Pagkatapos maging viral sa social media, tahimik lamang na umiinog ang mundo ng stylist at negosyanteng si Joyce Tan Custodio.
Hindi pa siya nagpu-post ng mga bagong larawang magkasama sila ng nobyong si Michael Pacquaio, pangalawang anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.
Sa kanyang Instagram Story kahapon, January 14, 2026, nagbahagi ng larawan si Joyce kung saan makikita ang pagkaing alimango.
Naka-geo tag ang post sa GenSan City o General Santos City, ang lugar kung saan naninilbihan si Michael bilang city councilor.

Kasunod na ibinahagi ni Joyce ang gift card mula sa isang kaibigan. Nakapangalan ito sa kanya bilang "Madam" at kay "Mike," na tumutukoy kay Michael.

Ni-reshare din ni Joyce ang mensahe mula sa isang Instagram user tungkol sa tamang partner na sumesentro sa paniniwala at pagtitiwala sa Diyos.
Buong mensahe sa post: "Having the right partner really matters, especially a Godly one.
"Someone you can pray with, play with, laugh with, and be your real self around, but who also takes you seriously, protects your peace, and walks with God.
"Love should feel light and safe at the same time, not confusing or draining."

Read: Beauty queen Sara Jane Paez passes away at 57
JOYCE TAN CUSTODIO'S NEW YEAR MESSAGE ABOUT HER AND MICHAEL PACQUIAO
Napukaw ang kamalayan ng publiko sa kung sino si Joyce nang ibahagi niya sa Facebook noong January 8, 2025, ang saloobin tungkol sa mga nababasa niyang "maling information" sa kanila ni Michael.
Marami raw siyang natatanggap na mensahe sa Facebook messenger na tila apektado dahil sa relasyon nila ni Michael.
Saad niya (published as is), "Sasabog ata MESSENGER ko sa dami nagmemessage but sorry I can't answer to everyone
"Fyi this is for everyone: My followers & Non Followers- Guys sa mga nakaka panuod ng reels/chicka videos ang cute niyo mas affected pa kayo sakin sa nababasa niyo na minsan halos maling information na nalabas sa news."
Payo pa niya sa netizens, huwag na lamang pansinin ang mga negatibong nababasa nila sa kanilang mga "ka-comment."
"Relax lang wag po makipag away sa mga ka-comment niyo, don't put any hate in your heart whatever you read or hear bcoz' of me Life goes on and Deadmah na hindi naman nila ako kilala personally.
"Happy New year again"
Pagtatapos pa ni Joyce, sanay na sila sa mga batikos kaya sana ay maging mabuting tao na lamang daw ang lahat.
"P.s. Don't worry sanay na kame, magpayaman nalang kayo kesa magaway away kayo sa comment section
"And remember God can hear everything he will judge each & everyone of us at the end of our lives so just be kind even if the world is not"
Read: Michael Pacquiao's girlfriend breaks silence on age-gap issue
Si Joyce ay dating stylist ni Jinkee Pacquiao, ina ni Michael.
Ilan sa mga isyung hindi niya pinansin ay ang diumano'y pagiging "groomer" niya at ang age-gap issue nila ng nobyo.
23 years old lamang kasi si Michael samantalang nasa late 30s na ito.
Read: Who is Joyce Tan Custodio?
