Pinabulaanan ni Becky Aguila ang kumalat na isyung diumano'y hindi maganda ang relasyon ni Jennylyn Mercado sa pamilya ng asawang si Dennis Trillo.
Sina Jennylyn at Dennis ay parehong nasa pangangalaga ng Aguila Entertainment, ang talent management company na itinatag ni Becky at ngayon ay pinamamahalaan ng anak ni Becky na si Katrina Aguila.
Ayon sa tismis, hindi bet ng mga kapamilya ni Dennis si Jennylyn.
Nauna itong lumabas sa Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube nitong nakaraang January 8, 2026.
May nagparating lamang daw kay Ogie ng tanong kung gaano katotoong hindi okay si Jennylyn sa kanyang in-laws o sa mga magulang ni Dennis.
Sa apat na taon nilang magkasama bilang mag-asawa, hindi raw nagparamdam si Jennylyn sa pamilya ni Dennis.
At kumalat na nga ito sa iba't ibang Facebook pages.

Read: Marian Rivera says “power couple” blind item not her and Dingdong
BECKY AGUILA ON JENNYLYN-DENNIS ISSUE: NOT TRUE
Sa Facebook ngayong araw, January 10, ipinagtanggol ni Becky ang alagang si Jennylyn laban sa mga nagpakalat ng tsismis.
Wala raw itong katotohanan.
Napakabait at napakamarespetong tao daw ni Jennylyn.
Private daw ang pamilya ni Dennis at huwag na raw sanang kaladkarin sa intriga.
Buong pahayag ni Becky: "Not true…
"Jen is the most genuine, sweetest, nicest, most loving, kindest, respectful and generous alaga i have.
"I've personally seen and witnessed how she takes care of everyone.
"It’s 2026. Spread love and joy! Wag ganyan. Dennis’s family is very private. Wag sila idamay."

Read: Traslacion 2026: Debotong hinimatay at nahulog, safe na
