Pumanaw na ang former beauty queen na si Sara Jane Paez.
Binawian siya ng buhay noong Martes, January 13, 2026.
Siya ay 57.
Hindi tinukoy ang iba pang detalye ukol sa kanyang pagpanaw.
Si Sarah Jane ay kinoronahang Bb. Pilipinas-Universe noong 1989, at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 1989 na ginanap sa Cancun, Mexico.
Nagbigay-pugay ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. sa pumanaw na beauty queen sa pamamagitan ng Facebook post.
Nakasaad dito: "We remember and honor the life and legacy of Sarah Jane Paez Santiago, Binibining Universe 1989.
"Thank you for the light you shared and the pride you brought to Binibini. You will always be remembered. Rest in peace."
Nag-post din ang ilang malalapit na kaibigan at kapwa beauty queens ni Sara Jane ukol sa kanyang pagpanaw.
Kabilang sa kanila sina Marina Benipayo (Bb. Pilipinas-Maja International 1992) at Desiree Verdadero (Bb. Pilipinas-Universe 1984).
Si Sara Jane, kasama ng ang fellow former beauty queens, ay may solidong samahan at madalas magkita-kita. Makikita ito batay sa posts nina Marina at Desiree.
Hindi rin nila pinapalampas dumalo sa tuwing may gathering, event, at reunion ang BPCI.
Ibinahagi naman ng dating model-actor na si Lito Gruet na nakaburol ang mga labi ni Sara Jane sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati.
SARAH JANE PAEZ'S FAMILY
Si Sara Jane ay ikinasal kay Nicky Santiago. Mayroon silang dalawang anak na parehong nagtatrabaho sa abroad.
Noong January 2024, napanood pa si Sara Jane sa GMA-7 game show na Family Feud. Kagrupo niya ang kanyang pamilya, ang mister, kapatid na babae, at bayaw.

Sa episode na iyon, sinabi ni Sara Jane na sumali siya dahil pinipilit siya ng mga anak niya.
“The reason why nandito kami ngayon kasi sabi ng mga anak ko, ‘Mom, you have to do it!’”
Dahil nakabase abroad ang kanyang mga anak, sinabi ni Sara Jane na madalang na niyang makita ang mga ito.
“We try to see them at least twice a year,” sabi pa niya.
Read: Karla Estrada recalls son Daniel Padilla telling her about his split with Kathryn Bernardo
MISS UNIVERSE JOURNEY
Si Sara Jane ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 1989 na ginanap sa Cancun, Mexico, noong May 23, 1989.
Seventy-six candidates ang sumali sa 38th edition ng international beauty pageant. Nabigong makapasok si Sara Jane sa semifinalists.
Sa kanyang introduction video, sinabi ni Sara Jane na isa siyang Speech Communication major sa University of the Philippines at pangarap daw noong maging Public Relation Officer.
Nagsalita pa siya ng Pilipino nang magpalikala sa kanyang introduction video.
“Ako po si Sara Jane Paez,” pagpapakilala niya sa sarili.

Habang nag-aaral sa UP ay naging kasintahan niya ang basketball player na si Benjie Paras.
