Maraming netizens ang natuwa sa gawi ng pagbati ni Claudine Barretto sa dating nobyo na si Mark Anthony Fernandez nang magdiwang ng kaarawan ang aktor.
Ipinost ni Claudine ngayong Lunes, January 19, 2026, ang kuhang larawan nila ni Mark mula sa video call, bilang pagbati sa ika-47 kaarawan ng aktor noong Linggo, January 18.

Read: Claudine at Mark Anthony, muling magsasama sa Totoy Bato
Sa caption ng post, sinabi ni Claudine na mahalaga si Mark sa kanya kaya hindi niya nakaligtaang batiin ito sa mahalagang araw sa buhay ng aktor.
Bagamat hindi nagtapos sa happy ending ang kanilang pag-iibigan, nananatiling "first love" daw niya si Mark at wala siyang bahid ng pagsisisi na ang aktor ang una niyang naging nobyo.
Mensahe ni Claudine: "Belated happy birthday to my first love, my first everything. Especially my first heart break.
"I said this before and l say it again, if i were to live my life all over again, I'd still choose [you] to be my first."
Read: Ex-lovers Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite as friends after 15 years
Masayang-masaya raw si Claudine sa itinakbo ng pagkakaibigan nila ni Mark makaraan nilang maghiwalay noon.
Sa lahat daw kasi ng kanyang naging nobyo, si Mark lang daw ang naging mabuti sa kanya at hindi siya siraan.
Aniya: "I'm so proud of the man [you] have become.
"I never thought I'd ever be friends with my ex but Mark definitely is the exception.
"A true gentleman with one of the kindest soul I have ever met.
"Happy birthday. Thank you for never talking bad about me. In fact [you] took all the blame and made sure I was always protected even from a far."
Dagdag pa ni Claudine (published as is), "i have no Regrets. only great memories. i luv u EX."

NETIZENS’ MIXED REACTIONS
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens ang nasabing post na ito ni Claudine sa Facebook.
Maraming tagahanga nila ang napa-throwback at natuwa sa pagkakaibigang nabuo ng dalawa makaraan nila noong maghiwalay.
Mababasang komento ng isang netizen sa post ni Claudine (published as is), "Ito yong mag ex na after maghiwalay never nagka siraan sa isat isa. So,that's why they are so comfortable to each other. No more hatred and blaming of what happened to their past. The 90's loveteam and become a real couple.. they've known as a #MARKDINE."
Saad ng isa (published as is), "They are friends and besides noong naghiwalay sila never silang nagsisiraan sa isa't isa that's why super happy nila especially now na magkasama sila sa totoy bato .Good vibes lang palagi yong hatid nila sa kanilang mga fans."
"Kudos to these '90s former couple. Till now kinikilig pa rin ako sa kanila. Mapapa-relapse kana lang talaga hay," sabi pa ng isa.
Kung may mga natuwa ay mayroon din namang hindi makapaniwala sa pagiging bukas ng aktres na ihayag ang kanyang nararamdaman para sa ex-boyfriend na si Mark.
Pangunguwestiyon ng isang netizen kay Claudine, "Bat naman may pa 'I LOVE YOU EX' ma?"
Hirit pa ng isa, "Pwede naman pala ganitong greetings sa ex e. I love you ex wahahaha."
"Aliw sa pa-'I love you, ex.' Hahaha. Mabati nga rin yung ex ko nang ganito," dagdag na biro pa ng isa.
May isa pang netizen ang hindi pinalampas na itanong kay Claudine kung ano si Rico Yan sa puso at buhay ng aktres.
Saad ng nasabing netizen, "I thought Rico Yan is your first love."
Sagot dito ni Claudine, "Greatest love po."
Read: Claudine Barretto declares herself a daughter of Rico Yan's mom
Claudine–Mark Past Relationship
Taong 1995 nang mapabalita ang pagkakamabutihan nina Claudine at Mark, makaraan nilang magsama sa sitcom na Palibhasa Lalake, na umere sa ABS-CBN noong 1987 hanggang 1998.
Dahil sa nakakakilig nilang chemistry, nasundan pa ito ng mga proyektong sila mismo ang bumida, gaya na lamang ng Pare Ko at Mangarap Ka (1995).
Pagdating ng taong 1996, ipinares si Claudine sa leading man na si Rico Yan, na kalauna'y naging nobyo rin ng aktres.
Read: A Lookback: The Men Who Loved Claudine Barretto
Bagamat may iba na noong ka-loveteam si Claudine ay nananatili silang magkarelasyon ni Mark sa totoong buhay.
Hanggang sa mabalot ng intriga ang kanilang pagmamahalan nang mapaulat noong sina Claudine at Mark ay gumagamit umano ng ipinagbabawal na gamot.
Bukod sa isyung droga, maugong ding balita noon na sinasaktan ni Mark si Claudine at ang lihim umanong pagbubuntis at pagpapalaglag ng aktres sa una raw sana nilang anak ng aktor.
Bagay na mariing itinanggi noon ni Claudine.
Taong 1998 nang opisyal na maghiwalay sina Mark at Claudine.
Read: Mark Anthony Fernandez apologizes to ex-girlfriend Claudine Barretto for past mistakes
CLAUDINE and RICO'S LOVE STORY
Ang sumunod na naging karelasyon ni Claudine ay ang matinee idol na si Rico Yan.
Nag-umpisa silang magkamabutihan sa set ng Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998).
Bagamat dati na silang nagkakatambal sa mga pelikula tulad ng Radio Romance, Madrasta (1996), at Flames The Movie (1997), ito ang unang pagkakataong pareho silang single at available, matapos nilang mahiwalay sa kani-kanilang karelasyon.
Agad nahulog ang loob ni Rico kay Claudine dahil, ayon na rin sa mga nakakakita sa kanya sa industriya, ay likas na malambing ang aktres.
March 4, 1998, noong opisyal na naging magkasintahan sina Claudine at Rico.

Gaya ng relasyon nina Claudine at Mark, hindi rin nakaligtas sa intriga ang pagmamahalan nina Claudine at Rico
March 4, 2002, sa mismong araw ng ika-apat nilang anibersaryo bilang magkasintahan, ay pumutok ang balitang hiwalay na ang dalawa.
Ikinagulat ito ng marami nilang tagasuporta dahil sweet na sweet pa sa telebisyon ang dalawa habang nagpro-promote ng pelikula nila noong Got To Believe.
Ang hindi alam ng marami, matagal nang nagkakaproblema sina Rico at Claudine, kasama na rito ang kanilang matitinding away, na humantong umano sa pisikal na pagsasakitan.
March 29, 2002, ilang linggo matapos ang kontrobersiyal nilang away at hiwalayan, pumanaw si Rico habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.
Read: Claudine Barretto remembers late Rico Yan on his 50th birthday
Ang trahedyang ito ay nag-iwan ng mas maraming katanungan sa sambayanan, lalo pa’t masalimuot ang naging alitan sa pagitan nina Rico at Claudine at hindi malinaw kung natuldukan nila ang kanilang relasyon.
