Seryoso ang akusasyon ng aktres na si Claudine Barretto laban sa kanyang personal assistant na si Ma. Solita "Marisol" Acap.
Sa livestream video ni Claudine sa kanyang Facebook page nitong Sabado, January 24, 2026, diretsahan niyang sinabi na kinidnap ng kanyang longtime PA ang mga anak ng aktres na sina Sabina, 21; Santino, 18; at Quia.
Habang isinasagawa ang video ay sinabi ni Claudine na hindi pa nakakauwi ang kanyang mga anak.
Nagbigay siya ng palugit kay Marisol na ibalik ang mga anak sa loob ng 15 minuto.
Kung hindi raw ay kikilos na ang mga awtoridad base sa paratang na kidnapping
"This is not a joke," mariing sambit ni Claudine.
"This is very serious. Marisol, ibalik mo ang mga anak ko dito, kanina ka pa dapat nasa Katipunan [Quezon City]. Inaantay ka na ng NBI dito."
Read: 16 foreign embassies troubled by guilty verdict for journalist Frenchie Mae Cumpio
CLAUDINE'S FANS ARE INVOLVED?
Pero bukod kay Marisol ay inakusahan din ni Claudine ang ilang fans na diumano'y nakikipagsabwatan sa kanyang PA para kalabanin siya at magsagawa ng extortion activities sa iba pa niyang tagahanga.
Gawain daw ng grupo na gamitin ang kanyang pangalan at mga anak para manghingi ng pera sa ilang fans.
Meron ding pinagbantaan si Claudine na, ayon sa kanya, ay nais siyang mamatay dahil ayaw niyang bumalik dito.
Kung susuriin ang pahayag ni Claudine ay mukhang ang dating mister na si Raymart Santiago ang tinutukoy nito.
Saad ni Claudine: "And you, you know who you are, hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo ako mabaliw o mapatay.
"Nanay ako ng mga anak mo! If anything happens to me, especially sa fiesta ng GenSan, alam niyo na po, dalawang tao lang ang gumagalaw."
Dagdag pa ng aktres: "And this person is in connivance with someone who wants me dead. Hindi ho ito biro.
"At ikaw, malalaki na ang mga anak ko. Magkita tayo sa VAWC [Violence Against Women and Children].
"You want me dead? Dahil hindi kita binabalikan? Bring it on, bring it on. Multuhin ka sana ng nanay at tatay mo."
Read: Raymart Santiago breaks silence on Inday Barretto's allegations
CLAUDINE'S THREATENING FACEBOOK POST
Nag-post din si Claudine sa Facebook ay meron screenshot post diumano ng anak niyang si Sabina.
Nakasaad dito: "Ate Sol, please surrender yourself to the authorities. You took Noah, Quia, and I. Now you are hiding. The authorities are looking for you in the village. How could you do this to us."
Nagbanta rin si Claudine base sa naging post ni Sabina: "You do anything bad to ANY OF MY CHILDREN MAGTAGO KA NA! Simula palang to. @marisol0125 masisira buhay mo promise! I AM A MOTHER!! yan ang pinakamali mong ginawa! WAG MGA ANAK KO! CLAUDINIANS AT RYCB KO AT HIGIT SA LAHAT WAG AKO SOL!!!!"
Samantala, pinost ni Claudine ang isang dokumento noong 2023 na nagpapakita ng isang notarized promissory note na galing umano kay Marisol.
Nakasaad sa dokumento na babayaran ni Marisol nang hulugan ang diumano'y utang nito kay Claudine na nagkakahalaga ng PHP 5,000,000.
Komento ni Claudine sa sarling post (published as is): "Pinatawad kita sa pang nanakaw mo.pero etong ginawa nyo MAGBABAYAD KAYO!!!PAREHO KAYO!!!"