang manalo siyang grand champion sa "Tawag ng Tanghalan" ng It's Showtime noong June 2018.
May nabasa raw kasi siyang komentong nagsabing hindi na nila makilala ang dating Janine sa "Tawag ng Tanghalan."

Panimula ni Janine sa kanyang post: "Pa-rant BAHAHA: Andaming tao sa comments ko na 'WALA NG TRACE NG JANINE SA MUKA NYA'
"behhh I was around 15 years old when you saw me on TV. 16 years old ako nung nanalo ako sa TNT, 8 years ago yun. I’m 23 now bro"
Diin pa niya, ilong lang ang ipinaayos niya sa kanyang mukha at wala nang iba.
Read: Janine Berdin admits nose enhancement: “Sobrang happy ako sa self ko ngayon.”
"Ilong lang pinaayos ko pre kasi trip at afford ko bakit ba. Tska pri makeup yan pri turuan ko nalang kayo magmakeup pri para di na kayo mainggit pri
"Magkakamukha na raw kami lahat pero huhuhu sila rin naman magkakamukha - mga weirdo usually mga questionable talaga yung mga itsura ng mga nambabash huhuhu"
Read: Report: TV executive Jane Basas leaves MediaQuest
JANINE BERDIN: all love to the people who see me for who I am
Ayon pa sa singer, insecure lamang ang mga taong laging pinupuna ang iba.
"No secure, happy and BEAUTIFUL person has the time to spread hate. So you guys are really just telling on yourselves blehhhh
"but all love to the people who see me for who I am I’m really just here for the music Lol.
"But so what if you want to color your hair orange, decide to switch up your style, or wear a frickin wig bro? Like honestly no one should care.
"Do shit for yourself cuz this life is yours - the coffin only has space for one."
Sana raw ay pagtutuunan na lamang ng pansin ng bashers ang pag-aalaga sa kanilang sarili.
"Be so obsessed with taking care of yourself and you’ll also grow for the better.
"Baka kase napabayaan nyo na sarili nyo kaya magkaiba tayo ng evolution pri…………………..Wag agalet
"'You’ve changed.' Isn’t that the point of not being 16 anymore?" mensahe ng singer.
Read: Heart Evangelista reacts to "nakagat ng garapata" news about her
