Naglabas na ng arrest warrant ang Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court Branch 26 laban kay Atong Ang at labimpitong (17) iba pa dahil sa kasong kidnapping with homicide.
Ito ay kaugnay ng missing sabungeros case.
Walang piyansa ang nasabing kaso.
Base sa dokumentong nakuha ng GMA News, na inilabas ng korte noong January 13, 2026, kasama sa mga address ni Atong ang mga bahay nito sa Muntinlupa City, Laguna, at Batangas.
Nakasaad sa warrant: “The bail for the release of the accused in this case is fixed at NOT BAILABLE for kidnapping with homicide."
Ipinag-utos din ng korte na magsuot ng "body-worn cameras" ang law enforcement officers na magsasagawa ng aresto.
Pirmado ni Presiding Judge Mary Jean T. Cajandab-Ong ang arrest warrant laban kina Atong.

Read: Beauty believes Ellen does not need support after separation
ATONG ANG AND THE MISSING SABUNGEROS CASE
Bukod kay Atong, 17 indibidwal pa ang pinapaaresto ng korte.
Kasama rito sina Boss AA, Rogelio Teodoso Borican Jr., Mark Carlo Evangelista Zabala, Rodelo Antipuesto Anig-Ig, Emman Cayunda Falle, Julios Tagalog Gumolon, Ronquillo Pacot Anding, at Ryan Jay Eliab Orapa.
Nasa listahan din sina Aaron Ezrah Lagahit Cabillan, Mark Anthony Aguilo Manrique, Anderson Orozco Abary, Michael Jaictin Claveria, Edmon Hernandez Muñoz, Farvy Opalla Dela Cruz, Renan Lagrosa Fulgencio, Alfredo Uyandes, at Joey Natanauan Encarnacion.
Sa ngayon, naka-deploy na ang mga pulis na magsisilbi ng arrest warrant laban kay Atong at iba pang mga akusado.
Sabi ni PNP Acting Chief Jose Nartatez Jr., "The dedicated teams of the PNP are now on their way to implement the warrant of arrest.”
Noong December 2025, naghain ng reklamo ang Department of Justice (DOJ) sa iba't ibang regional trial courts dahil sa kaso ng missing sabungeros.
Ang itinuturong mastermind sa kanilang pagkawala ay si Atong.
Mariing itinanggi ni Atong na may kinalaman siya sa mga nawawalang sabungero.
Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case
