Hindi pinalampas ng mga mapanuring netizens ang recent social media post ng Russian content creator na si Vitaly Zdorovetskiy, 33.
Nitong January 17, 2026, ipina-deport na siya ng Bureau of Immigration (BI), idineklarang undesirable alien, at blacklisted na sa Pilipinas.
Pero bago ito, inaresto muna siya noong April 2025, at idinetine sa Warden's Facility ng BI sa Bicutan, Taguig.
Nagtangka siyang magpiyansa, subalit hindi ito pinahintulutan ng mga awtoridad.
Inaresto noon 2025 si Vitaly dahil sa sunud-sunod na reports ng pangha-harass at pambabastos niya sa mga Pilipino para sa content.
Sa kanyang videos, mapapanod ang pagmumura niya sa isang babaeng senior citizen habang naglalakad; pang-aasar at pangha-harass sa ilang security guards sa kanilang duty; bukod pa rito ang mga pranks.
Read: Russian vlogger arrested, detained for disruptive behavior in BGC
RUSSIAN VLOGGER’S SOCIAL MEDIA POST
Nitong January 21, nag-post sa X si Vitaly. Nakauwi na siya sa Russia.
Sa kanyang caption, kinukulayan niya ng drama ang pagkaka-detain sa kanya dito.
“After 290 days in the Phillipines jail with rats, cockroaches, and +35 Celsius weather, I am finally free.
“They really tried to break me but it built me. Out of the 290 days, I spent 91 days in complete Isolation. They wanted me gone but I’m here, all glory to GOD!!!”
Kalakip nito ang ilang videos at pictures na nagpakita ng glimpses sa kanyang naging buhay sa loob ng detention facilities.

Inalmahan ng Filipino netizens ang pahayag ni Vitaly.
Pakiwari nila ay hindi pa ito nadadala matapos niyang ma-detain sa loob ng siyam na buwan.
Narito ang ilan sa mga comments (published as is):
“Na para bang kasalanan namin? Ulowllll”
“Anong pinagsasabi mo na, ‘they tried to break me.’ Eh, kagagawan mo naman bakit ka nakulong.”
“Sariling yabang mo nagpahamak sa iyo.”



Sa tinuran ng vlogger na “they tried to break me,” ang hirit ng isang Pinoy: "Philippines: Break? We fixed you.”
Marami rin ang nagtuwid sa description ng vlogger na “broken," kabilang ang dalawang comments na ito:
“You are broken that’s why they put you in jail and it fixed you up."
“You broke the law first. If the prison truly built you and changed you, then I hope you learned your lesson. Respect above all else."





Marami naman ang nagkomentong sana raw ay nagtanda na ang Russian vlogger sa kanyang sinapit, tulad ng pagkakaaresto at pagka-detain sa Pilipinas.
“Wherever you go, remember to respect the culture and traditions of each country. You have no right to insult the country you are visiting.”
“Let this be a lesson that helps you grow and make positive changes in your life.
“Lesson learned boy."
"Natuto ka ba sa pagkakamali mo?” usisa ng isa pang netizen.
“No one tried to break you but to teach you on how to respect the tradition of the country you are visiting…” komento naman ng isa pa.



At ang tingin din ng iba ay gagawin pang content ng vlogger ang naging karanasan niya sa Pilipinas nang ma-detain.
Malaki naman ang tsansang magkatotoo ang suspetsa ng netizens.
Sa kanyang Instagram account, binanggit ni Vitaly na maglalabas siya ng documentary tungkol sa kanyang karanasan.
Parte ng kanyang post, "Without faith it wouldn’t be possible, thank you to everyone who had my back during these difficult times, I appreciate you… your boy is BACK!! Full documentary coming soon!"
